Chapter 3

90 12 0
                                    

"Aba sa bundok ba ang punta mo ineng?"

Napatigil ako sa paglalakad palabas ng gate ng tinutuluyan kong apartment nang batiin ako ng nagwawalis na si Aling Tere. May katandaan na ito, around sixty to seventy years old siguro. Sya ang may ari ng apartment na tinutuluyan ko ng mahigit apat na taon na.

"Ay hindi naman po," sagot ko dito sabay sulyap sa bag ko na literan na backpack pang hiking na inorder ko sa Lazada simula nung naging raketera ako, "May pupuntahan po kasi akong event at naisip ko na habang nanunuod ay magbenta na din ako ng mga makakain sa mga audience."

"Napakasipag mo talaga! Yayaman ka agad nyan!"

Umiling naman ako at inayos ang pagkakasakbit ng backpack sa aking mga balikat, "Naku hindi naman po. Kailangan lang magsipag at dumiskarte dahil mag cocollege na po ako sa June. Kailangang makaipon ng pera pang enroll."

"Tingnan mo nga naman ang panahon oo. Parang dati ay first year high school ka pa lang ng dumating ka dito, ngayon dalagang dalaga ka na at mag kokolehiyo na! Sinasabi ko na nga ba at malayo ang mararating mo kahit mag-isa ka lang sa buhay!" masayang sabi nito sabay tango sa akin.

Malaki ang utang na loob ko kay Aling Tere.

Nung namatay yung nanay ko sa sakit when I was just twelve years old ay parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Nailit ang lupa't bahay na naipundar ng tatay kong yumao sa pagsusundalo nung baby pa ako. Nagkaroon ng aberya sa pension na sana'y matatanggap naming mag-ina. Likas na mahina ang pangangatawan ng nanay ko kaya lagi itong nag gagamot hanggang sa hindi na kinaya ng kanyang pagtatrabaho bilang office staff ang mga gastusin namin kaya napilitan syang isangla ang bahat at lupa para matustusan ang aming pangangailangan.

Ibinilin ako ni nanay sa kanyang mga pinsan bago sya mamatay pero hindi sila naging mabuti sa akin.

Hindi ko sila masisisi, salat din sila sa buhay at isang dagdag na palamunin lang ako kaya binenta ko ang mga kakaunting alahas na naitabi ni nanay para sa akin at naglayas na ako dala ang sampung libong piso na napagbentahan ko na pakiramdam ko ay nalugi pa ako.

Nakilala ko si Aling Tere sa isang lugawan. Naulan noon at gabi na. Nagkakwentuhan kami habang nakain at inalok nya ako ng apartment na matitirhan. Libre ng three months. Tinulungan din nya akong mag-enroll sa isang public school at ang tumayong guardian ko pag may kailangang papirmahan sa mga magulang.

Nang nagsimula na akong kumita sa aking mga raket ay binayaran ko na ang renta ko sa kanyang apartment plus yung mga buwan na pinalibre nya sa akin in form of gifts and foods.

"Salamat nga po sa inyo at hindi ako nagtagal na pakalat-kalat sa daan," sabi ko sa matanda na napangiti naman at tumango.

"Magaling talaga akong kumilatis ng tao. Hala sya! Hindi na kita aabalahin pa! Magsaya ka panunood pero galingan mo sa pagbebenta ng mga kakanin!" paalam nito sa akin sabay balik sa pagwawalis ng garahe.

"Sige po Aling Tere, una na po ako," sabi ko dito sabay kaway at labas na ng gate.

Naghintay ako tricycle at swerteng may napadaan agad sa tapat ng tinitirhan ko.

"Manong sa Sports Field Arena pero idaan mo muna ako saglit sa Obet Water Station. Dagdagan ko na lang bayad," sabi ko dito at mabilis nyang pinatakbo ang tricycle.

Nakaraan ang ilang minuto at itinigil ng driver ang tryke sa tapat ng isang malaking refilling stationat bumaba naman ako agad.

"Sir Obet ung tatlong dosenang bottled water na inorder ko?" tanong ko sa lalaking nagmamando sa mga tauhan nya na busy sa pag-aayos ng mga bote at water jugs.

Kyria (Nangangalahati Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon