- Sofia & Gino -
NANG mag-dinner sila ni Gino ay napansin nitong wala siyang gaanong kibo. Ganoon din noong pauwi na sila.
Excited pa naman si Mayen nang malaman na lumabas sila.
" O, ano'ng nangyari? " tanong ng kaibigan na hinintay talaga siya at hindi natulog kaagad hangga't hindi nalalaman kung 'okey' na sila ng lalaki.
" I-chicka mo naman. Mukhang mapapahiya yata ako. Mukhang nai-inlove din sa'yo ang masungit at supladong boss mo! " ani Mayen.
" Hay, naku! " matamlay at pagod na ibinagsak niya ang katawan sa kama.
" Ayun, nag-dinner kami. Masarap 'yung kinain namin. May pa-wine-wine pa. May tumutugtog pa habang kumakain kami at magkakape na. " wika niya sa kaibigan.
" Juice ko! I-erase mo na 'yung parteng 'yon. Ang gusto kong malaman ay 'yung tungkol sa inyo ni Gino! " wika ni Mayen.
Napatingin si Sofia sa kaibigan. At pagkuwa'y nagbuntong-hininga.
" Ano'ng tungkol sa amin, e, wala naman! " aniya.
" Gano'n? Nag-dinner lang kayo, tapos.... wala na? Ano ba 'yun? F-in-ast-forward mo naman yata 'yung kuwento! " maktol nito.
" E, wala naman talaga, e. " inis na angal na niya.
" Ano'ng gusto mo? Mag-imbento ako? " aniya kay Mayen.
" Juice ko! " dabog ni Mayen, sabay lapit sa pinto.
" Hinintay-hintay pa naman kita, tapos wala naman palang nangyari sa inyo? D'yan kana nga! Wala kang kalatuy-latoy kausap! " wika ni Mayen.
Nang makaalis si Mayen at maisara niya ang pinto'y umiyak na naman siya.
E, sa wala, e... ano'ng magagawa niya? Alangan namang pilitin niya si Gino na ligawan siya? E, may nobya na 'yung tao!
------------
LALONG nanamlay at nawalan ng gana si Sofia sa trabaho. Napapansin naman iyon ni Gino.
Nang umuwi nga ito isang tanghali ay may dalang isang box ng tsokolate para sa kanya.
" Thank you. " matabang na pasalamat niya, pero hindi niya iyon ginalaw. Hinayaan lang niya 'yon sa kung saan nito inilapag.
Napamaang naman ito, dinampot ni Gino iyon at inihabol sa kanya bago pa siya makalabas ng pinto para mag-break.
" Sofia," pigil nito sa braso niya.
" What's wrong? Bakit ka ba ganyan? " ani Gino.
" Anong bakit? " naiiritang tanong niya.
" Ten o'clock na, magbi-break lang ako." Aniya.
" Hindi 'yon ang kinukuwestiyon ko sa'yo. " naisuklay ni Gino ang mga daliri sa buhok.
" Yang pananamlay mo. Ano ba'ng nangyayari sa'yo? " anito.
Nagtama ang tingin nila ng lalaki. Pwede ba naman niyang sabihin na mahal na mahal niya ito at kaya siya nagkakaganito ay dahil iba naman ang minamahal nito?
" W-walang nangyayari sa akin. " Binirahan niya uli ng talikod, pero pinigil siya uli ni Gino at muntik na siyang mapagibik sa ginawa nito.
" Sofia... " yakap na ni Gino sa kanya. Yumukod ito at sinakop na ang mga labi niya.
" Sofia... " paulit-ulit nitong tawag sa tuwing magkakalas at maglalapat ang mga labi nila.
Wala naman siyang nagawa kundi maglambitin at tugunin ang mainit na halik nito.
Nang tingnan ni Gino ang mukha niya pagkaraan ay hindi ba niya maitago sa lalaki ang nararamdaman niya. At kitang-kita niyang punumpuno rin ng emosyon ang mukha nito habang nakatitig sa kanya!
" Gino... " Napasinghap si Sofia nang muli siyang halikan ng lalaki sa labi,
" Sofia... " tawag nitong muli sa pangalan niya.
" Sofia, hindi ko na kayang pigilin ang nararamdaman ko sa'yo. " anito.
Muli siyang siniil ng halik ng lalaki.
Matagal na naghinang ang mga labi't katawan nila. At parang iniaakyat sa ulap ang mga paa niya!Juice ko! Mahal din pala ako ng lalaking ito! Mahal din pala ako at hindi totoong-----
Natigilan siya at biglang nanigas ang likod niya nang unti-unting luminaw sa mga mata niya ang babaeng nakatayo sa may pinto at kanina pa nanonood sa kanila.
" I love you, Sofia... " haplos at tanim pa rin ng masusuyong halik ni Gino sa mukha niya. Pero pagkuwa'y napuna nito ang biglang panlalamig niya't pamumutla.
" Sofia? " si Gino.
Sinundan nito ng tingin ang direksyon ng mga mata niya. At napako rin ang mga mata nito sa babaeng nanlilisik na sa kanila ang mga mata.
" Malandi ka! Mang-aagaw ka! " pagkuwa'y sugod ni Bianca.
" Sandali lang akong nawala'y naagaw mo na sa akin ang boyfriend ko! " ani Bianca.
" Bianca! Bianca, huwag! " saway ni Gino na tinatabingan si Sofia sa pagwawala at pangangalmot ni Bianca.
" Halika rito! " hagulgol nito.
" Halika rito! Kakalbuhin kitaaa!"
" Bianca, tumigil ka! Pag-usapan natin 'to nang maayos! " sabi ni Gino.
" Anong maayos! " asik nitong nagliliyab na ang mga mata.
" Ano pa'ng aayusin natin, Gino?! Nagpaloko ka na sa babaeng ito! Pinagtaksilan mo na ako! Halika rito!" Hablot uli nito sa kanya.
" Papatayin kita! Hindi mo pwedeng gawin sa akin ito! Hindi mo pwedeng agawin sa akin si Gino! Bago kita ipatapon sa kanya kung saan ka man galing, kakalbuhin muna kita para matuto kang magtanda! " galit na wika ni Bianca.
" Shit! " sabi ni Gino. Nagalit na ito at itinulak si Bianca.
" Ayaw mo ng maayos na usapan, p'wes, tatapatin na kita! Ikaw ang lumayas dito! Sawang-sawa na ako sa bibig mo! "
" Gino! " nagulantang si Bianca sa sinabi ng nobyo.
" Gino, n-nagbibiro ka... h-hindi mo magagawa sa akin ito... "
" At bakit hindi, Bianca? Matagal na namang namatay ang pagmamahal ko sa'yo. Nagtitiis na lang ako. Dahil noong una'y nanghihinayang ako sa itinagal ng pagsasama natin. Pero ngayo'y ayoko na.. " sabi ni Gino.
" Punumpuno na ako... Ayoko na! "Patuloy ni Gino.
Nag-iiyak si Bianca. Pero imbes na aluin ni Gino, si Sofia ang mahigpit na niyakap nito.
-------- Continue Part 23
BINABASA MO ANG
Ang Boss kong Masungit (Complete)
Подростковая литература- Sofia Lopez & Gino Park - " Hoy! Ikaw.. halika nga rito. Ulitin mo nga ito, " wika ni Gino ky Sofia, sabay hagis sa hawak nitong mga papers sa kanya. " Bkit kulang-kulang itong listahang hinihingi ko sayo? At....----- Pinasadahan ni Gino ng tingin...