Ako lang, wala nang ibaSabi mo, ako lang, wala nang iba
Ako lang ang pupunas ng pawis mo sa noo
Ako lang ang dudutdot ng tigyawat mo sa ilong
Sabi mo, pasmadong kamay ko lang ang hahaplos sa iyong mukha
Ako lang ang susuntukin mo sa braso kapag gusto mo sanang magwala
Ako lang.Sabi mo wala nang ibang makakaalam ng mga pinakamadidilim na bahagi ng iyong puso
Na ako lang ang makakakilala sa’yo nang lubusan
Nagpasalamat ka noon sa pakikinig ko
At sinabi mong wala ka nang ibang pagsasabihan.
Wala nang iba.Sana pala pinataas ko ang iyong kanang kamay
Baka kahit papaano naging tapat ka sa mga sinabi mo
Pero sa bagay, natupad naman ang mga iyon
Ako na lang kasi mag-isaAko lang. Wala nang iba.
SUKO
Nagpakilala ka at sinabing,
“Baka pwede nating pag-usapan ‘to”.
Nagsimula akong maniwalang
Malulunasan ang problema koUnti-unti ang pagkapit
Sa aking poot at patalim
Ay nauwi sa pagnanais
Ipikit ang paningin kong nandilimLahat nang dahilan ko ay nagiba
Alam mo lahat ng tamang salitaEto na.
Sumusuko na ko sa’yoWala ka dito.
Pero napapaligiran mo na ako.BILIBID
Hindi kita ginapos
Niyapos kitaHindi kita sinampal
Hinaplos kitaLalong hindi kita ikinulong
Walang mga pader sa paligid moAt kung tutuusin, sa ating dalawa
Ako lang ang bihagNasa sariling bilibid mo.
BINABASA MO ANG
Spoken word poetry's
PoetryAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...