Ikawalong Kabanata

1.2K 19 0
                                    


Clint's Pov

Nag antay kami sa isang silid na malapit lang kung saan kami naroon kanina. I can't believe what I just saw.

Maraming sinasabi sa kaniya ang mga kasama namin, but still she managed to control her ego at iniligtas kami.

Maya-maya lang pumasok na din siya sa silid kung nasaan kami, masyadong tahimik ang lahat.

"What took you so long?" Tanong ko.

"May inasikaso lang ako, hindi tayo pweding magtagal sa iisang lugar lang. Maghanap tayo ng iba pang pweding mapagtaguan, kahit hanggang bukas lang ng umaga" sabi niya.

"Do you think maaabutan pa tayo dito ng umaga?" Tanong ni Cindy.

Natahimik kaming lahat sa biglaang tanong niya, walang makasagot dahil walang nakakaalam ng sagot.

Matapos ang ilang minutong pag papahinga, nag desisyon na kaming lumipat ng mapagtaguan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, ng lumabas kami sa silid, saktong kakaakyat lang din ng mga kidnappers.

Nagkaharap-harap kaming lahat, nasa unahan kaming dalawa ni Layla. We spread our arms, na nagpapakita na gustl naming protektahan ang mga kasama namin.

"Tingnan mo nga naman, hindi nakabalik ang dalawa nating kasama, at kompleto padin sila? Ano sa tingin niyo?" Ika ng isang lalaki na nasa unahan.

"I want to have a little fun here" sagot ng isang boses ng babae.

Sumang ayon ang mga kasama niya sa sinabi niya. At napaisip din ako, siguro nga hindi na kami maabutan ng umaga dito.

"Okay my baby, anong gusto mong gawin?" Tanong ng lalaking nagsalita kanina.

"Ahh, he's so sweet right? Okay, magbibigay ako ng chance sa kanila. Matira matibay tong larong to, let's divide them into two"

Gaya ng suggestion ni Layla kanina, siguro nga mas nakabuti kung kanina pa kami naghati sa dalawang grupo.

"Ikaw, mula sayo-" habang tinuturo ako "hanggang dun sa dulo-" si Leo ang tinutukoy niya "kayo ang magkagrupo, dumaan na kayo, umakyat kayo sa third floor. At mula sayo babae hanggang dun sa dulo na isa ring babae, bumaba kayo sa second floor" masyadong demanding tong babaeng to.

Nagtinginan lang kaming lahat at walang kumibo.

"Ano na! Bakit hindi kayo gumagalaw?!" Sigaw niya bigla

Nagulat kaming lahat, humawak ng mahigpit sa akin si Cindy. Halos mangiyak ngiyak na din ang iba pang mga babae, pwera lang kay Layla.

Mula noon, hanggang sa ganitong sitwasyon totoo ngang matapang siyang babae. Hindi lang pagpapasikat ang ginagawa niya noon, yun nga talaga ang totoong siya.

Nagdahan-dahan kaming umalis sa pwesto namin, at kagaya nang sinabi niya umakyat nga kami sa 3rd floor.

Di parin gumagalaw si Layla at ang grupo niya, nainis ng dahil dun ang babae kaya't lumapit ito kay Layla at sinabunatan ito sabay sabing,

"Ano, hindi ka natatakot? Matapang ka? Hindi ka natatakot para sa sarili mo, sino kaya ang uunahin ko, itong iyakin ba?"

Lumapit siya kay Miya, halos atakihin na si  Miya sa sobrang takot na mas lalo namang ikinatuwa ng babae.

"Hayaan mo na siya, sa akin ka lang naman naiinis diba? Hayaan mo na silang bumaba" biglang sinabi ni Layla.

"Ano? Hayaan sila? Ako ang nag uutos dito!, Ang gagawin mo lang ay makinig sa ipinagagawa ko! How dare you to say those things!" Sigaw nito sa sobrang galit.

Sinapak niya bigla si Layla na dahilan kaya natumba ito. Walang ibang magawa si Layla kundi ang sumabay nalang sa agos dahil may mga baril na nakatutok sa kanya.

"P.pakiusap, t-tama na. B.b.baba na k.kami" nanginginig na pakiusap ni Miya.

Tinulungan nilang tumayo si Layla, si Kayle at Rias walang nasabi. Tulala sila sa isang tabi. Nag dahan-dahan silang maglakad pababa.

"Kayo, bakit hindi pa kayo umaakyak" tanong ng lalaki.

Nasindak ako sa biglaang pag salita niya. Naduduwag na ako, basta bahala na. Kailangan ko na munang sundin ang ipinag-uutos nila.

-

Nang makarating na kami sa taas, agad ko silang tinipon.

"Kailangan natin kaagad makaisip ng plano, hindi pweding hindi tayo lumaban" sabi ko.

"Pero may mga baril sila" sagot ni Rozz.

"Kumusta na kaya si Miya" sabi naman ni Leo.

"Yung dalawang yun, sana naman hindi sila nagbabangayan ngayon" sabi din Cindy.

Ngayon ko lang naisip, magkasama nga pala si Rias at Layla ngayon. Sinadya kaya nilang gawin yun para pag awayin si Layla at Rias. Para sila na mismo ang magpatayan?

"Masama ang pakiramdam ko dito, I mean kanina pa masama. Pero thinking that those two are on the same team, sa tingin ko may plano sila. Baka gusto nilang pagawayin yung dalawa" ika ko.

"T-tama ka bro, kahit anong mangyare, kailangan nating makababa mula dito" sabi ni Rozz.

"Kaya mula ngayon, mag isip na tayo ng plano. Masyado pang mahaba ang gabi para matapos to" sabi ko sa kanila.

Sumang ayon sila sa akin, agad silang pumasok sa bawat silid at kumuha ng posibleng gawing armas.

Puro mga babae ang nasa baba, nag aalala ako. Ano na kayang nangyayare sa kanila ngayon. Knowing na laging nag aaway yun dalawa, baka posibleng mag away nga sila.

****

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now