April 1Unang araw ng ikaapat na buwan
Sabi mo, meron tayong mahalagang pag-uusapan
Kaya agad-agad nakipagkita ako sa’yo sa paborito nating tagpuan
Nasa kaliwa kita at yung maraming kaba ko nasa may bandang kananBumili ako ng paborito nating pagkain
Hindi ko agad kinain yung balat ng manok baka kasi gusto mo pa ring kunin
Pero itinabi mo lang lahat ng binili ko tapos nagsimula ka nang umamin
Ang nalasahan ko na lang bigla ay yung mapait na dulo natinSabi mo magbabago na lahat simula sa araw na iyon
“Huwag na tayong maglokohan”
Naaalala ko pa rin yung tunog mo hanggang ngayon
At madalas akong magkamali
At tanggap ko nang nagkamali rin ako sa iyo
Pero hindi ko pala dapat hinintay na sabihin mong,
“Happy April Fools Day”Gusto ko nang patawarin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Spoken word poetry's
PoesieAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...