Napakatalino mo
Ngunit ang dami mong hindi nalalaman
Gaya nang ilang beses kong pagsisinungaling
Para mapagtakpan ka sa iyong mga kasalananNapakatalino mo
Hindi ko nga maarok ang iyong pang-unawa
Kapag pang-henyo na ang iyong mga pagpapaliwanag
Sa bobo kong pusong agad sayong naniniwalaMatalino ka
Pero ang dami mong hindi alam
Minahal pa rin kita
Kahit wala ka namang pakialamIba na ang pinatakbo mo sa iyong utak
Iba na ang sinama sa panaginipNapakatalino mo
Pero hindi mo man lang ako naisip.
BINABASA MO ANG
Spoken word poetry's
PoetryAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...