Continue..Napasimangot naman si Mayen at bumulong sa kanya.
" Uupakan ko na 'to, pati ako'y pinakikialaman! "
" Segi, kung kaya mo," sabi nya.
Tumayo si Mayen.
" O, ano? " mataray na pamewang naman ni Bianca.
" Magrereklamo ka? Lalaban ka? Segi, tingnan natin kung uubra ka! "" Ho? " biglang umaliwalas naman ang mukha ni Mayen.
" Aba, hindi ho, " patay malisyang sabi nito.
" Naisip ko lang hong tama kayo. Kailangan ko nang bumalik sa kuwarto ng alaga ko dahil baka magising, hanapin ako. " sabi ni Mayen.Nabungisngis si Sofia.
" Ang tapang mo pala. Uupak ka pala... uupak ng takbo! " bulong nya.
Siniko sya ni Mayen.
" Pinagbibigyan ko lang! " bulong naman nito.
Nang makaalis ang kaibigan ay sya naman ang hinarap ni Bianca.
" O, ikaw naman, ano'ng ginagawa mo rito? Mukhang pa-ice cream-ice cream ka na lang, ha? " anito.
Inis na tiningnan naman nya ang babae.
" E, hindi n'yo ba nakikita? Hindi ho ba obvious na nagmemeryenda ako? " sagot nya.
Inis na pinamewangan din sya ng babae.
" Aba't ang galing mong sumagut-sagot,ha? Bakit, oras pa ba ito ng pagmemeryenda?" Ani Bianca.
Inis na sinagot parin nya ang babae.
" E, hindi naman ho ako nag-break kanina, a. "
" Aba, e, problema mo na 'yon! " singhal naman nito sa kanya.
" Dapat, kapag oras ng break, mag-break kana! Dahil hindi pwedeng kung kelan mo gustong tumayo sa silya mo, e, pwede kang tumayo! "Sabi nito.Sasagot sana si Sofia at mangangatuwiran, pero narinig na ni Mrs. Stanford ang pagtatalak ng babae sa kanya.
" Ano na naman ang problema, hija? "
" Ito, Tita," turo sa kanya ni Bianca.
" Dinidisiplina ko, e,sinasagut-sagot pa ako nang pabalang. Tama bang ikatuwiran nya sa akin na hindi sya nag-break kanina kaya ngayon sya nagbe-break? Pwede ba namang kung kelan nya gustong magtrabaho at magpahinga, e, okay, lang! Aba'y hindi yata ganyan ang patakaran sa opisina! Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan! " wika pa nito.Hindi makakibo ang Ginang. Napatingin nalang sa kanya.
Nang dumating si Gino at marinig ang ingay ng bibig ni Bianca ay galit na pinasunod sya nito sa opisina.
Galit na ibinagsak pa nito ang pinto para sa pangmalas ng lahat.
Dali-daling sumunod si Sofia at nagulat pa sya nang hawakan sya ni Gino sa magkabilang balikat ay kausapin naman sya nito nang malumanay tungkol sa inirereklamo ng nobya nito sa kanya.
" Sofia, kung pwede lang sana, hanggang narito si Bianca ay pabigyan mo na lang ang mga gusto nya para wala tayong gulo. Kung gusto nyang nasa oras lahat, p'wes ilagay natin sa oras ang lahat. Kung ano ang gusto nya, sundin na lang natin, para hindi sya nagbubunganga. Madali namang pakibagayan ang babaeng 'yan, e.... hwag mo lang ipakitang kinakalaban mo sya." Mahabang wika ni Gino.
" E, Sir... "
" Gino. Call me.. Gino " wasto ng lalaki sa kanya.
Lumipad ang tingin nya sa lalaki at nagtama na naman ang mga mata nila.
Pero this time, masyadong malapit na ang mga mukha nila sa bawat isa at naamoy na nila ang mabangong hininga ng isa't-isa!
" G-gino..... " nagkakandautal na tawag nya sa lalaki.
" H-hindi ko naman kinakalaban ang nobya mo, e, High blood lang talaga sya at masyadong mainitin ang... ang... " napasinghap sya.Malapit na malapit na ang mga labi ni Gino sa mga labi nya!
Ng....
" Gino!!" Narinig nilang tawag ni Bianca mula sa labas.
" Gino, bakit...?!!! " sigaw pa nito sa labas.
" Damn it! " narinig naman nyang bulong ni Gino. At inis na binuksan nito ang pinto.
" Bakit mo nila-lock ang pinto? " tanong ni Bianca.
Pagkuwa'y tiningnan ang nagba-blush nyang mukha.
" Anong nangyayari dito? Pinagagalitan mo bang talaga ang babaeng ito.. ?" Anito.
" Hindi sya naka-lock, " sabi naman ni Gino, sabay talikod.
" Bakit ko naman sya ila-lock?!"" Ewan ko sa'yo! " Pagkuwa'y naghihinalang tumingin ito sa kanila.
" Baka naman may ginagawa kang hindi ko alam kapag nakatalikod ako. Ano ba'ng malay ko?" Si Bianca." Oh, come on," sabi naman ni Gino.
" Ano'ng iniisip mo? Kami? " nagtatawang turo sa kanya ni Gino." Ano ka ba naman, Hon? Hindi ko papatulan ang babaeng 'yan. Wala man lang sya sa kalahati ng ganda a-at.... at kaseksihan mo para ipagpalit ko sya sa'yo! " patuloy nito.
Lihim na inis si Sofia sa narinig nya kay Gino.
Ano?E,gag* yun! Muntik mo na nga akong halikan kanina, Mate-take mo ba naman ako kung hindi ako ubod ng ganda at seksi!
Tiningnan naman ni Bianca kung sincere ang nobyo sa sinabi.
" Thankyou, honey. Hindi na ako ang nagsabi nyan, kundi ikaw. O, Ikaw, babae." Pagkuway mataray na baling sa kanya ni Bianca.
"Segi, magtrabaho ka na at hwag ka nang tumanga! Baka mapilitan akong ipasesante ka ngayon din sa Boyfriend ko dahil sa katamaran mo! " patuloy pa nito.
Nagpuputok ang butseng tumalikod naman sya.
Pero hindi dahil sa panggagalaiti ni Bianca sya nagagalit kundi sa sinabi ni Gino sa kanya.Hindi raw sya papatulan nito. Dahil wala man lang daw sya sa kalahati ng ganda at kaseksihan ng nobya nito.
Sinungaling! Sa loob-loob nya. E, muntik na nga syang halikan!
------------------
Next!
![](https://img.wattpad.com/cover/137383487-288-k624125.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Boss kong Masungit (Complete)
Подростковая литература- Sofia Lopez & Gino Park - " Hoy! Ikaw.. halika nga rito. Ulitin mo nga ito, " wika ni Gino ky Sofia, sabay hagis sa hawak nitong mga papers sa kanya. " Bkit kulang-kulang itong listahang hinihingi ko sayo? At....----- Pinasadahan ni Gino ng tingin...