Chapter 2 <So close>

219 11 4
                                    

*October*

Pansin ko napapadalas ang pagtingin niya sakin, pero bakit? Ano ba ang iniisip ng mga lalaki pag ganon? Pero siguro nahahalata niya na madalas ko siyang titigan, kaya pati tuloy mga kaibigan niya parang tinitingnan na rin ako.

Nagpunta ako sa hallway sa 2nd floor ng school namin at tumanaw sa bintana habang nagbabasa ng mga nilesson namin. Nakita ko siya naglalaro ng sipa, kasama mga kaibigan niya. Di na tuloy ako nakapagbasa at tumitig na lang sakanila.

Napatingin siya sakin at nagulat ako, di ko alam kung sakin nga ba siya nakatitig nun kasi medyo malayo din kasi siya. Pero bigla siyang parang napangiti tas tinaaa niya yung isa niyang kilay.

"Hayy, ang cute niyang tingnan."

Di ko napigilang mapangiti pero patago ko itong ginawa, kasi baka hindi naman pala ako yon, pero sakin kasi siya nakatingin. Ewan ko ba, basta masaya na ko dun.

Bumaba na ako para hanapin yung dalawa kong bestfriend at nakita ko sila papasok na sa next class namin.

"Hui, teka hintayin niyo ko!" napasigaw ako, buti na lang di naistorbo ang ibang nagka-klase sa ibang room. Napatingin ang dalawa sakin at tumawa.

"Ang ingay mo naman, ma'detention pa tayo nyan eh dahil sayo" inakbayan ako ni Gale. Tas kiniliti ako ni Marian. I gave them an insult face tas nginitian ko sila.

*Bell*

Last subject na namin bago mag'lunch.

"Wala si Ma'am!" sabi ng isa kong kaklase. Syempre lahat kami natuwa, kaya nagkalat kami sa covered court.

Nang malapit ng mag time tumabay na kami ng mga kaibigan ko sa hallway sa entrance ng school namin. Lumabas na rin ang mga kaklase ni Jason, hinahanap ko siya.., iyon nakita ko na rin siya pero iniwas ko agad ang pagtingin ko sakanya.

Si Gale at Marian ay nakangiti sakin, yung bang kilig na kilig sila. Pero wala naman dapat ikakilig dun. Ewan ko ba mga adik eh. Hahaha.

"Son, upo tayo" narinig kong sinabi ng isa sa mga kaibigan niya. 'Son" pala ang tawag sa kanya tas sakin 'Selle'. Hahaha S<3S ang harot.

Biglang may tumabi sakin, mahaba kasi ang upuan kaya pang maramihan. Nang tumingin ako sa kaliwa ko, katabi ko si J-j-j-asonn. Napatigil ang paghinga ko, kahit kausap niya ang mga kaibigan niya, kahit di siya nakatingin sakin di ako makakibo.

Halata ng mga kaibigan ko na namumula ako. Di ako makapagsalita ng biglang mag'bell. Tumayo ako kaagad at hinatak ko ang mga kaibigan ko. Naglalakad na kami palabas.

"Ui, nasa likod mo lang siya" sabi ni Marian.

"Wag kasi." Di ko alam kung ano ang gagawin ko lutang na lutang ako eh.

Pag-uwi ko sa bahay, di mapigilang ngumiti kilig na kilig ako. Para akong na-aaning, ginawa ko na mga homeworks ko tas nag'facebook ako. Panay kong binibisita profile niya kahit di pa kami 'friend' ala kasi akong lakas ng loob na i'add siya.

*~*

November na, nagpunta kaming memorial. Kumakain ako ng sandwich at tinitignan ang ibang tao, eto nakatulala ang best thing na gawin pag walang magawa.

Napatingin ako sa isang lalaki na naka black and green na stripes. May kamukha siya ah, nang palapit siya ng palapit, si Jason pala. Ang cute ng damit niya 'green' favorite color ko. :">

Dumaan siya sa side namin pero siguro hindi niya ako napansin. Niyaya ako ng pinsan ko na mag-gala kaya pumayag naman ako. Naka'motor kami, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko na siya makita. Nakita ko lang ang mga kaklase ko.

----

November 3. Back to school na naman, pero masaya naman.

Unpredictable Feelings of His (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon