Prologue

410 27 8
                                    


"Kamusta naman ang hapon nyo mga listeners ko?! Yeah that's right! Nandito na ulit ang Kaisaisang Youngest Royalty Ilusyunada Announcer sa radio nyo na mambubulahaw sa inyong tahimik na buhay, walang iba kundi si Duchess Jockey KYRIA at eto ang show na pinamagatang, KYRIA ANG!" malakas na bati ko sa aking dear listeners.

Plinay ko ang sound effect ng mga trumpetang nagtutunugan na parang may nadating na maharlika at isang malakas na kwelang tawanan sabay ayos sa aking headset at nilapit ang microphone sa aking lips at binuka ang aking bibig.

"Kakalabas ko lang ng school at imbyerna na naman ang inyong Dukesa! Pero dahil doon, may topic na agad tayo ngayong pagabi!" masayang wika ko, "Our topic for today is... TAMANG PANGINGIRI! In English, THE RIGHT WAY TO FLIRT! At syempre ako ang magbibigay ng mga pointers para sa mga feeling flirt wannabe dyan out there! Pero bago yan, let's play the song na utang ko kahapon kay Mr. Heterochromia. Here's Remember Me by Miguel from the Disney Pixar Film Coco!"

Pinindot ko ang icon ng kanta at nag-play na ang sentimental song sa ere. Huminga ako ng malalim at ipinatong ko ang headset mula sa aking ulo sa lamesa at inayos ang aking sabog na buhok.

Bumukas ang pinto ng radio booth at nakita ko si Karina a.k.a Princess Reyka na may hawak na isang tasang kape at cupcake, "Kain muna Elesa. Tyak na hindi ka pa nagmemeryenda," sabi nito sabay patong sa harap ko ng dala nitong pagkain.

"Uy, salamat Ate Karina, hindi pa nga ako nag-lulunch," ungot ko sa kaibigan ko sabay higop ng kape.

Hinatak naman ni Karina ang isang bakanteng silya sa sulok papunta sa katabi nyang pwesto at umupo dito, "Why oh why na naman Elesa? Gawa na naman ba ni Drayden? Anu na naman ba ang dalang gulo ng lalakeng iyon sa tahimik mong school life?"

"Hay, as usual may keychain na namang kasama," sagot ko sabay subo ng cupcake.

Itinaas ni Karina ang kanan nitong kilay at umiling, "At ipinakilala na naman sa iyo? Aba'y patigilin mo na sya Elesa? Hindi kaibigan ang turing nya sa iyo! Baggage checker ka sa paningin!"

"Sinabi ko nga na kung pwede sya na lang ang kumilatis sa mga bangaw na naaligid sa kanya at ako'y madaming ginagawa! Hirap na hirap na nga ako sa paghahanap ng mailalagay na mali sa essay na isusubmit ko kanina para hindi maperfect ang score ko tapos bigla na lang syang dadating kasama si... si... Teres--- hindi Telm--- ahh.,... AWAN! Hindi ko tanda ang pangalan at wala akong balak pang alalahanin, ididispatsa din naman sya kinabukasan," pagod na sagot ko sabay higop ng kape at isinuot sa aking ulo ang headset at huminga ng malalim.

"At nagbabalik ang nagiisang Duchess Jockey sa radio, si DJ Kyria! Guess what my faithful listeners? Nakiki-sit-in dito sa booth ko ang pinakamahalimuyak na babaeng DJ sa bansa, walang iba kundi si Princess Reyka!" kinindatan ko si Karina na ngumisi naman at humarap na din sa microphone.

"Yes people! Nandito ako para samahan si Duchess Kyria sa kanyang kagutuman! Isipin nyo! Hindi pa nag-lulunch ang ating Duchess! Ako pa ha? Ako pa ang nagkawang-gawa na magdala ng makakain nya dito!"

"Hay naku, ikaw talaga Princess, alam ko namang nakalista sa iyong listahan kung magkano ang kape at cupcake na ito! Kakatapos pa lang ng swelduhan ay may utang na agad ako!"

"You know me too well Kyria. Well hindi ako nandito para maningil dahil next, next week pa ang payday, let's get on to the topic of yours Duchess. Interesting ha?"

"Syempre naman! Right Ways to Flirt! Hindi ba kayo naiinis na kadalasan sa mga malalandi ngayon sa ating henerasyon ay nawalan na ng dating? Wala ng substance at wala nang laman ang utak?" seryosong tanong ko.

Kyria (Nangangalahati Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon