#18 Paalam

62 6 0
                                    

Hi.

Para ito sa mga paalamanan natin sa telepono
Na kahit anong "Bye" natin ay hindi matapus-tapos
Nagpapatibayan kung sino ang may lakas ng loob na putulin ang usapan
Para ito doon. Sa mga paguusap nating walang hangganan.

Para ito sa paalamanan natin sa may kanto sa inyo
Sa maliliit na kaway at maliliit na ngiti
Dahil ayaw mong makita sa inyo na hinatid kita at akalain nilang ako ang dahilan kung bakit ka ginabi
Kahit ang totoo ay maghapon lang kitang hinintay dun sa may tabi-tabi
Para ito doon.

Para ito sa paglisan mo nang walang pagpapaalam
Na kung paanong kay bilis mong sumapit ay mas mabilis pa tayong naparam
Para ito sa mga pagpapaalam ko sa'yong hindi mo narinig
Para ito sa huling tawag ko sa'yo sa telepono at sa boses mong malamig.
Para ito doon.

At ngayon tanggap ko na. At totoong-totoo na 'to.
At kung tatawag ka man, ako na ang magbababa ng telepono para sa'yo.
Huling beses ko nang sasabihin.
Para sa paalamanan natin nung ikaw ay akin.

*Hingang malalim*

Bye.

Spoken word poetry'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon