Chapter 7

70 13 0
                                    


"Siguraduhin mo may ibabayad ka dito, Lysander," kabadong wika ko sa lalaking pinaghila ako ng upuan, "Wala akong ilalabas na pera sa restaurant na ito."

"Nothing to worry about, Elesa," smooth na sagot nya sa akin sabay tawag ng waiter, "I already paid our reservation here days ago. Kain ka lang ng kain, minsanan lang 'to."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Lysander, "Mukha ba akong hindi nakakatapak sa ganitong klaseng restaurant?" may pagka-inis na tanong ko sa kanya sabay tingin sa paligid ng mamahaling fine dining restaurant na pinagdalhan nya sa akin.

"Ahhh... no, I didn't mean to imply something. What I meant is minsanan lang tayo makakahanap ng excuse para kumaing magkasama. I don't mean to offend you or anything. If I did, then I apologize," sincere na sabi nya sa akin.

Umiling naman ako at ngumiti ng kaunti, "None taken. But to be honest, first time kong makapasok sa ganitong kainan. Hanggang fastfoods lang ang pinakamahal kong napupuntahan so salamat ng madami sa pagpapalibre sa akin dito. Who knows? This may be the last time na makakain ako sa ganitong kamahal na restaurant?" I said musingly as the waiter filled up our glasses with expensive wine.

"Good to hear that. Kung gusto mo kain ulit tayo sa graduation day?" alok nito sa akin.

"That's a generous offer, really. Pero I have to refuse," wika ko sa kanya habang tinitingnan ko ang histura nya for today.

Now that I noticed, mukhang nag-ayos din ito ng kauntian. Bagong gupit ang buhok nito at ang astig ng pormahan. He really is quite a looker underneath his harsh exterior. Quite the exact opposite of Drayden.

Drayden's appeal is very dazzling and immediate. Yung tipong unang tingin mo pa lang maaaprecciate mo na sya agad because of his extremely good looks at magandang tindigan. He is also very friendly and is always smiling.

While you will appreciate Lysander's looks the longer you look at it. Sharp ang facial features nya at ang prominent ng jawline na napakamanly tingnan. Maganda din ang hugis ng kanyang mga mata at maninipis na mga labi.

If you are put off by his mean demeanor and intimidating aura, hindi mo maaaprecciate ang kanyang hitsura if you don't look past his harsh surface.

Sya na ang hinayaan kong umorder para sa akin so I can stay quiet for as long as possible.

Unti-unti na kasi nag sisink-in sa akin ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Drayden. Nakakaramdam na ng malaking pagkahiya at pagsisisi ako sa aking sarili as of this moment. Bakit ko nga ba kasi ginawa iyon.

Kung hindi sana ako nagpakatanga kanina, hindi sana ako nakakaramdam ng galit at lungkot ngayon.

"Elesa, kain na..."

Napakurap ako at napatingin sa masarap na main dish na nakalagay na pala sa harapan ko. Hindi ko namalayan na nadala na pala ang pagkain habang nakatingin ako sa labas ng bintana.

"Ah... sige, thanks for the food," wika ko sabay simula nang kumain.

As expected, first class ang pagkain dito. Pag fine dining talaga at nakaka excite sa dila ang matikman ang mga putahe na hindi ko man lang alam na nag eexist pala in my whole life.

Exquisite din ang wine. Hindi kalasa nung tig two-two hundred na Novelino na tinitira namin noon ni Karina sa K.O.R pang commercial break at bagong sahod kami.

"How is it?"

"Napakasarap ng pagkain at nung wine. Justified yung price."

Umiling ito at ibinaba ang hawak na tinidor at knife, "No not the food, your day. How is it?"

Kyria (Nangangalahati Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon