Isa kang paa
Noo’y kumakandirit
Paroo’t parito
Hanggang saki’y lumapit.Ikaw si kaliwa
Ako naman si kanan
Nagsimula tayong maglakad
Anuman ang maapakan.Bubog, kanin, lego
Balat ng saging, basang semento
Basta’t magkatabi ang ating mga bakas
Isa akong paang nakukuntento.Pero nagsapatos ka bigla
Hanggang yapak lamang ako
Bumilis ang iyong hakbang
Napagiwanan mo ako.Sana tanggap ka ng susunod mong kanang paa
Lalo na pag ang sapatos mo’y huhubarin mo na
Hindi ka sana iiwan kahit mabaho ang iyong kuko
Gagawa ng mga bakas na katabi ng sa iyo.Salamat sa bagong kalyo.
BINABASA MO ANG
Spoken word poetry's
PoetryAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...