Chapter 6

101 16 5
                                    


"Mura lang yan, fifty lang! Custom made, walang kaparehas. Tingnan mo pa," sagot ko sa nagtatanong ng price ng binebenta kong roses galing divisiroia na pinagpuyatan kong i-arrange kagabi.

"Ate tapos na ba yung pinapaprint kong greeting card?"

Tumango naman ako sa dumating na college student sabay abot ng personalized greeting cards na inorder nito three days ago, "As promised extra special!" magiliw kong sabis a kanya sabay turo sa mukha ng kanyang girlfriend, "Matutuwa sya dyan pihado."

"Naku sigurado. Subok ko na yearly pag ikaw gumawa, nagugustuhan nya. Eto bayad. Keep the change!" masayang sabi ng lalaki sa akin sabay abot ng two hundred pesos na buo sabay takbo paalis.

Napangiti naman ako habang binubulsa ko ang binayad nya.

It really pays to know your customer. Medyo nagpakastalker ako about two years ago sa kanilang dalawang mag jowa. Nalaman ko sa fb page ni girl na mahilig ito sa melody, hello kitty at kung ano ano pang sanrio character kaya iyon ang ginawa ko nung unang umorder sa akin ang boyfriend nyang panregalo sa birthday nya.

Nang magustuhan ni kuya ang resulta, naging suki ko na ito tuwing may okasyon gaya ngayong Valentine's Day.

"Magkano yung toblerone mo?"

"Two hundred fifty, may kasama nang ribbon at greeting card. Bili na!" udyok ko sa lalaking mukhang nagdadalawang isip pa pero sa tulong ng mga katropa nito ay napabili na din ito sa akin.

Walang klase ngayon dahil isa ang school ko sa mga pinagpalang paaralan kung saan suspended ang klase pag Valentine's Day pero kailangan mo pa ring pumasok at magpa-attendance.

Ok lang sa akin dahil unlike most of my schoolmates na halos mabaliw na sa kakiligan ngayong araw na ito habang napunta sa kung ano-anong booth. Kissing, Dating, Dining, Singing, V.I.P etc. etc. etc., heto ako busy sa pagbebenta ng mga bulaklak, chocolates, cards, stuff toys at photo printing services habang ginagawa ang cute na family tree na request sa akin ng isang nanay na nagkasakit at hindi na magawa ang project ng anak na grade schooler.

One month na lang at graduation na.

Final Exam na lang at nakatoga na akong mamartsa. Achievement ko na makatapos ako on my own ng high school but for me, life has just begun. Mas madugo pag college pero mas madami vacant time kaya I try to think of it that way para hindi ako masyadong ma-nega sa buhay.

"Sige lang kuha na lang kayo ng gusto nyo, iabot nyo na lang sa akin bayad," sabi ko sa mga kaklase ko na gustong bumili ng aking mga paninda na nakalatag sa lamesa ng canteen at ilang sandali na lang at sold-out na ako.

I admit, nakakatuwang panoorin ang mga magkakapares na mga mag sweethearts na estudyante na naglalakad sa aking paligid. Nakakatuwa din ang mga singles na nagpapakabusog na lang dito sa canteen o kaya ay malalakas ang trip na pinagkakatuwaan ang mga magjowa.

Sa lahat ng mga Velentine's Day na dumaan sa aking high school life, ngayon lang ako nag-abala ng todo para ngayon. Sa aking mga paninda at sa...

"Wow ang cute naman nito ate! Magkano sya?"

Napatingin ako sa isang college student na nakatayo sa harap ng lamesa ko at nakatingin sa isang boquet ng white at red roses na nakabalot sa mamahaling silk paper na may kabundle na chocolates na talagang pinili ko myself for this certain flower arrangement.

Umiling naman ako, "Ay hindi sya for sale."

Dumating ang ilang mga lalaki pa from all year levels ng mapansin nila ang unique boquet na mas nahalata dahil naubos na pala ang aking pangtinda na mga bulaklak.

Kyria (Nangangalahati Na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon