Chapter 5 <He's so nice>

202 11 4
                                    

*January*

Matagal ko ng di nakaka-usap si Mark, actually nung dating kinausap niya ako iyon na yung last. Panay na rin uli magkasama si Jason at Mark, nagka-ayos na siguro sila.

P.E. namin ngayon, may nilaro kami eh di ko nga lang alam yung tawag dun. Pinag'break muna kami, kasi nakakapagod na, pero sila sige pa rin sa paglalaro. Hahaha, kaya ako lang tuloy mag-isang pumunta sa canteen para bumili ng maiinom.

"Ate water nga po" sabi ko, tas may biglang may kumalabit sakin. Tumingin ako sa likod, si Jason may hawak na bote ng tubig, nakangiti pa. Ang cute :">

'Wag ka ng bumili, eto di ko pa nabubuksan." sabi niya.

"Ay hindi, sayo na po" hindi ko ine'expect ang response ko.

Kinuha niya kamay ko at binigay yung tubig.

"Wag ka ng mango-po" sabi niya habang nakangiti, tas pumunta na siya sa mga kaibigan niya.

Syempre wala na akong magagawa, kinikilig na naman ako deep inside. Hinawakan niya pa kamay ko, pero bakit kaya. Hindi ko ma'gets pero bayaan na nga basta 'tong bottled water na 'to ay galing sa crush ko <3

*~*

Panay kami nagkakati'tigan ni Jason, pero di ko siya mangitian nahihiya kasi ako. Panay ganon ang nangyayari kaya kahit di kami nagkaka-usap, feeling ko close kami. Tingin niya ay sapat na, madalas ina'abangan ko siya sa hallway, hinihintay ko siya pumasok at kapag padaan na siya, nagkakatitigan kami tas nagwe'weird faces siya, kaya panay akong napapangiti.

Patapos na ang school year na 'to, mamimiss ko siya panigurado.

Sa recognition namin nasabitan ako ng medalya.

*~*

May 20, Friday.

Nagpunta kami ng beach with my family, over night kami. Habang naglalakad ako sa beachside, parang nakita ko si Jason. Kaya tinitigan ko siya, nakita rin ako ng lalaki na 'to tinitigan niya rin ako, hindi ko malaman kung si Jason nga ba 'to.

Lumapit siya sakin, di ako makapaniwala siya nga. Pati ba naman sa bakasyon nakita ko pa siya, ang swerte ko naman nakasama ko siya.

"Hui, makatitig ka ah" sabi ni Jason, pero halatang nahihiya siya.

"Kala ko kasi kung sino eh, ikaw pala" di ako makatingin sa mga mata niya, ang lapit niya kasi sakin, naiilang ako.

"Ako nga din eh, kaya nilapitan na lang kita" ngumiti siya. "Sino mga kasama mo?"

"Ah family ko, ikaw?" di ko alam kung ano gagawin ko, para na naman akong niyeyelo nito.

"Family ko din." ngumiti na lang ako tas nagsalita siya uli. "Di ba classmate mo si Jam."

Jam, Jam? Ba't naman bigla niyang tinanong yon? +.+

"Oo, bakit?" nakayuko kong sinabi.

"Wala lang, haha"  tsss ano kaya nakakatuwa 'don? Pero muka niya akong tinutukso, alam niya ba?

Nginitian ko na lang siya, tas nagpaalam na ako, pa gabi na kasi 'non.

"Sandali" sabi niya.

"uh." tumingin ako uli sakanya, may binigay siya sa king shell. Aww ang cute ng shell.

"Thank you :)" tas umalis na ako, habng naglalakad ako papalayo tinignan ko siya. Naktitig siya sa sunset tas umalis na rin siya.

Pagpunta ko sa room na binook namin, hindi ko mapigilang kiligin. Tinext ko kaagad si Gale at Marian at kinuwento ko sakanila. Sabi nila baka raw gusto din ako ni Jason, baka may pagtingin din siya sakin. Pero nung sinabi ko sakanila na nabanggit niya si Jam, natahimik din sila. Siguro gustong magtanong ni Jason sakin tungkol kay Jam, kaso baka nahihiya siya. Pero buti na lang di niya ginawa kasi baka masaktan lang ako.

Bago ako matulog napa-isip ako.

"Bakit kaya ganon, di ko malaman kung may gusto rin ba siya sakin o wala."

Kahit papaano nahihirapan din naman ako, pero let's see kung saan tayo dadalin ng mga fate natin. Malalaman ko din ang katotohanan. ^^\/

Unpredictable Feelings of His (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon