Radio Tide

78 10 3
                                    


Binabagtas ko ang kahabaan ng kalsada sakay ng aking itim na Mercedes Benz b180 na kakabili ko last week.

Matagal ko ding pinangarap na magkaroon ng ganitong sasakyan. Dati tinitingnan-tingnan ko lang ito sa mga carshows na napupuntahan ko because I'm an invited guest sa mga opening gala o auctions.

Pero ngayong nakaupo na ako sa loob nito at minamaneho na ito ay feel na feel ko na maybe, just maybe, malapit ko na marating if not narating ko na nga ang rurok ng tagumpay na hinahangad ko dati pa.

Ang magkaroon ng sapat na pera para basta-basta na lang bumili ng mga luho na dati lang ay sa mga panaginip at ilusyon ko lang matatagpuan.

Halatang napakaimportanteng araw ngayon dahil napakadaming tao ang nasa labas ng kanilang mga bahay at walang pasok ang karamihan sa mga establisyemento ng bansa dahil national elections today.

Yes, ang isa sa pinakaimportanteng kaganapan sa bansa once every six years ay nangyayari na ngayon. Parang may pyesta lang sa ingay at dami ng mga nagkalat na tao sa lansangan na mga papunta sa mga presinto sa mga malalapit na school para bumoto.

Thankfully, naging matagumpay ang "Lakad Halalan" program ng gobyerno dahil sa halip na gumamit ng sasakyan ang mga Pinoy ay minabuti nilang maglakad kung kaya naman papunta sa mga eskwelahan para bumoto.

Medyo proud din ako dahil isa ako sa tinap ng government para ipromote ang initiative na ito. Kahanay ko ang mga prominenteng mga artista, singers, idols at radio announcers na nagpupush ng idea na ito.

Kaya ngayon parang may laban lang ni Pacquiao dahil mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyang kasama kong bumabyahe sa daan.

Dapat siguro bumoto din ako pero ano nga ba ang magagawa ng isa kong boto? J

Alam na alam ko na kahit nahuhuli sa surveys si Lycan Fortalejo, it's just a fake news release in reality.

Bakit ko alam?

Kasi isa ako sa mga taong nagpropagate ng kasinungalingan na iyon. I was commissioned by a certain country (or countries) para imanipulate ang public polls para mamislead ang mga kalaban sa karera sa pagkapresidente.

Actually wala talaga akong balak tanggapin yung offer pero malakas ata sa radio station na pinagtatrabahuhan ko ung nag request kaya tinanggap nila at sa akin specifically pinasa ang trabaho.

I'm not really a politically inclined person and I for one believed na wala nang pag-asa pang magbago ang gobyerno naming kahit pa daanan ito ng ilang daang dosenang bagyo o ng gyera.

Napatingin ako sa tarpaulin ng kalaban ni Senator Lycan at napatawa na lang ako sa slogan nito na wala na daw mahirap pag sya na ang nanalo.

Mas maniniwala pa ako sa wala nang yapak na bata pag si Lycan ang nanalo kesa sa gasgas na linyahan nitong kulugong presidentiable na ito.

At least achievable pa ung target nya. Kudos sa kung sino mang nag-isip nun. Madali tandaan at pag naalala ng botante, madaling gawan ng paraan para matupad.

Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa restaurant na designated place ng meeting naming ng aking contractor.

Himalang hindi trapik sa Olivarez Binan na years and years ago eh daig pa ang edsa sa karambola ng mga sasakyan.

I should give myself a pat on the back.

Effective nga talaga ang kampanya na maglakad na lang. Bukod sa good for the health, eh nakakaluwag pa ng kalsada at bonding moments pa dahil magkakabarkada o grupo ang mga nakikita kong tao.

Kyria (Nangangalahati Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon