- Sofia Lopez -
Nang lumabas ang bata at makita ni Sofia sa Red na dress ay ubod nga ng cute ito. Pero mukhang nagmamaktol ito at wala sa mood nang paupuin ng lola nito sa silyang malapit sa stage.
At ang lola nito! Bigla tuloy syang napatago sa likuran ng isang guest. Ang lola nito ay 'yung matandang babaeng ngumiti sa kanya kanina!
Nakupo! Sa loob-loob nya. Mabuti na lang kanina'y hindi sya sinita nito. Kung nagkataon ay baka napalayas sya sa loob ng bakuran ng mga ito.
Unti-unti syang lumayo at nagtago sa may puno. Nang magsimulang mag-perform ang mga clowns sa stage ay lumikot na ang mga mata nya.
Asan na ba si Mayen? Hihingi na sya ng pamasahe at uuwi na sya! Hindi na nya hihintaying matapos pa ang party ng bata at mag-ikot ang lola nito sa mga bisita at mahagip sya sa pinagkukublihan nya!
Pag nabuking sya nitong nag-gatecrash ay baka mapahiya sya at pati si Mayen ay mapahamak na rin nang dahil sa kanya.
Mayen, bakit ba bigla ka nalang nawawala?
Hindi makita ni Sofia ang kaibigan. Hanggang sa matapos magpatawa ang mga corny'ng clowns ay hindi nya man lang nakita maski baba ng kaibigan nya.
Tuloy ay panay ang iwas nya na masulyapan sya ng matandang babae na ngumiti sa kanya kanina. Sa kaiiwas nya ay napadako sya sa may swimming pool na nasa kabilang side ng malaking garden. Medyo madilim na iyon dahil hapon na at wala pang ilaw.
Napaupo sya sa rest seat doon. Ipinasya nyang doon na lamang magpalipas ng oras. Pero wala pa syang kalahating oras doon ay nakita nyang umiiyak na nagtatakbo sa gawing iyon ang batang babae na apo ng matanda.Nanlaki ang mga mata nya. Dahil siguro sa tuliro ang bata at hilam sa.luha ay dere-deretso ito sa pool. Hindi sya nakatili, pero sandali lang syang natulala!
" Oh, help me, pls! " sigaw ng bata pagkakita sa kanya.
" I can't swim! " patuloy nito. Kaya kaagad syang tumalon sa pool." Kumapit ka sa akin!" Sabi nya saka hinila ang bata. At nakaahon na sila nang humahangos na dumating naman ang lola nito.
" Ano'ng nangyari dito? Dios mio! Ang apo ko!" Bulalas nito pagkakita sa batang babae na basang-basa ang damit at wala na ang isang sapatos dahil naiwan sa tubig.
Niyakap nito ang bata na bumunghalit na naman ng iyak.
Nagkakandautal naman sya magpaliwanag bago sya mapagbintangan ng lola nito na itinulak nya ito sa tubig.
" E, u-umiiyak ho sya.... ganyan-ganyan! Kaya ho h-hindi nya siguro namalayang dere-deretso sya swimming pool.." aniya.
" I'm sorry. Lola... " hikbi ng bata.
" wag kang magalit, pls. Hindi ko na uulitin " patuloy ng bata.
BINABASA MO ANG
Ang Boss kong Masungit (Complete)
Подростковая литература- Sofia Lopez & Gino Park - " Hoy! Ikaw.. halika nga rito. Ulitin mo nga ito, " wika ni Gino ky Sofia, sabay hagis sa hawak nitong mga papers sa kanya. " Bkit kulang-kulang itong listahang hinihingi ko sayo? At....----- Pinasadahan ni Gino ng tingin...