Manhid.
Manhid ka ba?
Dahil may mga bagay na pilit kong pinaparamdam sa'yo pero 'tila ito hangin na bigla nalang dadaan at mawawala.
Pero mabuti pa nga ang hangin ay nararamdaman mo,
pero itong pilit kong pinaparamdam sa'yo, bakit ni pagdampi ay wala kang nararamdaman?Bulag.
Bulag ka ba?
Dahil kahit itapat ko na sa'yong mga mata ay hindi mo pa rin nakikita.
Pilit kang pumipikit,
ni hindi ako nabibigyan ng chansa,
na kahit na isang saglit ay makatitigan ko ang iyong mga mata.Bingi.
Marahil ay bingi ka na.
Dahil kahit ilang beses kong isigaw sa'yo ang tunay na nadarama ay wala,
wala ka pa ring naririnig,
dahil ang takpan na lamang ang iyong tenga ang iyong mas ibig.Bakit? Bakit kelangan ganito palagi ang mangyari?
Ganyan ka nalang ba palagi?
Palaging walang maramdaman,
palaging bulag-bulagan, at bingi-bingihan.
Kelan mo ba mararamdaman?
Hanggang kelan ka mananatiling ganyan?
Hanggang kelan ako maghihintay na masagot itong tula ko na punong-puno ng katanungan?
Hanggang kelan ako maghihintay na ang nadarama ko’y matugunan?Dadating ba yung araw na yun?
Yung araw na makakaramdam ka na,
yung araw na maliliwanagan ka,
at ako naman ang iyong makikita.
Dadating pa ba?
Kasi ako,
sabik na sabik na.
Mahal,
may pag-asa nga ba?
BINABASA MO ANG
Spoken word poetry's
PuisiAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...