Prologue

8K 68 1
                                    


"Look, ayaw na naming patagalin pa to, kaya kung pwedi umamin ka na. Anong dahilan at pinatay mo silang lahat?" Tanong ng isang pulis sa isang babae.

"I-I didn't kill them, isa rin ako sa biktima" sagot ng babae.

"You did kill them Layla! Isa ka ring biktima PERO BAKIT IKAW LANG ANG NATIRANG BUHAY?!" Sigaw nito sa babae.

"Hindi nga ako ang pumatay! Wala akong ginawa, takot na takot ako noon kaya umalis ako at humingi ng tulong kaya't iniwan ko sila, tapos ngayon ako pa ang gagawin niyong suspect?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Layla.

"Layla Scheude, okay so gagawa nalang kami ng mga conclusions-" natigil ang police sa pagsasalita.

"Wait! M-meron akong hindi nakitang bankay sa mga kasama ko. S-si Clint, si Clint hindi ko siya nakita dun" sabi ni Layla.

"Si Clint? Ang anak ng pinaka respetadong tao, anak ni Judge Bruke na si Clint Bruke ang pinagbibintangan mo Layla? Para malaman mo Ms. Scheude, may nakita kaming isang katawan doon na nasusunog, and guess what? May nakuha pa kaming natira sa gamit niya, and that's Clint Bruke's ID!" Sagot ng pulis.

"W-what! N-no, h-hindi totoo yan. Hindi! Si Clint, lagi siyang nawawala tapos pano siya nasunog ng ganon? Si Clint, siya yung pumatay" Pagpipilit ni Layla.

"Sa tingin mo ba tanga kami Layla? We have our conclusions, as far as I know dati kayong magkasintahan ni Clint. Noong naghiwalay kayo, ipinalit ka niya sa bestfriend mong si Cindy. Base on our investigations for your information Ms. Scheude, nakita namin ang katawan ng bestfriend mong si Cindy na brutal na pinatay!"

Patuloy parin sa pagtanggi si Layla, ngunit ayaw siyang paniwalaan ng mga pulis. Mas lalo pa siyang naghanap ng Alibi, pero mas naging daan pa yun upang mapatunayan nilang siya nga ang pumatay sa mga kasamahan niya.

"Ganito ang mga nangyare Ms. Scheude, base sa impormasyon na natanggap ko, ikaw at si Clint ay naghiwalay. At mula noon, nag iba na ang mga pinapakita mo sa kanila, and you even threaten Cindy" paliwanag ng pulis.

"O-oo, I threaten her, pero hindi kayang pumatay" pangatwiran niya.

"Ikaw na mismo ang nagsabi niyan, dahil sa sinabi mo mas lalo lang nitong pinatibay ang conclusion namin sa mga pangyayare. You became paranoid after niyong magbreak, at balak niyong lahat na mag piknik pero iniligaw mo sila at dinala sa isang lugar na malayo at tago. Then after that, mas lalo mo nang pinagbabantaan si Cindy, at nalaman yun ng iba niyong kasama kaya pati sila pinatay mo. At kayong dalawa ni, yang mga sugat mo dahil sa away niyo yan habang nandon pa kayo, pero nadesgrasya si Clint kaya mo siya natalo, at dahil sa galit mo ay sinunog mo ang katawan niya!"

"Pe-pero wala akong ginawa. Hindi ako ang may gawa"

Unti-unti nang napapraning si Layla, kaya't mas lalo pang lumakas ang suspetsa sa kanya. Umiiyak ito at tumatawa, tapos biglang tatahimik at itanggi ang nangyare.

Dinala nila sa mental hospital si Layla dahil sa pinaniwalaan nilang isa na nga siyang baliw, pero ano nga ba ang totoong nangyare? Sino nga ba ang pumatay sa mga kaibigan niya. Siya kaya, o may iba pa?

Abangan sa susunod na kabanata....

****

//Ang mga sumusunod na pangalan, karakter, lugar, at pangyayare ay kathang isip lamang. Ano mang pagkakahalintulad ng isa sa mga ito s tunay na pangyayare ay hindi sinasadya at maaaring nagkataon lamang.

-Do not copy or distribute any of this work. Plagiarism is a serious crime.//

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now