Tayo na
Mula sa’yong pagkakalugmok
Dala ng topak ni tadhana nang bigla ka na lamang niyang sinuntokTumayo ka na
Dahil nandito na ako
Pupulutin ang lahat ng bubog ng nabasag na damdamin mo.Tayo na
Doon sa tagpuang likha ng aking mga pangarap
Doon sa hindi ka nag-iisa dahil lagi ako sa’yong nakayakap
Pumunta na tayo doon
Hahawakan kita nang mahigpit
Hindi ka na hihikbi
Hindi ka ipagpapalitTayo na
Wala nang mag-isang ikaw
Wala nang mag-isang akoTayo na
May kasama ka nang sumigaw
Hanggang sumakit ang lalamunan moTayo na. Hindi na kayo
Ilang beses ko bang kailangang sabihin?
Baka naman pwedeng makisuyo
Ipadama mo rin naman sakin.
BINABASA MO ANG
Spoken word poetry's
PoetryAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...