Chapter 17 <He's so confused>

104 5 5
                                    

Pupunta lang sana ng mall kasama sila Ate Cara at Kuya pati mga friends ko. Pero nauwi sa gantong pangyayari, paano ko ito matatakasan?

Jason's POV

"Ano sabi mo?" biglang nagsalita si Giselle.

Napatingin ako sakanya, di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Sabihan mo na ako ng kung anu-ano wag lang ang best friend ko." nagsalita siya uli pero nakayuko pa din.

Hanggang sa unti unti niyang inangat ulo niya at tumingin sakin ng masama at nakita kong napaluha siya.

GAG* ka Jason!, pina-iyak mo na naman si Giselle. Ano gagawin mo nyan, ba't kasi dirediretcho yung pagsasalita mo kay Gale eh.

"I'm so upset!" napasigaw si Rose, nagsitinginan lalo yung mga tao sakanya at bigla siyang tumakbo papalayo.

Sinundan ko ng tingin si Rose habang papa-alis siya at tumingin ako uli kay Giselle at....

Kailangan kong tumakbo kaya sinundan ko si Rose. Iniwan ko silang lahat dun, parang at that moment di ko alam ang gagawin ko, hindi ako maka'kilos. Si Giselle?? Pano na?

Giselle's POV

Pagka-alis nung dalawa, pinunasan ko agad yung luhang nasa mata ko. Buti na lang at napigilan ko, bakit naman kasi ang babaw ng luha ko. >.<

Nag'sorry na lang kami sa mga taong nakakita sa eksenang nangyari, pati na din sa manager ng KFC. Nakakahiya sobra, buti na lang at dumating sila kuya. Walang nagsalita samin kung anong nangyari kanina.

Ayoko na kasing malaman pa ni Kuya, another trouble na naman yun. Si ate Cara nahalata niya agad na umiyak ako. Kaya nilapitan niya ako at niyakap..ang sarap malaman na may mga taong nandyan para sayo. Ihh naiiyak na naman ako.

Bawal!

Giselle!!

anu ba, pakita mong matatag ka.!

Umuwi na kami agad, hinatid kami ni Kuya. Kaming mga babae nag'stay muna sa bahay, yung mga lalaki gusto rin sana mag'stay samin para siguro i'comfort ako? HAHA pero sabi ko na umuwi na sila.

Nung naka-alis na sila Kuya, amgdedate pa rin kasi sila ni Ate Cara, kaya solo namin tong bahay.

"Sure kang okay ka na?" sabi ni Mark.

"Yep, andito naman si Gale at Marian. Tyaka dapat si Gale ang tanungin mo niyan." sagot ko.

"Sira, ayos lang ako. Mali din naman ako ang mahalaga magka-ayos kayo ni Sungit." sabi ni Gale.

"Sungit?" sabi ko.

"Haha, Gale sorry talaga sa ginawa ni Jason. Kahit ano pa man dapat alam niya kung sino ang pinapatulan niya. Yaan mo ako na bahala dun." sabi ni Mark.

"Oo kami na bahala dun sa lokong yun. Gusto ka rin sana namin makasama eh." sabi naman ni AJ.

"Aruhh baka si Marian lang, peram muna siya." sagot ko na nakangiti.

Pagkasabi nun, binatukan ako ni Marian ng malakas si AJ naman napatawa lang.

"Abnormal, di ako laruan na pinapahiram." sabi sakin ni Marian.

Tumawa na lang ako, wait did I just laugh?

Napatawa na din nila ako. :D

"Oh yan wag ka ng iiyak di bagay sayo, ngitian mo lang yan. Masaya ang araw ko kapag nakatawa ka." sabi sakin ni Kyle, aw ang sweet. :')

"Ehem" sabi nilang lahat. Ano ba meron dun, nilalagyan nila ng malisya.

"Sige Kyle." sabay ngiti ko. "Osiya, sige na magsi-uwi na nga kayo." sabi ko sakanila.

Tinap ako ni AJ sa balikat ko, si Mark ginulo hair ko at si Kyle niyakap ako, palagi naman eh. :) Kung sana ganto din sakin si Jas, ah wala wala. -___-

*~*

Nasa kwarto kami ngayon, nanunuod ng TV habang kumakain. Si Gale nakatulog, naka'aircon kasi kami ngayon masarap matulog. Haha. Si Marian pinipigilan yung antok kasi favorite movie niya ang pinapanuod namin. NARNIA. :)

Di na rin namin napagkwentuhan yung nangyari, pano okay na din naman kami. Sabi nila ang mahalaga daw magka'bati uli kami ni Jasungit, yan napapa-sungit sungit na din ako. HAHA.

Apektado "DAW" kasi silang lahat kapag nag-aaway kami. Wow, parang totoo ah. Sabi pa ni Gale na handa siyang lunukin pride niya at makipagbati kay Jasungit (Jason) at Rosuplada (Rose). Haha, halatang bitter pa din siya sa dalawa, mas bitter pa kesa sakin. ^__^

Kumusta naman kaya yung dalawa lalo na si Jason, kanina mukhang blanko ang pinakita niya saking mukha bago niya sinundan si Rose. -___-

Jason's POV

"Rose I'm so sorry." Nandito kami ngayon sa parking lot at nakaluhod ako ngayon. >.<

"Mahal mo ba talaga ako?" sabi ni Rose.

Eto center of attraction na naman kami sa mga taong nasa labas.

 "Oo, inalis ko ang pride ko at ginawa ko toh dahil....mahal kita." napayuko ako, ewan ko ba pero mukhang di tama. Naguguluhan na ako.

"Tumayo ka nga diyan!" utos niya sakin. Tumayo naman ako kagad.

Pagkatingin ko sa mga mata niya, umiiyak na siya.

"Hindi ko na kasi ramdam eh Jason." sabi niya sakin. Hinawakan ko yung dalawa niyang pisngi at pinunasan ko yung luha niya gamit yung dalawa kong thumb finger sa magkabilang pisngi.

"I'm sorry Rose, ikaw lang talaga at wala ng iba." sabi ko sakanya. Hahalikan ko na sana siya sa labi nang..

"Hui PDA!" sabi nung mga tao dun. Napayuko ako at hindi ko na siya hinalikan pero hindi iyon ang reason ko. Feeling ko kasi may nagsasabi saking wag kong gawin.

*~*

Hinatid ko na si Rose sa kanilang bahay. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, naka-upo sa side ng bed ko at ang nakakatawa. Sa dami daming nangyari si Giselle pa din ang naiisip ko, hindi ako mapakali.

Gusto kong sigaruduhin na ayos na si Giselle, tyaka yari ako dun sinaktan ko din best friend niya. Text ko nga si Mark.

[Mark, kamusta si Gale lalo na si Giselle?] sent message.

Mukhang galit ata si Mark, tagal mag'reply. Kung may cellphone number lang ako ni Giselle, tinext ko na siya kaso wala. Oo, wala akong number nun pero sila Mark meron. Ewan ko ba hinihintay ko kasi na kunin niya number ko. HAHAHA.

After 20 minutes...

1 new message

[Okay lang si Gale, pero ako hindi. Loko mag'sorry ka sa dalawang babaeng sinaktan mo. Makipag-ayos ka na kay Giselle, worried ako sakanya hindi sayo.] Mark.

Mukhang hindi pa ayos si Mark, hindi ko na nireplyan baka kung ano pa masabi ko lumala lang. Ano kaya mangyayari sa monday?

Bzz. Bzzz..nagvi'vibrate phone ko.

4 message received, 2 unknown numbers at 2 galing kina AJ at Kyle.

[Pare, si Giselle loko wag mong sasaktan.] AJ

[Jason makipag-ayos ka na kay Gale ah lalo na kay Giselle.] Kyle.

[Hoy Jason si Marian toh. Yari ka sakin kapag lalo mo pang sinaktan si Giselle.] Marian.

[Jason, si Gale toh. Sorry sa inasal ko, kalimutan mo na yun, ang importante kayo ni Giselle. Loko ka palagi mo na lang siyang pinapaiyak.] Gale.

Tssss, oo na ako na mali. Aayusin ko din naman toh, para namang gusto ko rin nakikitang nasasaktan at umiiyak si Giselle eh. Di ko lang talaga alam kung ano gagawin ko nun.

Calling Rose...

(Hello Rose.) ako.

(Babe...) Rose.

(Yea?) ako.

(Jason...ILOVEYOU.)

Unpredictable Feelings of His (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon