- Gino Park & Sofia Lopez -
Continue..
" Tita! " narinig nilang balik ni Gino sa lamesa. Nasuyod nito ang buhok sa inis at galit na pinangaralan ang tiyahin.
" Iyan naman ang problema sa inyo, e---- masyado kayong mabait! Hindi na ba kayo nadala, ha? Ilang beses na ba kayong naloko ng mga taong tinutulungan n'yo?" Ani Gino.Hindi makakibo ang Ginang sa sinabi nang pamangkin.
" Iyong isang kinupkop n'yo sa awa at pinagkatiwalaan n'yo noon, hindi ba pagkatapos n'yong gawing alalay at dalhin pa sa America ay ninakawan pa kayo? "Patuloy nito.
Pagkatapos ay tiningnan sya ni Gino.Napayuko na lamang si Sofia.
Grabeee... ! Sa loob-loob naman ni Sofia. Ano naman ang ibinibintang sa kanila nito ngayon? Kanina'y mga oportunista sila. Ngayo'y mga magnanakaw naman?!
Biglang nangilid ang luha nya. Nasaling sya nang kaunti. Below the belt na kasi ang pang-i-small nito sa kanila.Pero nagulat sya nang biglang magbago rin ang ihip ng hangin sa utak nito.
"Whew!" Bulalas ni Gino.
" Okay, akin na ang isang iyan!" Anito at sabay senyas sa tiyahin.
" Pero hindi ako nangangakong magtatagal sa akin ang isang 'yan! Baka... " patuloy nito.Biglang umaliwalas ang mukha ng Ginang.
" Salamat, hijo."
" Hwag muna kayong magpasalamat." Ani Gino at pagkasabi'y galit na tumalikod.
" Pasensya na kayo," harap naman sa kanila ni Mrs. Stanford.
" Medyo marami lang problema ang pamangkin ko. At isa na riyan ang nobya nyang selosa. Pero don't worry, this time ay hindi na uubrang sya na lang lagi ang masusunod."wika sa kanila ng Ginang." Segi nga, Grandma, Ipaglaban mo kami! " ani Mayen.
" I will also fight for you. Ate Yen! Pag inaway ka ni Bianca, I'll bite her! "Wika naman ni Happy.
" Ay!" Bungisngis naman ni Mayen.
" Parang me ipen ang nagsalita!"Nagkatawanan ang tatlo. Pero si Sofia ay hindi man lang makangiti nang maayos. Ninenerbiyos sila sa napasukan nila ni Mayen. Lalo na siya
Baka luha at sama ng loob ang anihin nya sa masungit at suplado nyang Boss na " Taken! " na pala. E, mukhang dito pa naman nagkakamaling magpiko at magtumbang-preso muli ang puso nya.
------------
- Sofia Lopez -" Hay, Naku! " sabi naman sa kanya ni Mayen.
" Hwag kang paapekto. Ipasok mo sa kanan at ilabas mo sa kabilang tainga ang sinasabi ng supladong Gino na 'yan! Ang importante. "Payo pa sa kanya ng walang-kamuwang-muwang na si Mayen sa dilema nya.
" May trabaho na tayong maayos. At magkasama pa tayo ngayon sa iisang bahay." Patuloy nito." E, kinakabahan pa rin ako. Baka hindi ko matagalan ang kasungitan at kasupladuhan nya " ani Sofia.
" Gano'n? Naku, tigilan mo nga ako! Ikaw pa! E, alam ko namang ' pag nakakakita ka ng gwapo, naglalaway ka! "
Natigilan si Sofia at pinagmulahan ng mukha sa sinabi nang kaibigan nyang baliw. Kaya nahampas nya ito.
" Sira ulo ka talaga!" Aniya.
" Naku! " duro pa ni Mayen sa kanya at napabungisngis. Kaya pinaghahampas nya ito.
" Oy, tumigil kang babae ka! Hwag mong sabihin sa akin na--------Kiniliti nalang nya ito sa bewang at nagtitili naman ang bruha.
Pero putek! Nagpatuloy parin ang ito sa pagsalita." Sinasabi ko na nga ba"anito sabay tawa.
" Kinakabahan pa raw sya. Pero ang totoo, e, nag-chu-choo-ba choo-ba ek-ek ' ang puso nya! "Asar ni Mayen sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Boss kong Masungit (Complete)
Jugendliteratur- Sofia Lopez & Gino Park - " Hoy! Ikaw.. halika nga rito. Ulitin mo nga ito, " wika ni Gino ky Sofia, sabay hagis sa hawak nitong mga papers sa kanya. " Bkit kulang-kulang itong listahang hinihingi ko sayo? At....----- Pinasadahan ni Gino ng tingin...