Sa lumipas na isang taon ang dami ng nangyari, eto sophomere na ako. Parang ang bilis ng panahon, gusto ko uli bumalik sa pagiging freshman ko. Hahaha, tara let's go to school na.
Pinuntahan ako ng mga friends ko sa bahay namin at sabay sabay na kami pumunta sa school. Ang daming estudyante, halos mapuno na yung buong school.
May gwapong dumaan sa harap ko, si Jason pala. Lalo siyang pumuti at nagmatured ng kaunti, naka stripes siya ng blue, yellow and red. :) Ang cool niyang pumorma, pero hindi iyon ang nagustuhan ko sakanya.
Pumunta na kami sa bagong room namin, ang astig. Wala akong masabi, simple lang pero kakaiba. Orientation pa lang naman kaya wala kami masyadong ginawa. Puro kwentuhan lang at kamustahan. :D
*~*
*July*
Ang hirap naman ng mga subjects namin T.T nakakapagod na, di tulad nung freshman kami madadali lang. Hay nako ganto talaga habang pataas ng pataas year level mo.
Habang pinag-aaralan ko ang lesson ko sa biology dumaan si Jason, pero di ko siya agad napansin kaya parang nai'snob ko siya. Tsss.
"Huy, problemado na problemado ka ah, pati si Jason nadadamay mo" sabi ni Marian na nakasibangot sakin.
"Wag kang maingay baka may makarinig sayo." pasigaw na pabulong kong sinabi.
Nang biglang dumaan uli si Jason, narinig niya ata, tas sumunod mga kaibigan niya. Ano ba yan? Napansin ko si Mark nakangiti siya samin. Narinig nga ata, nang wala na sila binatukan ko si Marian, she deserves it.
"Aray naman." she chuckles.
"Ka megaphone mo naman kasi eh Rian." Gale smirks, hoo buti na lang kampi sakin si Gale ahaha.
"Aww, sorry na. Tyaka sa tingin ko alam naman talaga niya eh" sabi ni Marian.
"Alam mo, just stop it." I said tas dinilaan ko siya.
Few days later, madalas kong pansin na panay siyang tumitingin sakin, pati kapag naglalakad ako sa corridor nakatitig siya sakin. Ewan ko ba minsan naiilang ako, kaya madalas parang ini'ignore ko na siya. Pero kapag di naman siya nakatingin, hala lusaw na lusaw siya sakin.
*~*
Wala kaming algebra ngayon. Wohoo, absent kasi ang teacher namin.
"Library tayo." sabi ni Gale.
Library, dito kami tumatambay kapag walang magawa or kapag naiinitan kami. Aircondition kasi ang library sa school namin so inshort out of 100%, 90% ang pagpapalamig at 10% ang pagbabasa. :]
"Tara." say ko.
Pumunta na kami agad ng library, at pagpasok namin bumungad agad sakin ang mukha ni Jason. OMG andito rin siya sa library. Nung una ayaw kong pumasok dahil nahihiya ako, pero ala akong magawa eh.
"Nagli'library rin pala ang mokong." pabulong na sabi ni Gale. She's reffering to Jason last section kasi sila sa year level nila. Hayzzz. -.-"
"Tumahimik ka nga." I said.
Ala ng available na table and seats kaya ang nangyari ay pumunta kami sa table nila Jayson, medyo maluwag kasi ang space nila. Nakatapat ko siya, di ako makahinga para tuloy akong timang.
Hinarang ko ang book ko para hindi ko siya makita pero everytime na ilalapag ko 'to makikita kong nakatingin siya. Nako, ang hirap ng ganto, di ko mapigilan yung kilig ko. >'<
Malapit lang ako sakanya as in kaharap ko talaga. Nung tingnan ko siya tumingin din siya sakin tas ngumiti siya. Ano ba gagawin ko, nakakakilig na ah. Tas nagsalita siya pero pabulong lang.
"Kamusta?" he smirks.
Yung mga friend ni Jason at mga friend ko ay mga kunwaring walang pakielam pero mga nakikinig sila. Tapos sina Marian at Gale na parehas na nasa gilid ko ay kinikiliti naman ako. Ang hirap ng sitwasyon ko.
"Mabuti naman ako." ang tipid ng sagot ko, nahihiya kasi eh.
"Di mo ko kakamustahin?" he joke.
Ay oo nga neh, sorry naman. Mukhang okay ka naman eh, gwapo ka pa din :">
"Kamusta ka na ba?" I said.
"Eto gwapo pa din" then he wink.
Gwapo, gwapo talaga? Ohhmygoshh. Kininditan niya ba talaga ako? Napa squeaked sina Marian at Gale, malamang kinilig. Iyon nabawalan tuloy kami ng librian, siguro halatang halata na noh, di ko na mapigilan eh pati yung mga kaibigan ko.
Napatingin ako kay Mark, tumatawa siya ng patago. Tssss Hahaha. Tapos yung ibang mga estudyante ay napapatingin na din samin grabe nakakahiya naman kasi ih.
Biglang nag'bell, hooo nakahinga na rin. Kala ko malalagutan na ako ng hininga dun haha joke. Isang oras ko din siya nakasama. Kaya ang saya saya ko.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Feelings of His (On-hold)
Romance~Prologue~ Lahat ng tao ay naransan ng magka'crush, natural lang kasi ito lalo na sa mga teenagers na katulad ko, kasama na ito sa ating buhay. Madalas ang tawag dito ay ang ating mga inspirasyon; nakakatuwa, nakakakilig at minsan masakit. Pero paan...