1

1 0 0
                                    

"Ito na yung chance mo Francisca, papalampasin mo pa ba?"

Isang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon naaalala ko parin yung sinabi ni Steven saakin nung pinatawag niya ako. Para namang may magagawa pa ako eh ready na ang lahat, ako na lang ang hindi.
Oo, chance ko na 'to pero hindi pa ako ready malaman yung totoo at sa mga posibleng mangyari.

I let out a sigh dahil sa mga naisip ko at hinipan ko din yung bangs ko, napakasagabal netong bangs ko! Bakit ba kasi pinalagyan ako ni Tyra neto?

Tumayo ako ng tuwid at nilibot ko yung paningin ko sa bagong university na papasukan ko.

Wala talaga akong balak na lumipat pa ng university dahil ilang taon na lang naman ay gagraduate na ako ng college pero dahil sa nalaman ni Steven napilitan ako lumipat dahil mas mapapalapit ako sa katotohan na matagal ko nang gustong malaman.

Kinabisado ko na lahat ng dapat kabisaduhin dito sa university noong orientation pa lang kaya hindi na ako mahihirapan hanapin yung mga building para sa mga course ko. Nakakapanibago parin dahil ang laki neto kaysa doon sa dating kong pinapasukan.

Tinext ko si Tyra na mamayang break na lang kami magkita dahil ayokong malate sa first subject ko, nasa 8th floor pa naman yung classroom ko. May elevator sila dito pero alam kong sa susunod na taon pa ako makakasakay doon dahil ang dami ng estudyante dito.

Marami-rami na din ang tao dito sa classroom nang dumating ako. Yung iba pamilyar saakin dahil nakita ko sila nung orientation. Hindi na ako nagtaka nung makakita ako ng mga grupo grupo. Nginitian ko yung iba pero peke na ngiti. Wala akong balak makipag kaibigan, dalawa lang ang pakay ko dito ang makapagtapos at ang malaman ang katotohanan.

Dumating na yung prof namin pero mamaya na daw kami magsimula dahil may hindi pa dumadating. Napansin ko na okupado na lahat ng upuan at yung sa katabing upuan ko na lang ang walang nakaupo.

30 minutes na ang nakalipas at wala parin yung isa naming kaklase.

"Napaka iresponsable naman niya!" sabi ko sa sarili ko, tatayo na sana ako para magpaalam kung pwede pumunta sa cr pero biglang bumukas yung pinto at nagsalita na yung prof.

Walang choice yung lalaki kung 'di tumabi saakin, hindi ko rin siya tinignan dahil wala akong pake. Magpapakilala kami isa-isa dahil halo-halong course pala ang nandito kaya malamang hindi kami magkakakilala except sa iba.

Tumayo yung katabi ko para magpakilala at naloka ako dahil lahat nakafocus sakanya yung iba kinikilig pa.

"Good morning everyone, I'm Aeden Matthew L. Ramos. Nice meeting you all." what a nice name! Yun lang ang sinabi niya pero grabe ang kilig ng mga babae dito. Ako na ang sunod at last na ako.

"Save the best for last." HAHAHAHAHAHAHAHA tawang tawa ako sa naisip ko pero sa isip ko lang ako tumawa dahil baka pagkamalan nila akong baliw.

Umubo ako at nagsalita na.

"Good morning everyone. I'm Francisca Celestine A. Roma. I'm a transferee and nice meeting you all." I flashed a sweet smile after I introduced myself.

Tinignan ko yung prof namin dahil hindi pa siya nagsasalita kahit tapos na kaming lahat. Namumutla yung prof namin, gulat na gulat at parang ang lalim ng iniisip niya? Ewan ko.

Nagkatinginan kaming dalawa pero parang mas lalo siyang namutla? May sakit siguro 'to. Tumayo na siya at umubo muna bago mag-salita.

"Nice meeting you all. I'm Professor Miguel R. Ruiz."

After niya magpakilala nagdiscuss lang siya about sa mga rules and regulations niya at sa grading system tapos dinismiss niya na kaagad kami. May lakad ata 'yon pero wala parin akong pake.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Did Something BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon