Chapter 1

112 13 3
                                    

"Ok everyone, prepare a piece of paper for our surprise quiz. Long pad will do," malakas na announce ng teacher namin sa T.L.E.

I love surprise quizzes talaga o exams!

Yung mga tipong biglaan, unexpected and unforeseen magpapaquiz bigla ang teacher ng basta-basta na lang na nagreresult sa pagpapanic ng mga kaklase ko sa pagrereview.

Masaya kong hinugot mula sa bag ko ang makapal kong long pad paper at maingat itong ipinatong sa aking desk at kasunod na inilabas ko ang isang garapon ng stick-o at inilagay ito sa katabi ng long pad ko.

When the scramble for studying subsides, nagsisimula na ang paborito kong part ng quiz. Ang kuhanan ng papel.

"Elesa kukuha na ako ha?"

"Lagi talagang maaasahan si Elesa."

"Buti na lang meron si Elesa."

"No hassle talaga!"

"Dalawahin ko na ha?"

"Bilisan ninyo na ang kuha!"

"Mag-aaral pa ako wag ka na pabebe! Pugit na!"

"Baka maubusan ako!"

Music to my ears ang patak ng tig dodos ng mga classmates ko sa aking garapon, "Don't worry, hindi kayo mauubusan! Kuha lang!" magiliw na sabi ko sa kanila na pinagkakalibungbungan na naman ako as usual.

Sinilip ko si Ma'am pero busy ito sa paghahanda ng ipapa-quiz sa amin. Sanay na ito sa ganitong commotion. Lahat ng mga teachers ko ay tanggap na ang likas na katamaran ng mga classmates ko na magdala ng papel at ang aking angking katusuhan para imonitize at pagkakitaan ang kanilang katamaran.

"Wala akong ipapahiram na ball pen Carl, tanong mo kay Elesa kung may binebenta sya," kinig kong reklamo ni Bona sa boyfriend na nanghihiram sa kanya.

Lumingon naman ako sa direksyon ng mag syota at tumango bago inilabas ang isang kahon ng multi-colored HBW ball pens at winagayway ito sa lalaki, "Yes! Meron ako red, black and blue. Ten pesos lang!"

"Eight lang yan sa canteen eh," reklamo nito sa akin, "Lalabas na nga lang ako."

"Walang lalabas ng classroom, Carl," saway naman ng teacher ko na nakatayo na at hinihintay na matapos ang bentahan ko, "Pati ba naman ball pen wala ka? Kung namamahalan ka, dapat hindi mo kinalimutan magdala," sermon nito sa kaklase ko na tumayo at lumapit na sa aking kinauupuan at nagtapon ng ten-peso coin sa aking garapon.

"Sige na nga! Pabili Elesa, yung black," sabi nito sa akin sabay kuha sa kahon ng ball pen at tinesting ito sa palad bago ngumiti at bumalik na sa girlfriend.

Natapos na din sa wakas ang pagbili ng papel ng mga kaklase ko at halos maubos na ang kanina ay makapal ko pang long pad. Ang bigat na din agad ng garapon ko wala pang tanghalian! Grabe ang saya!

Isinilid ko sa bag ko ang garapon ko at sinulat ko na ang pangalan ko sa long pad nang nagsimula nang magpatahimik ang teacher namin para makapagsimula ng quiz.

Elesa Villarin

IV-Silver

"Ok class question number one..."

Nakapag-aral na ako kanina pa dahil amoy na amoy ko na ang surprise quiz ni Ma'am na dalawang linggo nang hindi nagpapa quiz kaya inunahan ko na ng pag-aaral.

Tapos na ako magsagot at hinihintay ko na ang next question nang biglang maalala ko yung tinatapos kong cross stich kanina.

Mabilis kong ipinasok sa bag ko ang aking kamay at inilabas ang tinatahi ko na aking sinimulan two days ago pa. Deadline ko na pala ngayon para tapusin ito.

Kyria (Nangangalahati Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon