Untitled Poem.

34 3 3
                                    

Tila ba ako'y nagugulumihanan
Sa aking nararamdaman.
Ako ay nasasaktan ng makita kang nagkakaganyan.

Ganyan na masaya na sa iba.
Hindi sa akin kundi sa kaniya.
Nasasaktan ako ng makita kang Malaya Na.

Malaya na sa aking mga halik.
Malaya na sa aking mga yakap.
At Malaya na sa aking mga bisig.

Sana ako na lang siya.
Sana ako na lang ang nagbibigay sayo ng saya.
Sana lahat ng sana ay matupad na.

Kung masaya kana sa kaniya wala na akong ibang magagawa pa.
Hindi naman ako siya, at hindi naman ako ang dahilan ng iyong ligaya.
Basta masaya ka, ako'y payapa na.
Kahit ang dahilan nito ay ang iyong pagiging malaya.

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon