#29 Kung bakit hindi magiging Tayo

32 4 0
                                    


Lima. Limang beses akong naniwala sa tunay na pag ibig. Parang daliri sa isa kong kamay, kita mo ang kulang sa pagitan na parang may hinihintay, kita mo ang kalyo sa dulo nito — pagod na pagod na sa paulit ulit na pag sulat ng tula tungkol sayo. Sayong nag sabi na mamahalin mo ako, Sayong nag sabing tunay ang paibig na binibigay mo. Ikaw, ikaw na nakikinig sa akin, sabi mo hindi mo ako bibitinin, ikaw na nakatitig sa akin. Oo ikaw.. Bakit ka bumitaw?

I
Sa unang beses na naniwala ako sa salitang ‘mahal kita’ parang binigyan ko ng lobo ang isang bata na sa una lang natuwa, at nung nagsawa bigla nalang bitawan at nawala.

“lumipad sa langit at di ko na nakita, pumutok na pala”.

II
Pangalawa, may kasunod pa pala akala ko kasi noong una siya na. tang ina, may pangatlo pa pala.

III
Sabi mo magtatagal tayo. bakit pag tingin ko sa kalendaryo, wala pa ngang isang linggo, iba nakaagad ang ka HHWW mo. Piesta sa baryo. Inaya kitang sumayaw pero ayaw mo. Ayaw mong makita tayo ng magulang mo. 
Inaya kitang sumayaw pero ayaw mo. Inaya kitang sumayaw pero ayaw mo. Inaya kitang sumayaw pero ayaw mo. Bakit ba ang kulit natin? Ano ba? hindi naman ako tanga para hindi ko makitang may kasayaw ka ng iba. Malandi ka. Bakit sa harap ko pa?IV
Pang-apat.
Andito ako sa ilalim, nalulunod parin. Hindi maka-ahon mula nung tumalon ako sa pag aakalang sasabayan mo. Nung sabay tayong nahulog ngunit pag lingon ko iba na pala ang kasama mo.. Haliparot.

V
Pang lima.
Andito parin ako nakatingala sa mga binitawan mong salita.. Sa mga “sasamahan kita”, “Mahal, okay lang yan”, habang hinila pababa ng mga gapos mo na nag sasabing “mahalaga ka”.

Limang beses na paulit ulit ang simula
Limang beses nag paulit ulit ang sigwa. Limang beses akong naniwala na nauwi lang sa wala. Kung naging pusa ngalang ako alam niyo siguro kung ilan nalang ang buhay ko. Oo inaamin ko hindi ako perpekto, nag kakamali din ako, pero alam mo natututo din ako… Sa kada sigaw mo sakin nanahimik ako hahayaan ko munang humupa ang init ng yung ulo saka nating ayosin ang gulo. Alam mo naniwala ako nung sinabi mo na gusto mo ako pero pag kasama kita nakikita ko sa iyong mata na siya parin pala. Alam mo nasasaktan din ako. Alam mo, mahal parin kita, pero ayaw ko na. Kung may tatlong buhay pa ako, ayoko na. kung sakaling bumalik ka. ayaw ko na.

Minsan hinihintay ko kung kelan mamamatay ang ilaw, para maranasan mo kung paano mangapa sa dilim.
Kung paano maglakad ng hindi mo kabisa, kung tama pa ba na humakbang ako pagkatapos ng lima.

Para sayo sa susunod na makikila ko alam mo na kung bakit hindi pa magiging tayo. Kasi ako ang unang bibitaw sayo.

Minsan nga hinahayaan ko nalang na mamatay ang battery ng phone ko at naiingit ako dito. Pero kung may charger ka pahiram naman ako.

Spoken word poetry'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon