Pano pag nahulog ka sa taong may mahal ng iba? (Advice)

56 6 2
                                    

Dedicated to: GalaxyLover_07

Paano nga ba pag nahulog ka sa taong may mahal ng iba?

Ang Sagot: Hayaan mo lang.

Yep. Tama ang pagkakabasa mo, HAYAAN MO LANG sabi nga sa kanta Hayaan mo lang sila. Choice mo naman yun kung hahayaan mo yung sarili mong ma fall ng tuluyan sa kanya o kalimutan siya at mag move on.

Pero alam naman natin na hindi madaling kalimutan ang taong minsan mong minahal. Pero trust me, dadali yan pag ginusto mo. Minsan kasi kakalimutan mo lang siya kasi KAILANGAN at Napipilitan ka lang. Dapat kalimutan mo siya kasi yun yung DAPAT at kasi GUSTO mo.

Yung taong minahal mo may mahal ng iba? Edi hayaan mo sila, di ka naman bayani para ipaglaban siya. If you really love the person, let him be happy. Hayaan mo siyang maging masaya sa taong dahilan ng kasiyahan niya. Kung hindi man ikaw yun, tanggapin mo nalang. Mabuting nang masaktan sa katotohanan kesa mabuhay at mapaniwala sa kasinungalingan. Mas masakit yun, kasi narealize mo na niloloko ka na pero di mo parin nahahalata. Diba?

Well, gaya nga ng sabi ko HAYAAN MO LANG. Hayaan mo lang na mawala yang feelings mo for him, wag mong pilitin, hintayin mo. Pain takes time to heal. Kailangan niyan ng panahon at pag tuluyan na yang gumaling, mas magaan sa pakiramdam kasi nagawa mo siyang kalimutan ng walang pilitan. Nakalimutan mo na siya, naging MAS masaya ka pa.☺️😉

Unknown PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon