Part 21

2.4K 30 0
                                    

- Sofia & Gino -

HABANG wala pa si Bianca ay panay naman ang suyo sa kanya ni Gino.

Dahil hindi pa rin siya mangiti at kontodo pakipot ang drama niya ay pinadalhan siya nito ng tatlong basket ng important no roses.

Shocked na Shocked si Sofia nang matanggap iyon.

Hindi nga siya makapaniwala nang sabihin ng delivery boy na para sa kanya ang mga iyon.

Pero nang tinganan niya ang card na kasama ang mga bulaklak, napagtanto niyang para sa kanya nga ang mga rosas at galing kay Gino!

Nang mailapag niya sa desk ang mga bulaklak ay biglang yumuko naman si Gino matapos siyang sulyapan at ngitian.

At hindi niya mapigilang di ngumiti.

Juice ko! Sino ba namang matitimtimang birhen ang hindi bibigay sa katamisan ng ngiti ng lalaking ito? At sabihin pang... nakikipag-peace lang naman ito sa kanya!

Inabangan niyang sumulyap muli ang lalaki sa kanya.

Pag-angat na pag-angat ng mukha nito'y nginitian niya ng ubod-tamis.

" Sobra ka naman! " sabi pa niya.

" Isa lang, bibigay na 'ko. Tinatlo mo pa! " aniya.

" Reserba 'yung dalawa," pinagmumulahang sabi naman ni Gino.

" Reserba?! " Napamaang siya.

" Para kung sakaling makagawa uli ako ng mga pagkakamali sa'yo. " anito.

Juice ko! Sabay hawak niya sa dibdib.

Hihimatayin yata siya sa tuwa.
Mukha ayos na ayos na talaga sila!

Pagkuwa'y lumapit pa si Gino. Nangungusap na naman ang mga mata nito.

" Sofia, " malambing nitong tawag sa pangalan niya.

" Ahm, gusto ko sanang lubus-lubusin 'yung paghingi ko sa'yo ng sorry. Y-yayayain sana kitang mag-dinner mamaya... sa labas. Kung pwede ka at kung wala naman kayong gagawin ni Mayen... ? " Mahabang wika ni Gino.

" H-ha?! " natatarantang wika niya.

" Magdi-dinner tayo sa labas? " aniya.

" Oo, " nakangiting sabi naman ni Gino.

Talagang gusto na niyang himatayin,

Pero bigla siyang naunsyami sa idinugtong nito.

" Pero hwag mo sanang bigyan ng ibang kahulugan ang pagyayaya ko sa'yo. Gusto ko lang talagang lubus-lubusin ang paghingi ko sa'yo ng paumanhin sa nangyari. Nakokonsiyensiya kasi ako, lalo na kapag naiisip ko 'yung mga masasakit na sinabi ko sa'yo. " ani Gino.

Ewan niya, pero bigla yatang namatay ang sigla niya.

" Sofia? " hawak ni Gino sa balikat niya.

" Ayaw mo ba? " Tanong nito.

" H-hindi. Sige, mamaya na ba? " wika niya.

Tumango ang lalaki.

Pilit siyang ngumiti rito.

Pero nang makatalikod na ito'y biglang pumatak ang luha niya.

Buwisit! Sa loob-loob niya.

Bakit ba kasi ang tanga-tanga nitong puso ko! Dito pa sa lintek na lalaking ito na may iba nang mahal nagkamaling umibig! Tingnan mo ngayon! Ang sakit-sakit tuloy!

Ang sakit-sakit... Ang sakit-sakitttt! Hinagpis niya.

---------------

Continue ;)

Part 22.

Ang Boss kong Masungit (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon