Chapter 8

78 15 4
                                    

"Elesa, pabili nga kami ni nanay ng dalawang mineral water tsaka may tinapay ka ba dyan? Pabili na rin ng dalawa."

Tumango ako sa aking kaklase na kumuhit sa akin bago ko inabutan ito ng dalawang bote ng tubig at dalawang cupcakes.

Matapos nyang magbayad ay iniabot ko na sa isang fourth year student ang pinaprint niya na pictures with her family. Hindi pa nangangalahati ang commencement ay ubos na ang aking mga paninda at ink sa aking portable printer.

Oo, kahit araw ng graduation day at nakatoga na ako ay todo pa rin ako sa aking pagbebenta. Sinusulit ko ang huling pagkakataon na makakapagbenta ako dito sa school na ito.

I finally decided to accept the offer of K.O.R na mag transfer ako sa main branch sa Manila effective next week. In time sa summer camp training ng stations para sa mga frontliner DJs na hawak nila.

Sa lahat ng mga nangunguna nilang mga DJs, ako lang ang nakastation sa provincial branch. Sabi nga nila DJ Marcus at DJ Fasha, if I want to excel more and advance further in this field, kailangan kong lumipat sa main branch dahil silang dalawa ay doon muna nanggaling bago napromote sa mataas na pusisyon, which I don't really target pero sa salary increase decision ay doon din pinagbabasehan kung nakatapak ka sa Manila branch o hind kaya kung gusto kong tumaas pa further ang sahod ko, no choice kung hindi lumipat.

Empake na sa tinutuluyan ko lahat ng kakarampot na mga gamit na naipundar ko sa aking buhay. Nakapagpaalam na din ako kay Aling Tere na paalis na din naman ng bansa dahil kinuha na ng mga anak na naka base sa Germany.

Ibebenta na nya ang paupahan at bukod sa wala akong nakikitang point na manatili pa kung iba na ang nagmamando na kwento ng ibang kapitbahay ko ay tataasan daw ang singil, ay sumabay na sila sa akin sa pag-alis with the blessing of our elderly landlady.

That, and masyado malayo sa Laguna ang papasukan kong trabaho kaya minabuti ko na lang na tanggapin yung ibinigay sa akin na slot ni DJ Fasha sa apartment na dating tinutuluyan ng kanyang kapatid na nag Dubai na this year lang. Inuupahan pa rin ng kapatid nya kahit wala nang nakatira dun as of today para hindi ako maunahan dahil prime spot yung kinakatayuan ng paupahan.

Malapit sa mga schools, malls, hospitals, call centers, palengke at sa pinagtatrabahuhan ko. Isang sakayan lang so very economical kahit doble sa normal kong ibinabayad dito sa Laguna.

Ang dami ko na ding naipon sa bangko at umabot na sya sa six figures. Naubos ko na ang mga dapat kong ibenta at kahit hindi muna ako mag raket for one sem sa college ay ok lang. Papakiramdaman ko muna ang environment ng school na papasukan before formulating an effective business strategties.

Advantage ko na nakakapanggawa na ako ng mga research and projects ng mga college students na customer ko before so hindi naman siguro ako ganun mahihirapan sa paghahanap ng sidelines.

Malapit na ang awarding ceremony and after that, Valedictorian's speech then uwian na.

Hindi bababa sa isang libo ang graduating fourth year high school students ngayon kaya normal na inabot na halos ng alas dose ang ceremony kahit saktong seven pa ito ng umaga nagsimula.

Tapos na palang tawagin ang Valedictorian at sinasabitan na ng masayang mga magulang ng awards ang Salutotorian from other section.

"First Honorable Mention from Fouth Year Section Silver, Elesa M. Villarin!"

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko ng tinawag ang aking pangalan. Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad ako paakyat sa stage kung saan nag-aabang ang class advisor ko na teacher ko din sa T.L.E.

"Awardee of Best in Attendance (kasi kung aabsent ako, malaki ang mawawalang kita sa akin), Best in Good Moral Conduct (dahil hindi ako nakikisali sa mga away, gulo at tsismisan ng iba kasi pag may nakaaway ako kahit isa, less kita for me) and the only Department of Trade and Industry Awardee for Business Mathematics in our school (ipapaliwanag ko pa ba?)."

Kyria (Nangangalahati Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon