Tinry Ko Naman. (Confession)

28 4 0
                                    

Requested by Anonymous.

Tinry ko naman na ibangon tayong dalawa. Tinry ko naman lahat, nagpakasasa, nagpakatanga. Pero bakit parang wala lang sayo lahat? Wala lang sayo yung mga ginawa ko. Wala lang sayo yung mga effort ko. Minahal mo ba talaga ako?

Minahal kita. Totoo yun. Pinahalagahan kita. Ramdam mo yun. Lahat ng klase ng pagmamahal pinaranas ko sayo, lahat ng hiling binigay ko. Pero yung konting pagmamahal na gusto ko, di ko natanggap, di ko nakuha, Di Mo Napakita.

Pinaramdam ko sayo kung paano magmahal ang tulad kong seryoso. Pero pinaramdam mo sakin kung pano ka magpahalaga sa taong minahal ka ng totoo. Sinubukan ko. Tinry ko. Lahat na ginawa ko, pero ano? Wala lang sayo.

Mamahalin pa kita hanggat kaya ko, pero patawad pagod na ako. Pagod na akong sumubok. Pagod na akong Umasa. Pagod na Pagod na. Kakapit ako sayo sa huling pagkakataon, mamahalin kita hanggat may lakas pa ako, aasa ako hanggat may pag-asa. Kakapit ako sayo, pagkatapos Bitaw na. Bitaw na pag hindi na kaya. Bitaw na pag mahina na. Bitaw na kapag Pagod na. Bumitaw ako, pero atleast TINRY KO.

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon