Unang Kabanata

4.2K 50 1
                                    


Clint's Pov

Nagising ako sa isang madilim na lugar, kumapa ako sa paligid at nakahawak ni isang mabilog, malaki at mabigat na bagay.

Kinuha ko ito at kinapa ang katawan nito, may nahawakan akong button, pinindot ko to pataas at umilaw.

"Gosh! Thank you, may flashlight dito"

Inilawan ko ang paligid at nakita kong may mga kasama ako sa lugar. Nilapitan ko ang dalawang nakadapa sa sahig.

"Rozz, Cindy!" Pinukaw ko silang dalawa.

Dahan dahan naman silang nagising at nagulat sila nang makita ang paligid.

"Ahhh!" Napasigaw si cindy.

"Shhhh, baka malaman nilang gising na tayo. May ideya ba kayo kung nasaan ang iba?"

Umiling lang sila at pinagmasdan lang ang paligid. Masyado itong makalat, mukha itong isang abandonadong building.

Nasa isang silid kami, at nang may narinig kaming tunog ng mga paa, bigla kaming nagsitahimik at pinatay ko ang flashlight.

Naramdman kong pumasok ito sa silid kung saan kami naroon. Sobrang nanginginig kami sa takot, nang marinig namin siyang magsalita.

"Guys, nandito ba kayo?"

Boses yun ni Layla ah? Inilawan ko siya at tinakpan niya ang mata niya.

"Ano ba, nakakasilaw"

"Layla" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Ilan kayong andito?" Tanong niya.

"Tatlo, si Cindy at Rozz"

"Mabuti, si Leo at Miya kasama ko sa kabila, pero nawawala pa rin sina Kayle at Rias"

"Ba't ka pumuntang mag isa Layla? Alam mong delikado"

"Narinig ko lang na may nag-uusap dito. Niyaya ko sila pero takot sila eh kaya ako nalang mag isa ang pumunta"

Kahit kailan talaga, sobrang lakas ng loob niya. Ito ang parehong dahilan kung bakit ko siya minahal at hiniwalayan.

"Tara guys, hanapin natin sina Kayle at Rias" sabi ko sa dalawa pa naming kasama.

"A-yaw kong u-malis b-babe. D-dito lang ako" nanginginig na sabi ni Cindy.

"Sasamahan ko nalang din siya bro" sabat ni Rozz.

"Sige, pero dun nalang kayo sa kabila. Wag na wag kayong maghihiwalay okay?"

Tumango lang silang dalawa, hindi makatayo si cindy sa sobrang takot. Kaya't hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Shhh, babe andito lang ako okay?"

Tumayo na siya at dahan-dahang naglakad. Biglang may tuko na bumasag sa katahimikan at lahat kami nagulat.

Naupo si Cindy sa sobrang takot at tinakpan niya ang kaniyang tainga. Muli ko siyang pinakalma, at sa wakas nakarating din kami sa silid kung nasaan si Leo at Miya.

"Oh my God" paulit- ulit na sinabi ni Miya.

Niyakap ko silang dalawa, sobrang umiyak si miya at halos matuluan na ng sipon ang damit ko. Pinatahan ko siya at kumalma naman siya.

"Aalis na muna kami, hahanapin namin sina Kayle at Rias, wala silang kasamang lalaki kaya kinakabahan ako para sa kanila" sabi ko sa kanilang apat.

"Wait, sama ako bro" pakiusap ni Leo.

"Hindi na, dito nalang kayo't bantayan niyo na lang silang dalawa. Di hamak na mas malakas ang loob nung dalawa kesa dito sa dalawang to"

Sumang ayon naman si Leo sa sinabi ko. Binigyan ko sila ng armas kung sakaling may biglang sumugod.

"Tara na Layla"

Sumang ayon kaagad siya sa akin. Naghanap kami sa iba pang mga silid ngunit wala naman doon. Mayroong sampon silid dito, ngunit wala sila maski sa isa doon.

"Sa tingin ko, nasa upper floor tayo ng building. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung building noon na nag collapse" ani Layla

"Kung ganon, hanapin natin sila sa baba"

Bumaba kami kaagad, nasa 3rd floor kami ng building. Bumaba kami sa 2nd floor at nagsimulang maghanap, kagaya ng sa taas sampong silid din ang mayroon dito ngunit wala din sila sa ni isa sa mga kwartong yun.

Nagtinginan nalang kami ni Layla, tumango siya at ganun din ako. Bumaba na kami sa 1st floor, saktong pagdating namin sa baba ay may narinig kaming yapak.

Papalapit sa amin ang dalawang magkaibang yapak, kaya't inabangan nalang namin sila.

Hinuli ko ang isa, at si Layla naman ang isa. Tinutukan ko siya ng bakal sa leeg, ganun din si Layla.

"Please, please maawa kayo" sabay nilang sinabi.

Agad kaming bumitaw at pinaharap sila, sobrang mangiyak ngiyak sila ng makitang kami yun. Niyakap namin ang isa't isa tsaka nagtanungan.

"Nasan tayo? Bakit tayo nandito" mangiyak ngiyak na tanong ni Kayle.

"Ano bang kailangan sa atin ng mga kidnappers? Kung pera lang, pwedi naman tayong makipag settle sa kanila, we're all Rich kid, pwera lang kay Layla" sabi naman ni Rias.

"Mag dahan dahan ka nga sa sinabi mo Rias, alam mo punong puno na talaga ako sayo eh" sabi naman ni Layla saby turo ng hawak niyang bakal kay Rias.

"Guys, hindi ito ang tamang panahon at lugar para sa away ninyong dalawa. Kailangan na nating bumalik sa taas, baka may mangyaring masama sa kanila" sabi ko.

"Oo nga, hanggang dito ba naman?" Dugtong naman ni Kayle.

Inisnoban lang nila ang isa't isa at nauna agad umakyat si Layla at sinundan naman siya ni Rias. Napailing na lamang kaming dalawa ni Kayle at sumunod sa kanila.

Pagdating namin sa silid na pinag-iwanan namin sa kanilang apat, napatayo na lamang kami sa pintuan ng silid dahil sa hindi na namin sila makita.

"Guys, dito niyo sila iniwan?" Tanong ni Kayle.

"Obvious naman sa reaction nila diba?" Sagot naman ni Rias.

"Pwedi ba wag mo ngang dalhin dito yang pagkasuplada mo Rias, ako mismo makakapatay sayo niyan eh!" Sabi naman ni Layla.

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Layla, I just broke the silence kasi kailangan pa naming makita nag mga kasama namin.

"Guys, wag ngayon okay? Kapag nakaalis na tayo dito saka kayo mag away away" pabiro kong sinabi ang huling linya.

"Makakaalis pa nga ba tayo?" Tanong naman ni Rias.

Tiningnan namin siyang tatlo, realizing what she said. Makakaalis pa nga ba kami dito?

"Ahhhhhhh" may narinig kaming sigaw mula sa 2nd floor.

"Boses yun ni Miya!" Sabay naming sinabi.

Tumakbo kami pababa at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw, nakita namin silang lahat na takot na takot at si Miya,

She's on the floor and unconscious.

****

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now