Sabi nga walang permanente dito sa mundo. Lahat nagbabago, kahit feelings na tao. Maybe today ayaw mo sakanya and tomorrow gusto mo na siya. Pero kailangan nga ba 'to mangyayari?
Nandito ako sa kwarto ko nakatulala, maaga pa naman kaya okay lang. Naalala ko lang nung una ko siyang nakilala, ang bilis pa la ng panahon. Di ko namanlayan ang daming nangyari, ang daming nagbago, ang daming..
daming...
dami....
dam...
Teka anong oras na, ang tagal ko na palang nakatulala. Hahaha.
Jason's POV
Masaya ako kapag nakakasama ko siya, pero ayoko siyang MAHALIN. Di ko alam kung bakit, sabi nila beyond friends beyond enemies daw kami.
Hindi ko makalimutan yung nangyari kahapon, I mean sinabi ko sakanya na namiss ko siya, totoo naman yun. Hindi ko alam pero nahirapn akong sabihin ko yun sakanya, dinaan ko pa nga sa biro eh kaya ayun naasar ko pa siya. Haha.
Natural lang naman na mamiss mo ang kaibigan mo right. She's like a little sister to me, kahit na mas matured pa siya sakin kung mag-isip. I'll protect her no matter what.
Okay corny na ko eh, kung anu-ano na pinagsasabi ko.
May pupuntahan pa ako, magkikita-kita kasi kami nung mga kaibigan ko nung elementary. May papakilala pa daw sila sakin.
Eto nakabihis na ako, bumaba na ako at nagpaalam kay mama. Nakasakay na ako sa motor ko, papunta sa bahay ng kaklase ko dati.
Pagkarating ko ang daming tao, may ano ba dito. Sumilip ako, parang may party.
"Ui Pare, andito ka na pala." yung kaibigan ko dati.
"Oh, ano ba meron dito?" sabi ko.
"Eto naman, birthday ko pare." sabi niya.
Ano daw birthday niya? Haha malay ko ba, di man lang siya nagpasabi para akong siga tuloy. Haha.
"Oo nga pala Kent." sabi ko, kunwari alam ko. haha Kent pala pangalan niya.
"Haha, ikaw talaga. Tara na may papakilala ako sayo eh." sabi ni Kent.
Pagpasok ko ang daming tao, makapg-imbita naman toh kala mo children's party pwede naman kami kami lang. Pumasok na kami sa sala nila nandun din yung dati kong mga kaklase at may babae silang kasama.
"Jason!" sabi nung isa kong kaibgan.
"Kamusta pare." sabi ko, napatingin ako sa babae nakangiti siya. Ang ganda niya.
"An Jason siya nga pala, si Rose." sabi ni Kent sabay turo dun sa babae.
Nagsitayo yung mga kaklase ko dati at pina-upo ako dun sa tabi nung babae. Mga nakangiti sila, eto ba yung papakilala nila sakin? Mga nagsi-alis na sila, yung iba tinap ako sa balikat at may mga nagsabi pa 'good luck'.
Napano ba sila, akala ko ba birthday ni Kent eh parang birthday ko ^__^. Ba't ganto parang blind date, Jason wag ka nang umangal. Maganda naman siya. Nagsalita na yung girl.
"Hi, so you're Jason." sabi niya.
"Yea." sabi ko.
"Ok." sabi niya, paiklian ng sasabihin ganon.
"Tama nga sila, ang cute mo." habol niya.
Babanat pa, hahaha. Kala ko boring siyang kausap eh.
"Ha? Hindi naman." sabi ko. Pa humble ahaha.
"Haha, di naman ako nagbibiro, so believe me." sabi niya tas ang cute niyang ngumiti.
"Ganon ba, sabi mo." sabi ko. Hehe ^^V
BINABASA MO ANG
Unpredictable Feelings of His (On-hold)
Romance~Prologue~ Lahat ng tao ay naransan ng magka'crush, natural lang kasi ito lalo na sa mga teenagers na katulad ko, kasama na ito sa ating buhay. Madalas ang tawag dito ay ang ating mga inspirasyon; nakakatuwa, nakakakilig at minsan masakit. Pero paan...