Ang daming nangyari sa mga nakaraang araw. Bakit ba ganun, di ko maintindihan si Jason. Di ko ma'predict, ano ba ibigsabihin kapag yung taong gusto mo ay tumititig sayo o kali man yung laging nagpaparamdam sayo. Multo ba? Ahahaha.
August
Bumungad na naman sakin yung balitang tungkol kay Jason at Jam, eto broken na naman ako. Pagkapasok ko sa school nakita ko si Jason at si Jam magkasama. Nagkwekwentuhan sila, mukha naman silang masaya eh.
"He act like he like you and then he just ignore you" sabi ko sa sarili ko.
"UI friend." si Gale, bigla akong binunggo.
"Oh?" sagot kong matamlay.
Nakita niya rin sina Jason at Jam tas tumingin ulit siya sakin.
"Tara na nga Selle, ang sura ng hangin dito eh" sabay hatak sakin.
Pumunta na kami sa first subject namin, napansin ni Marian na malungkot ako. Si Gale naman sumenyas na magkasama sina Jason at Jam. Kaya hindi na nagtanong si Marian.
"Selle, siguro lumayo ka muna sakanya. Pabayaan mo na yung lalaki na 'yon" sabi ni Marian.
"Ayoko na, hanap niyo ko." sabi ko habang mangiyak-iyak. T.T
"Hanap agad, magfocus ka muna sa studies mo" sabi ni Gale.
Wow naman, studies talaga. Pero may point dun si Gale tyaka malapit na din yung periodical exam namin. Nako po. Sige forget muna siya.
"Sila na ba ni Jam?" tanong ko.
"Siguro, pakipot lang si Jam." sabi ni Marian. Lalo na naman akong nalumbay.
Di na namin pinag-usapan kasi nakita namin na pumasok na sa room si Jam, tapos na sigurong makipag-harutan. HAHAHA JOKE.
*~*
Panay ng magkasama si Jam at Jason. Di ko naman matanong si Jam kung sila na kasi nahihiya ako. Tyaka masakit </3
Di ko na rin ganung nakikita sila Jason, tyaka ang tamlay palagi. Nakakalungkot, kaya eto ako puro aral na lang. Pero maganda din atleast mas nakakasama ko mga friends ko at nabibigyan ko ng madaming time.
Aminin mo man o hindi, friends mo pa rin talaga ang the best. Sila yung nakaka'alam ng deepest secrets mo lalo na when it comes to your crush. Sister na nga ang turing ko sakanila.
Eto. Gawain ko ngayon, aral aral aral. Hahaha oo na, boring. Pero masaya din. Umuwi kasi yung tita ko na galing ng ibang bansa kaya tuwing weekends. Pasyal pasyal.
Last week na ng August at periodical na din namin. Kaya eto ako panay review, malapit na sumabog utak ko. AT..
At.
3 weeks ko ng hindi nakikita si Jason,
nako naman Giselle.. Jason na naman nasa isip mo.
Namimiss ko na siya ihh. Ang lungkot ng August tas periodical pa namin. T.T
Naiiyak na ako.
~Exam Day~
Day 1
Mahihirap ang mga subjects ngayon at ang worst pa ay naiihi ako during exam. Iyon nakakainis, ang hirap kayang magpigil ng ihi tas nagco'concentrate ka. Buti na lang natapos na din. Di ko pa rin nakikita si Jason -.-"
Day 2
May mahirap na subject at may madali. Kaso ang nakakainis di ko natapos ang algebra, mabagal kasi akong mag solve eh. Nakakahiya ahahaha, dun lang naman ako mahina eh lalo na sa mga math problems. ^^V Jason, miss na kita, kailangan ko ng inspirasyon. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Feelings of His (On-hold)
Romance~Prologue~ Lahat ng tao ay naransan ng magka'crush, natural lang kasi ito lalo na sa mga teenagers na katulad ko, kasama na ito sa ating buhay. Madalas ang tawag dito ay ang ating mga inspirasyon; nakakatuwa, nakakakilig at minsan masakit. Pero paan...