Part 2

4.1K 39 0
                                    

- Sofia Lopez -

" Wow, Mayen! Super-yaman naman pala nitong pagke-cater-an nyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Wow, Mayen! Super-yaman naman pala nitong pagke-cater-an nyo. Nakakalula ang laki ng bahay, at... " Napatingin sya sa mga isine-set na lamesa sa likod ng bahay.
" Talagang bongga kung magpa-party." Patuloy nya.

" E, alam mo naman 'yung restaurant namin, first-class din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" E, alam mo naman 'yung restaurant namin, first-class din. Kaya ang mga customer, talagang puro sosyal at mayayaman." Pagmamayabang ni Mayen, pagkuwa'y tiningnan sya nito.

" O, dito ka lang, ha? Mag-ikut-ikot ka muna. Tutal, marami namang nag-aayos sa paligid. Ano ba'ng malay ng bisor namin na kasama kita?" Anito.

Bigla syang kinabahan.

" Paano kung may sumita sa akin at tanungin kung sino ako?" Sabi nya.

" Di pakilala ka at sabihin mong isa ka sa mga nag-aayos dito. Makihawak ka ng silya. Tapos makihipu-hipo ka riyan sa cover ng mesa. Makiunat-unat ka rin ng mga napkin at makiamuy-amoy sa mga bulaklak na inilalagay sa mga vase. Hindi ka na mabubuking. O, segi.." ani Mayen.
" Baka hanapin na ako ng bisor namin. Hahanapin na lang kita mamaya." Patuloy nito, saka lumakad palayo sa kanya.

Nagtungo si Mayen sa may kusina ng malaking bahay,

Samantalang sya naman ay naiwan sa may garden sa labas ng malaking bahay.

Ilang na ilang sya habang palakad-lakad at nakikitang nag-aayos ang mga tao roon---- na karamiha'y kalalakihan---- ng mga mesa at silya. May inaadornohan ding parang ministage ng mga bulaklak.

Sa loob-loob nya. Sino kaya ang may birthday?

Nang makita nyang ilan sa mga kalalakihan ay may mga dalang balloons para ilagay na sa mga silya at sa stage ay napalapit sya upang makiusyoso.

" Ma'am, saan po ilalagay ang mga balloons?" Biglang tanong sa kanya ng isang lalaking may hawak na maraming balloons.

" Ha? " Nagulat sya sa tanong nito.
Napatingin sya sa likuran nya at baka hindi naman sya ang tinatanong ng lalaki. Pero nang mapagtanto nyang sya ang tinutukoy nito'y napangiti sya.

Ang Boss kong Masungit (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon