- Sofia Lopez & Gino Park -
" Hoy! Ikaw.. halika nga rito. Ulitin mo nga ito, " wika ni Gino ky Sofia, sabay hagis sa hawak nitong mga papers sa kanya.
" Bkit kulang-kulang itong listahang hinihingi ko sayo? At....----- Pinasadahan ni Gino ng tingin...
Hindi na nya naawat ang sarili, nasakal na nya ito.
" Aray ko! Aray ko, Misis, o! " hingi pa nito ng saklolo sa matanda. " Sinasaktan ako!" Patuloy na wika ni Mayen.
Natawa ang mag lola sa kanila.
At maging si Happy ay aliw na aliw sa kanila. Kumapit ito sa kamay ng lola nito.
" Lola, i want Mayen to be my yaya, Di ba, we're looking for a yaya? Bakit hindi na lang sya ang kunin mo?" Wika ni Happy.
" Ano?! " Sabay pa silang nagulat sa sinabi ng bata.
" itong bruhang ito? Sigurado ka. Happy?" Tanong nya sa bata.
" Yes. I like her, Ate Sofia. She's funny!" Agad na sagot ng bata.
Napabungisngis sya. " E, talaga namang nakakatawa ang mukha nito, e. Tingnan mo, pati sa bata, ang lakas ng dating ng pagkaluka-luka mo." Aniya.
Napabungisngis din si Mayen. Pero napatingin kay Mrs. Stanford. " E, hindi ho ako pwdeng yaya. At saka, me trabaho na ho ako. Sa iba nyo na lang ho ialok ang trabahong iyan at hindi ho bagay sa beauty ko." Wika ni Mayen kay Mrs. Stanford.
" Maganda akong magpasuweldo, " sabi naman ni Mrs. Stanford. " At para ka na ring kapamilya namin kapag naging yaya ka ni Happy. Kapag nagsa-shopping sya'y magsa-shopping ka rin. Kung ano ang kinakain nya'y kakainin mo rin. Magkasama pa kayo sa kwarto. At.... pag nagbabakasyon si Happy sa America ay kasama ka ring magbabakasyon doon sa mga magulang nya " patuloy ni Mrs. Standford.
Biglang namilog ang mga mata ni Mayen. At parang gusto nitong himatayin sa narinig.
" E, sandali lang ho, " sabi naman nito sabay tayo.
" O, saan ka pupunta?" Tanong nya sa kaibigan.
Nilingon sya ni Mayen.
" Saan pa, no? Di pupuntahan ko 'yung supervisor namin sa 'baba at sasabihin ko sa kanyang ' I quit! Hindi na ako mag-uurong ng mga bandehado, 'no? Bahala na silang maglipit doon!" Sagot nito.
Nang lumabas si Mayen ay sya naman ang hinarap ng donya.
" At ikaw naman. Sofia.... " pagkuwa'y nag-isip muna ito. " No, ang mabuti pa'y kausapin ko muna ang pamangkin kong si Gino. Kahit sa akin sya nagpapahanap ng magiging sekretarya nya'y mabuting hwag ko syang pangunahan. Mabuting makita ka muna nya para sya na mismo ang mag-hire sa'yo.." Mahabang saad ni Mrs. Stanford.
" Pero. Mrs. Stanford!" Tutol naman nya kaagad. " Wala ho akong alam sa trabahong iniaalok n'yo! Baka mapahiya ho tayo sa pamangkin n'yo." Patuloy nya.
" Ay, dont worry. Madali lang naman ang magiging trabaho mo. Wala ka namang gagawin kundi mag-record. At dito lang din ang opisina n'yo. Hindi mo na kailangang mamasahe pa dahil pwde ka na ring tumira dito para makatipid ka." Ani Mrs. Stanford.
Biglang bumukas ang pinto at kamuntik na syang mapalundag sa kama.
" Sino ang titira dito?" Bungad ng gwapong lalaki na pumasok sa pinto.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.