Muntik nang maging tayo. (One Shot)

26 4 4
                                    

Muntik ng maging tayo. Muntik mo ng mahalin ako. Pero bakit muntik lang? Hindi ba naging totoo?

Nate's POV

Habang naglalakad ako may nakita akong isang dilag na maganda, napagalamang ikaw pala ito. Ang ganda mo talaga, hiling ko sa sarili ko na sana maging tayo, kahit yung sana na lang yun ang magkatotoo.

Binati kita kaso di mo ako pinansin, tinanong ko sa kaklase mo ang pangalan mo at napagtantong ito pala ay Lyn. Kay gandang pangalan para sa isang magandang dilag na gaya mo.

Recess ng makita kita uli, binati na naman kita pero hindi ka na naman namansin muli. Pinilit kong makipag kaibigan sayo, hanggang sa pinansin mo narin ako. Ang iyong boses ay nakakatindig balahibo, ang iyong ganda ay sadya namang ekstraordinaryo na dapat ay pintado.

Naging kaibigan kita, hanggang sa ito ay lumaon pa. Nagtagal ang ating pagkakaibigan, at tila ba'y ikaw ay aking nagugustuhan na. Ewan ko pero isip ko'y naguguluhan kung gusto na ba kita o mahal na kita. Hindi ko alam. Basta para sakin hiling ko'y malapit ng makamtan.

Naging lalong malapit at lumalim ang aking dadamdamin, hiling ko ay sana iyo rin. Sana ang damdamin ko ay gaya rin ng iyo. Pero parang imposible ata kasi may mahal kang iba.

Kahit nasasaktan ako, ay pinilit paring umamin sayo. Kasi ganun kita ginusto at ayokong mawala ka sa piling ko. Ang damdamin na akala ko ay pareho, ay iisa lang pala at iyon ay ako.

Sayang ang nararamdaman para sayo. Sayang. Muntik ng maging tayo.

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon