Part 23

2.6K 32 1
                                    

     - Sofia & Gino -

Umiiyak na napayakap naman si Sofia kay Gino.

Ako ang pinili niya, sa loob-loob niya.
Ako ang pinili niya!

" Akala nyo ba'y papayag ako nang ganito na lang? " sabi ni Bianca pagkaraan.

" Ipinangako ko sa sarili ko na kung hindi rin lang ikaw ang mapapangasawa ko, Gino... 'buti pang mamatay na lang ako. O mamatay kang kasama ko... " Pagkasabi noo'y tumalikod na ang babae.

" G-gino! " natatakot namang sabi ni Sofia.

" Sundan mo siya, baka kung ano'ng gawin niya sa sarili niya! " aniya.

Sumunod naman si Gino. Kahit paano'y nag-aalala sila sa maaaring gawin ni Bianca. Baka pagdiliman ito ng isip at magpakamatay!

Pero sila ang nabigla nang masalubong nila ito uli at may hawak na itong baril.

" Lagi ko itong dala. Dahil naisip ko, " sabi ni Bianca,

" kapag may nang-akit at nagtakang umagaw sa'yo'y hindi ako magdadalawang-isip na gamitin ito! "

" Bianca, " lapit ni Gino dito.

" Huwag kang gagawa ng maaring ikapahamak mo. Baka.... "

Umalingawngaw ang putok ng baril.

At nakita na lang ni Sofia na natumba si Gino na tutop ang tiyan. Nasindak siya at napasigaw.

" Gino! Gino'" yakap niya sa duguang katawan ng lalaki.

" Gino! Diyos ko, huwag naman po! Mayen! Mayeeeennnn! "

Mula sa ibaba ay pasugod na talaga sina Mayen na narinig ang putok ng baril. At naiyak kaagad si Mrs. Stanford nang makitang nabaril ni Bianca si Gino.

" Ano ang ginawa mo sa pamangkin ko? Ano ang ginawa mo! " sigaw ng matanda.

" H-hindi ko ho s-sinasadya, Tita... Ang balak ko'y... t-takutin lang sila.... " naiiyak ni wika nito.

" O, Diyos ko! " bulalas ni Mrs. Stanford.

" Dali, isugod natin siya sa ospital. Tawagin mo ang mga katulong at ang driver, Mayen. Bilisan mo! " wika ng ginang.

" Opo! Opo! " natatarantang takbo naman ni Mayen sa labas.

Hindi na nakita ni Sofia ang pagtalilis ni Bianca, ang pag-iyak ni Happy habang minamasdan ang Tito nito ang walang malay.

Pagkuwa'y nagdilim na rin ang paningin niya.

Dahil sa sobrang takot at baka mamatay na rin si Gino at mawala sa kanya!

------------------

ISINUGOD sa Ospital si Gino.

Nang magkamalay si Sofia ay inooperahan na ito. At nang nailabas na ito't halata sa iperating room para obserbahan ay hindi pa rin maampat ang luha niya.

" K-kumusta na siya. Mayen? " tanong niya sa kaibigan.

Umiiyak na rin si Mayen.

" Naku, e, fifty-fifty pa, sabi ng doctor. Hindi pa nila sigurado ang lagay dahil grabe raw ang tama ni Gino sa tiyan. " anito.

" Kasalanan ko ito. Mabuhay lang siya. Mayen, hindi ko na siya gagambalain pa, Lalayo ako at hindi na ako magpapakita pa sa kanya." Aniya.

Hindi malaman ni Mayen kung paano aaluin ang kalooban niya.

Pag namatay si Gino, pangatlo na ito sa mga lalaking minahal niya pero sinawimpalad bago pa niya makarelasyon. Parang nagkakataon namang nagkatotoo ang biruan nilang 'MALAS' siya sa mga lalaki.

Dati, kalokohan lang ang turing niya roon, pero ngayong si Gino ang involved...

Niyakap na lang siya ng kaibigan niya.

-------------

NAKALIGTAS naman si Gino. Pero lumayo pa rin si Sofia.

Takot na siya. Ayaw na niya. Pakiramdam niya, kapag namatau si Gino... iyon na rin ang kamatayan ng puso niya.

Inilihim nila ni Mayen ang bagong tirahan niya. Nagsusulatan na lang sila ng kaibigan niya. Ngayon nga'y nasa America na ito. Tinotoo ang sabing papatayin siya sa inggit. Panay ang padala nito ng larawan, kasama sina Happy at Mrs. Stanford.

Hindi rin siya nakakalimutang padalhan nito ng dollars kahit may trabaho na siyang nakuha. Katuwiran nito, kaligayahan na nitong ambunan siya sa pagpapalang tinatamasa nito ngayon sa America.

Sinulatan naman niya ito, biniro niya.

Mayen, ang galing-galing mo nang mag-ingles. Siguro pagdating mo rito, pilipit na rin ang dila mo katulad ni Happy. At saka, baka mas lalo kang gumanda at kuminis dahil nakababad ka na sa snow.

Pagkuwa'y binilinan niya itong magpakabait at humanap na ng mapapangasawa roon. Pagkakataon na nitong makahanap ng lalaki roon, na bukod sa tiso'y na ay mahusay pang mag-ingles.

Bebenta ang beauty mo riyan, Mayen...  biro pa niya sa sulat.
' yang tipo mo ang gustong-gusto ng mga 'Kanong mapangasawa!

----- Continue.. Part 24 Last chapter :)

Ang Boss kong Masungit (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon