Chapter 2

94 17 6
                                    


"Elesa! Pansinin mo naman ako!"

Kunwari'y wala akong naririnig habang nag uupdate ako ng mga paninda sa aking online shop sa facebook while trying to finish the research papers project ng second year college na umarkila ng aking service.

H.R.M ang course ng customer ko at nagpaparesearch sa akin about sa different types of hotels and ratings for her subject. Carry naman at madali kaso mabusisi nga lang. Karamihan ay copy paste ang ginagawa ko pero pinaparaphrase ko din para hindi halatang hinugot lang galing Wikipedia at Google.

"Uy Elesa!"

Hindi ko parin pinapansin ang lalaking naka pang-pe t-shirt at shorts na sumisiksik sa aking tabi at walang tigil na kinukuhit ako. Nagpatuloy lang ako sa pag tatatype sa aking Samsung netbook na sa katapusan ng buwan ay matatapos ko nang bayaran at halos six months ko ring hinulugan sa kakilala kong supplier ng laptops na nagtiwala sa akin dahil matagal na nya akong reseller ng mga gadgets.

"Ate tapos na ba yung pinapaprint namin?"

Napatingala ako at nakita ko ang isang grupo ng third year college students na nakatayo sa aking harapan. Tiningnan ko yung portable HP printer na nakakonekta sa laptop ko at tumango sa mga estudyante sa harapan ko sabay abot ng isang makapal na kumpol ng thesis papers sa kanila.

"Ok na iyan, inayos ko na din ang margin," masayang sabi ko sa kanila.

Mukhang naligayahan naman ang mga ito sa ginawa ko, "Naku salamat ng madami ate! Nagipit kami sa oras at hindi na nakapagpaprint kaninang tanghali. Buti may printer ka laging dala! Thanks to you, ligtas ang mock defense namin mamaya!" pasalamat ng group leader ata sabay abot ng two hundred sa akin.

"Good luck!" sagot ko sa kanila sabay kaway sa mga ito na naguusap usap na kung ano ang gagawin nila mamaya.

Bumalik ako sa pagtatype ng research ng biglang inilapit ng lalaking kanina pa nangungulit sa akin ang mukha nya at parang hahalikan na ako.

Mabilis kong isinara ang aking netbook at tinabig ko ng malakas ang kanyang mukha palayo sa akin, "Ano ba Drayden? Kita mo na ngang busy ako tsaka ka pa tinotopak mangulit! Ano na naman ba ang trip mo, ha?!" galit na tanong ko sa lalaking mabilis na nakarecover sa panunulak ko at nakadikit na agad sa akin.

"Ikaw, Elesa. Ikaw lagi ang trip ng nag-iisang ako. Notice me! Please!" pagmamakaawa nito sa akin sabay kindat.

Kung hindi lang ako sanay sa hitsura nito at antics ay baka kagaya na ako ng mga babaeng classmates ko sa aking likuran na halos panawan ng ulirat sa kilig habang pinapaulanan ako ng lalaki sa harap ko ng lahat ng charms na meron sya.

Matangos ang ilong, a set of deep dimples, deep set eyes, wavy black hair at magandang katawan na resulta ng pagiging varsity player ng soccer. Todo sa ngiti, kindat at flex ng braso ang ginagawa nito sa harap ko. A complete handsome jock at isa sa mga iniiritan ng mga school mapa sports o pageant.

"Pakiusap, Drayden. Huwag ngayon at huwag ako. Ang dami kong kailangang tapusin na projects at ifollow-up na buyers. Sa iba ka na lang magpapansin," sabi ko dito sabay turo sa direksyon ng mga cheerleaders na nakatingin na nakatingin sa kanya at sa mga classmates ko sa aking likuran.

Sumimangot ito at umiling, "Alam na alam mo naman na sa iyo lang ako nagpapapansin kasi ikaw lang ang hindi halos pumapansin sa akin, Elesa," nagsimula itong kumanta ng sintonado at nag sexy dance pa sa harap ko, "Ano pa ba ang ayaw mo sa akin Elesa? Bukod sa ang gwapo at hunk ko pa, tatlo ang talents ko! Saan ka pa? I can sing! I can dance! I can sing and dance! Ay teka, dalawa lang ba iyon? Pero tatluhin ko na para I love you kasi, mahal kita since we were young," sabi nito sabay biglang halik sa aking noo.

Kyria (Nangangalahati Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon