Part 17

2.2K 33 0
                                    


Itutuloy..

PERO pinakinggan muna ni Mrs. Stanford ang katuwiran nila at nagsumbong ni Gino na mula sa nobya nito. At saka ito nagsalita.

" Ano ang gusto mo, hijo, ang sesantihin ko sila sa trabaho dahil lang sa sumbong ng nobya mo? " Tumingin si Mrs. Stanford sa kanila na parang mga basang sisiw na nakayuko at magkatabi sa sulok ng kwarto nito.

" Mas pinaniniwalaan ko pa ang bersyon ng dalawang ito kesa sa nobya mo! Kung tatanggalin ko sila, buti pang isama ko na lang sila sa Cebu! Doon na muna kaming lahat, bago tumulak uli sa Amerika! " wika ng Ginang.

" Tita! " gula na bulalas ni Gino. Hindi ito makapaniwala na kakampihan pa sila ng Ginang.

Lumipad tuloy ang tingin nila kay Mrs. Stanford. Dahil nabigla rin sila sa pagtatanggol nito sa kanila.

At pagkuwa'y naibaling ni Sofia ang tingin kay Gino. Galit at pinamumulahan na ng mukha ang lalaki. Nagtatagis na ang bagang nito. Noon niya napatantong wala nang pag-asa ang puso niya sa lalaking ito. At parang gusto niyang maiyak.

Dahil para uli siyang namatayan ng lalaking minamahal.

Mas masakit pa nga, dahil nararamdaman niyang ito na nga 'yung talagang mahal na mahal niya.

Pero hindi yata para sa kanya si Gino. Nang lumabas ito ng kwarto ng Matanda ay galit na tinapunan pa siya nito ng tingin na para bang suklam na suklam sa kanya.

Noon naman nakahinga nang maluwag si Mayen at umupo sa tabi ng matanda.

" Naku. Grandma.. thank you. Alam nyo'y hindi naman ho talaga magsisinungaling itong kaibigan ko. Kilalang-kilala ko na ho ito, e. Iba ho ito kung kabahan at kutuban. Matindi. Para ho itong si Madam Auring at Madam Rosa." Ani Mayen.

Napatingin siya kay Mayen. Seryoso at alalang-alala ang mukha nito kahit pabiro na ang mga binitawang salita.

" Hay, naku! " sabi naman ni Mrs. Stanford.
" Kahit hindi ko naman narinig ang bawat side ninyo ng pamangkin ko, may idea na kaagad ako kung sino ang magsisinungaling at nagsasabi ng totoo."

Napamaang naman sila ni Mayen.

" Nagsumbong na sa akin si Happy. Sinaktan daw siya ni Bianca." Ani Mrs. Stanford.

Nagkatinginan sila ni Mayen. Hindi sila makakibo.

" Never mind. Kahit hindi na kayo magtapat sa akin ay alam ko na ang totoo. Dahil ang apo kong si Happy, never na nagsinungaling sa akin. Napaka-honest niya sa sarili, at sa kung ano'ng nararamdaman niya. Kaya kung talagang sinaktan mo siya at ginawan mo siya ng masama, hindi ka niya mapapatawad. Bagkus, mas kasusuklam ka pa niya." Wika ng Ginang.

" Naku. Grandma, " sabi naman ni Mayen,
" Ang bait-bait ho namin sa kanya! Katunayan, napamahal na nga ho si Happy sa amin. "

" Alam ko. Kaya nga nakakasundo niya kayo at Mahal na rin kayo ng apo ko." Pagkuway biglang nabalisa ang Ginang.

" Ano 'yon, Grandma? " tanong naman agad ni Mayen nang mapansin ang pagkunot ng noo nito.

" Bakit mukhang nagwo-worry pa kayo? " si Mayen.

" Nagwo-worry ako para sa pamangkin ko. Kailangang mabuksan ang isip niya sa babaeng balak niyang pakisamahan habangbuhay. Ayokong saka siya mauntog at magigising kung kailan asawa na niya ang babaeng 'yon ," anito.

Biglang lumakas ang sasal ng dibdib ni Sofia.

Siniko naman siya ni Mayen.

" Segi nga. Grandma, sama kami sayo diyan! Mukhang hindi nga liligaya ang pamangkin nyo sa bruha at antipatikang Bianca na 'yon! " ani Mayen.

Nangiti na siya. Oo nga! Lupigin ang bruha! Ani ng isip niya.

------------ Next Part 18

Ang Boss kong Masungit (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon