Tatlongpot-Apat na Kabanata

1K 14 1
                                    


Sophia's Pov

"Sophia, balita ko namatay na si Judge Bruke!" Masiglang balita sa akin ni Atty.

"What?! Pano nangyare yun?"

Hindi ako makapaniwala, dahil gusto kong ako mismo ang makapatay sa kanya. Walang hiyang Elka na yun, I'm sure sa akin niya isisisi ang lahat!

"Bakit mukhang hindi ka masaya Sophia? Hindi ba't ito ang gusto mo?" Tanong nito sa akin.

"Dapat ba akong matuwa Atty? Kung ang ama ng kaaway ko, hindi namatay sa sarili kong kamay?" Sagot ko.

"Pero hindi ba't mas mabuti na yun Sophia? At least hindi mo na kailangan mantsahan ang kamay mo" sabi ni Marco.

"Kung sabagay, may punto ka. Anong balita sa grupo ni Layka?"

"Mukhang sayo nila sinisisi ang nangyare. Last night, nagpunta ako sa Club, at narinig kong galit na binabanggit ni Jaurus ang pangalan mo" sabi ni Marco.

Hindi nga ako nagkamali, sa akin nila isisisi ang mga nangyare. Mas mabuti na yung ganon, kapag binalak niyang bumawi, at least may rason na ako para lumaban.

"Maaari ka nang umalis Atty. Marco, gusto kong maghanda ka na. Dahil sa tingin ko, may taong babalaking puntahan ako ngayon" sabi ko.

Sumunod sila sa pinag-uutos ko. Naghanda rin ako, at pumunta sa labas ng comfort zone ko.

Habang nagdadrive si Marco papuntang kompanya, may biglang tumawag sa akin.

/Phone ringing/

"Hello?"

'Hi, Sophia" sagot nito mula sa kabilang linya.

"Look, who do we have here. Mukhang namumuo ang galit sa boses mo" pag provoke ko sa kanya.

'pagbabayaran mo ang ginawa mo! Walang kinalaman dito ang ama ko, pero bakit siya ang pinatay mo?!' galit na sabi nito.

"Kahit sabihin kong hindi ako ang pumatay, hindi ka rin naman maniniwala, hindi ba? Kaya sabihin nalang nating, it's even now. Pinatay mo ang parents ko, ngayon pinatay ko ang ama mo!"

'makikita mo Sophia! Makikita mo!' pagbabanta nito sa akin.

Ni hang up ko phone, at sinabihan kong medyo bilisan niya. Inaamin ko, kinakabahan ako dahil sa nag iisa lang ang tao ko.

"Natatakot ka ba Sophia?" Tanong nito sa akin.

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi" sagot ko.

"Wag kang mag alala, nandito ako. Gaya nga ng sinabi ko, handa akong ibigay sayo maging ang buhay ko." Pag comfort nito sa akin.

Somehow, I felt relieved when he is around. Everytime na kinakabahan ako, ang knowing the fact na nanjan siya, it makes my heart felt comforted.

"Inaasahan ko ang sinasabi mo ngayon Marco. 'wag mo sana akong bibiguin"

Matapos kong sabihin yun, biglang nag break siya kasi may humarang sa daanan. Lumabas sa sasakyan na humarang sa amin ang tatlong lalaki.

Kahit nag iba na ang hitsura nila, alam ko parin sa sarili ko na kilala ko sila. Ang isa sa mga lalaki, ay ang nakita ko noon sa burol ko.

Ang isa ay puno ng galit ang mga mata. At ang isa ay walang reaksyong makikita sa hitsura nito. Si Leo, Rozz, at Clint. Ang tinaguriang The Three Musketeers ng paaralan namin noon.

Nahihilo ako dahil sa lakas ng impact ng pagpreno, umiikot na ang paningin ko. Nakita ko si Marco na nilalabanan ang tatlo, kahit pa nahihilo na din ito.

Pinilit ko ang sarili ko upang matawagan si Atty, at nagawa ko nga. Sinabi ko sa kaniyang nadesgrasya kami.

Habang pilit na nakikipaglaban si Marco sa kanila, marami itong natatanggap na suntok mula sa kanila.

Isang sapak niya, limang sapak ang natatanggap niya. Sobrang naaawa ako sa kanya, nabubugbog na siya, at duguan na ang mukha.

Nang matumba siya, pinuntahan ako ni Rozz sa backseat. Pero laking tuwa ko nang marinig na may paparating na mga pulis.

Agad silang nagsitakbuhan, at unti-unti na akong nawawalan ng malay. Nararamdaman kong kinagarga nila ako.

-

Nagising akong nakahiga sa kama ng hospital, nung una'y di ko maalala ang nangyare.

Pero di nagtagal, naalala kong nagkaroon kami ng aksidente, at nabugbog si Marco sa pagligtas sa akin.

"Si Marco? Nasan siya?" Tanong ko kay Atty na natutulog sa tabi ko.

Agad itong gumising ng marinig ang boses ko. Hinawakan niya ang kamay ko, at puno ng pag aalala ang mukha nito.

"Sophia, nako po! May masakit ba sayo ha?" Tanong nito na puno ng pag aalala

Minsan nagiguilty ako kapag pinagsusupetsahan ko siya. Dahil sa itinuturing niya akong kapatid, pero ang di ko maintindihan ay kung bakit ayaw niyang maging kaibigan ko.

"Si Marco? Kumusta siya, nakita ko siyang nabugbog kanina" tanong ko.

"Okay lang ako Sophia, sobrang nag aalala ka sa akin. Baka mapagkamalan kitang may nararamdaman sa akin niyan" pagbibiro nito.

"Mabuti naman at di ka napuruhan" sabi ko na binabalik sa normal ang boses ko.

Ngumisi si Atty bilang pangungulit sa akin, at tinutusok nito ang gilid ko. Nagkunyare akong galit para umano di mahalata.

"Ano ba Atty, tumigil ka nga" sabi ko.

"Okay, sabi mo ehh. Yiiee!"

Lumapit sa akin si Marco at inilapit nito ang hitsura niya sa akin. Di ko mapigilan ang sarili ko, at napapikit na lamang ako.

"Nagagalit galitan daw, pero napapapikit. Haha!" Sabi ni Atty.

I came to may senses at agad kong tinapik ang mukha ni Marco. I'm so embarrassed, pinagtatawanan nila ako.

Biglang nagring ang phone ko at pinakuha ko ito kay Atty.

"Hello?"

'hello Sophia' sagot nito sa kabilang linya.

"Elka?!"

'mukhang saulado mo na ang boses ko? Balita ko may nangyare sayo, tumawag ako para kumustahin ka' Pagprovoke nito.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

'Ikaw yata ang may kailangan ngayon Sophia. Pakinggan mo kung ano ang sinabi ng bisita ko. Miya ba ang pangalan nito?'

Nagsalita ang babae, may binalita ito kay Elka. Hindi tunkol sa akin. Kundi tunkol sa kakambal kong si Layka.

'Binabalak ni Layka na patayin ka, upang mapunta sa pangalan niya ang lahat ng pag aari mo. Yun ang plano niya sa simula pa lang' Ito ang mg sinabi sa recording.

"Ano ang binabalak mo ngayon Elka?!"

'Naalala ko lang ang sinabi sa akin ng isang kaibigan. Sa larangang ito, kung sino ang humarang sa daraanan natin, dapat patayin. Kadugo, kaibigan, o kahit na sino pa man!'

****

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now