Chapter 4 <The new guy>

187 12 2
                                    

Nakatitig sa black board, sinusubukan kong mag'concentrate pero kahit ano gawin ko panay ang nasaisip ko ay si Jason. Hindi pa naman sila ni Jam, tyaka may boyfriend siya kaya sana SANAA wag niyang sagutin si Jason. xD

Masakit man tanggapin pero kailangan, bayaan mo na nga crush ko lang naman 'yon. Awww ang hirap T.T

Teka crush nga lang ba???

*Bell*

Sa kakaisip ko non, napadpad ako sa canteen, di ko napansin iniwan ko pala si Gale at Marian. Nasa room pa sila. Nakita ko yung kaibigan ni Jason pero wala siya doon, bumili ako ng juice at sandwich tas biglang lumapit yung kaibigan ni Jason.

"Hey" sabi niya

O.O ano 'to? Ano gagawin ko?

"Hi" tas sabay ngiti. Ang gwapo din ng kaibigan niya kaya napangiti na lang ako tas bigla siyang nagpakilala.

"Ako si Mark" sabi niya habang nakangiti. Magpapakilala na sana ako ng nakita kong dumaan si Jason. Gosh namula na naman ako, lumapit siya kay Mark tas nakatingin siya sakin. Ngumiti na lang ako, tas umalis na ako. Nahiya ako >'<

Narinig kong napatawa sila. Bat kaya ganon, kapag crush mo na parang niyeyelo ka at hindi ka makagalaw, hindi mo magawang lumapit sakanya o makipag-usap man.

Pumunta ako kina Marian at Gale at kinuwento ko sakanila yung nangyari. Grabeng kiligin naman yung dalawa, halos bugbog na ako at ang bibigat pa ng kamay.

Simula 'non, nag ngingitian na kami ni Mark. Kahit di man kami ganung ka close, kung pwede lang sana siya na lang si Jason. Hahaha!

Pero hindi 'to pwede si Jason ang mahal ko, teka did I just say MAHAL?!

Pero hindi niya naman ako mahal at mabait naman si Mark, try ko kayang mahalin siya? Gulong-gulo ako sa isip. Kung anu-ano na ang naiisip ko, parang may mali.

*~*

Uwian na. Nang palabas na ako sa gate ng school namin may nakabungguan ako. Pagtalikod ko nakita ko si Mark pala, ngumiti siya tas nag'sorry pa. Ang gentleman niya, inalok niya pa akong ihatid sa bahay namin.

"May pupuntahan pa tayo Mark." napatingin ako sa likod para tignan kung sino ang nag-salita. Si Jason pala, mukhang badtrip siya at masama ang tingin niya kay Mark.

"Ah sige Mark, kasama ko kasi mga kaibigan ko kaya hindi ako pwede." Sabi ko, nginitian ko si Mark tas sumunod na ako sa mga kaibigan ko.

Biglang hinawakan ni Mark ang mga kamay ko tas niyakap niya ako.

"Ingat ka." sabi ni Mark, hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang nawala ang mga buto ko, nanlalambot ako.

Agad akong tumakbo papunta sa mga kaibigan ko, syempre kinuwento ko sakanila yon. Pero this time parang may masamang balak naman sila.

"Sa tingin ko, kailangan kong umiwas kay Mark, nakaka-ilang kasi eh" sabi ko.

"Ano ka ba!" Sabi ni Marian. "Gale, do you think what I am thinking?" dugtong pa niya.

"Yes. hahaha" sabi ni Gale, teka ano na naman ba plano nila?

"Ano na naman ba kalokohan niyo?" tanong ko.

"Bakit, di mo gamitin si Mark para pagselosin si Jason. Para atleast malaman mo kung may pagtingin rin siya sayo." sabi ni Marian.

"Mali 'yon tyaka malay niyo wala naman sakin gusto si Mark. Basta mali 'yon" napayuko ako, naguguluhan ako.

"Inulet, paulet-ulet?" banat ni Gale.

"Hay, buhay parang life." sabi naman ni Marian.

Pag-uwi ko sa bahay inisip ko yung mga sinabi ni Marian.

'Bakit di mo gamitin si Mark para pagselosin si Jason'

'Bakit di mo gamitin si Mark para pagselosin si Jason'

'Bakit di mo gamitin si Mark para pagselosin si Jason'

Haayy nako, ayoko namang gamitin siya at kung gusto man ako ni Mark, ayokong pag-laruan yung nararamdaman niya para sakin.

*~*

Napansin ko parang hindi na nagkakasama si Mark at Jason. Ibang kaklase nila ang mga nakakasama nila, siguro nagka-away sila.

Pumunta kami sa room namin sa 2nd floor, dun muna kami tumambay off kasi namin. Habang nagkwe'kwentuhan kami nila Abi, Shy, Gale at Marian, mga kaibigan ko. May napansin akong sumilip sa pinto.

Pinuntahan ko ang pinto at pag-bukas ko nito, nakasandal si Mark sa wall tas yung isang paa niya ay nakataas against sa wall, yung pa-triangle na shape.

"Ui ikaw pala"

"Pasensya na nung nakaraan. Kahit ako di ko alam kung bakit kita niyakap non" sabi ni Mark.

"Wala 'yon" ^.^

Tas nakita ko sa 1st floor si Jason nakatingin samin, nang mahalata niya na nakatingin ako sakanya, umiwas siya ng tingin.

"Alam mo ba na...?" sabi ni Mark.

Pero bago niya pa matapos ang gusto niyang sabihin may nag'call sa phone niya kaya umalis na siya. Di ko maintindihan yung sinabi niya, di ko rin maintindihan yung mga kinikilos ni Jason. Nung dating uwian nung ina'alok ako ni mark na ihatid, mukang badtrip siya tas masama pa ang tingin niya. Tas di rin sila magkasama tapos ngayon, pinagmamasdan niya kami.

Di ko malaman ang iniisip niya, di kaya nagseselos siya? Pero imposible, nililigawan niya si Jam at mukang mahal niya naman si Jam. -.-"

 ---------------------------- <3

A/N: Yung picture po sa gilid si Mark po yan nung bigla niyang hinug si Giselle. :D

Unpredictable Feelings of His (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon