Pano pag nahulog ka sa bestfriend mo? (Advice)

34 5 8
                                    

Dedicated to: ShaneMaquirang

Paano nga ba pag na-fall ka sa bestfriend mo, or specifically sa BOY-BESTFRIEND mo?

Ang Sagot: STOP!

Tama, itigil mo. Stop with those infantuations, may kaibigan na Binebestfriend lang. Hanggang dun ka lang, know your limitations. Kaya nga KAIBIGAN diba? Kaibigan lang. Wala nang over da bakod. Pag kaibigan, KAIBIGAN LANG.

Pero, hindi naman madaling itigil ang pagmamahal mo o pagkagusto mo sa bestfriend mo, maybe he has the traits na gusto mo sa isang lalaki. Pero dapat ihinto mo, dapat itigil mo.
Dahil sa huli ikaw lang rin masasaktan, masakit malaman na yung bestfriend mo hindi ikaw yung gusto, kaya bago mo pa malaman na may gusto siyang iba, itigil mo na.

Itigil mo na yang kahibangan mo, alam ko sasabihin mo na UNEXPECTED naman yung pagkagusto mo, Pero everything happens unexpectedly. Expect the unexpected. Bestfriend ka lang niya at hanggang dun na lang yun.

Kung nahulog ka na ng tuluyan sa kanya, pilitin mong bumangon, pilitin mong umahon. Umahon ka sa katotohanan na hindi ikaw ang gusto niya at KAIBIGAN lang turing niya sayo. Kung sinabi niya sayo ang salitang "I LOVE YOU", trust me hindi lang ikaw sinabihan niya nun.

Move on. Forget about everything. Always keep in mind na kapag Bestfriend, Bestfriend lang. Marami pang tao dyan, wag kang mag focus sa taong gusto mo pero hindi ka gusto, mag focus ka dun sa taong gusto ka na gaya ng pagkagusto mo. Ang hirap kasi sayo, ang pagtingin mo sa kanya parang pilikmata ang lapit lapit na hindi mo pa nakikita.

Basta, always remember, there is someone who will wait for you and will stay in your side. And deserves your worth. AND DESERVE YOUR LOVE. ☺️😉

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon