Ikaw talagaIkaw talaga. Palabiro ka.
Iyan ang sinabi mo sakin
Nung pinigilan kong manginig ang boses ko
At sinabi sayo ang damdamin.Para lang sa kaalaman mo
Hindi ako magaling magpatawa
Kaya hindi ako nagbibiro
Nung sinabi kong mahal kita.Kahit natawa ka
Naiintindihan ko
Pero sana nakita mo ang pagiging seryoso koWala na akong magagawa
Dahil kahit kanino ko man ibaling ang isip koIkaw talaga.
SINAG
Sa lilim ng mainit na yakap ng malagim na kasalanan
Doon ako tumalukbong at matagal nanahanan
Hindi alintana ang bawat lunggati kong nasasayang
Pagdalaw ng katinuan ay bihira pa sa madalangPagsilong pa ba ang turing kung ang lahat ay madilim?
Pagkapit pa ba ang tawag kung ang lahat ay matalim?
Wala pa bang kapatawaran sa mga suwail na pangungusap?
Hindi ko natagpuan dahil ‘di ko nga pala inapuhap.Patayin Mo ang nakasampang multo sa aking likuran
Tabunan ang mga bakas ng paa sa dilim na aking nilikuan
Salamat sa pagtanggap kahit kapos ako sa liwanag
Pinihit Mo ako
Salamat sa’yong pagsinag.
BINABASA MO ANG
Spoken word poetry's
PoetryAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...