Dalawamput-tatlong Kabanata

1K 20 1
                                    


Layla's POV

Ikwinento ko kay Atty. Ezgara ang mga nangyare, mula sa bangayan namin hanggang sa naturang pangyayare.

"What the? Sinasabi mo bang si Elka? Mali naman siguro ang iniisip ko diba?" Sabi nito.

Maging siya ay hindi makapaniwala, dahil sa sobrang bait ng pagkakakilala niya rito.

"Tama ang iniisip mo, walang ibang taong gumagamit ng pangalang Elka kundi si Layka Shannon lang, ang kakambal ko"

"What the heck? Sorry sa words, pero how are so certain?!" Tanong nito.

"I am so certain, kasi kahit tabunan niya ng maskara ang pagmumukha niya, alam na alam ko ang boses niya" sagot ko.

Natahimik ang buong kwarto dahil sa sinabi ko. Kumagat labi si Atty., At di malaman kung ano ang dapat niyang sabihin.

"At isa pa Atty, I think buhay pa si Clint. Yung sinabi nilang sunog na katawan, alam kong hindi siya yun. Nag-iwan sila ng ebedensya na posibleng tutukoy kay Clint, pero ang totoo hindi siya yun"

"Sinong Clint? Si Clint Bruke ba? Ang anak ng Honorable Supreme Judge?" Gulat na tanong nito.

"Oo, siya nga"

-"Naguguluhan na ako sa nangyare. Okay, knowing na di siya natakot na kidnapin ang anak ng supreme judge, tumutukoy lang ito na malaking tao ang nasa likod ng lahat ng to. Anu man ang mangyare, wag na wag mong babanggitin sa kanila si Clint at Elka"

"P-pero nabanggit ko na sa kanila si Clint, sobrang kabado ako noong iniinterrogate ako, kasi di pa ako maalis sa shock, at nasabi ko pang si Clint ang may gawa ng lahat." sagot ko.

-"Okay, okay. Since nasabi mo na, banggitin mo na rin ang tunkol kay Elka. Pero kahit anong mangyare, di ka dapat mapunta sa kulungan. Hindi gagana lahat ng plano, ngayon palanh maghahanda na ako para sa Plan B" sabi nito

"Ano naman ang Plan B?" Tinanong ko out of curiosity.

-"Plan B, back up plan"

"Alam ko ibig sabihin nun, I mean ano ang gagawin ko"

-"Ibibili na muna kita na makakain" sagot nito.

Anong ibig niyang sabihin? Nakikipag biruan ba siya? Plan B, ibibili niya ako ng pagkain? Tss!

Dumating ang Pagkain sa silid, pagkain ito mula sa paborito kong fast food, nagugutom na ako but I have an upset stomach dahil sa Plan B.

"Kumain ka, ayan ang Plan B" sabi nito habang nakangiti.

Di ko talaga maintindihan kung pano naging plano B ang kumain. Pero senyas siya ng senyas sa pagkain.

Parang naiintindihan ko na gusto niyang sabihin, nakabaon sa rice ang plan B. Kaya agad ko tong hinukay at tiningnan. Pagkabasa ko, kinain ko sabay sa pagnguya ng rice.

"Aalis na muna ako, makikibalita sa nangyare, okay? Ngayon palang simulan mo na"

Umalis na siya at dahil sa Plan B niya, nagkaroon na ako ng kahit katiting na pag-asa.

'maging baliw ka'

Ito ang nakasulat sa papel. Hindi ko na iisipin ang dignidad ko kapag nagpapanggap ako. Total ngayon palang, sirang sira na ako.

-

Ngayon na ang araw ng trial, dapat hindi ako mabigo. Okay na sa mental, dahil kapag andun ako, medyo mahina ang security makakatakas ako kung kinakailangan na.

Basta hindi lang ako sa bilangguan mapunta, okay na.

Bumalik ang Attorney na may dalang bag na sa tingin ko puno ng files. Tumango ito sa akin, at ganon din ako sa kanya.

Sumunod ako sa kanya sa court at naupo na ako sa defendants seat. Pagkatapos ng mahaba habang debate, sinenyasan na ako ni Atty.

"H-hindi ako ang pumatay, hihahaha! Hindi ako, hindi ako!" Sinabi ko na parang napapraning na.

Kinagat ko ang kuko ko at tumingin tingin sa paligid. At nagkunyareng merong naririnig na nagsasalita.

"Manahimik ka! Wag kang bulong ng bulong sa akin. Hahahaha!"

Sobrang nahihiya na ako sa nangyayare. At ang pinakanakakahiya kong ginawa ay nang mag sexy dance ako sa gitna ng trial court.

"Order in the court!" Ilang beses na sigaw ng Judge.

Lumapit ako sa kanya habang sumasayaw, at inaakit siya. Tinanggal ko ang botones ng detainee shirt ko. Pinigilan nila ako at pilit na pinababalik sa upuan.

"Sandali, mag oorder daw siya. VIP siya eh, anong order mo!" Sigaw ko.

"Anong nangyayare Atty. Ezgara? Explain this!" Galit na sabi ng Judge kay attorney.

Siya kunyareng umiiyak na at kino comfort ako. Niyakap niya ako habang umiiyak, ako naman tawa ng tawa.

"A-ang totoo po niyan, sinabi ng doctor niya na posibleng maging ganito kalala ang mangyayare sa kanya dahil sa trauma Judge, maaaring mabaliw na siya ng tuluyan" mangiyak-ngiyak na sabi nito.

"May ebedensya ka bang nagpapatunay sa mga sinasabi mo?" Tanong nito.

Pero she's smart enough para hindi kaagad ibigay ang ebedensya. Nagkalat muna ito, hinukay ng hinukay ang bag niya hanggang sa makita na niya kunyare ang ebedensya.

Nanginginig pa ang mga braso nito habang lumalapit kay Judge. Such a good actor, pasado siya kung mag aartista siya.

"Tatanggapin ko tong ebedensya, at we'll continue after a short break"

Umalis muna ang Judge, at ako naman tawa pa din ng tawa at parang may kinakausap. Si Atty. Naman, iyak pa rin ng iyak.

-

Bumalik na sila after 5 minutes, tumayo silang lahat sa pagpasok ng Judge. Pero nanatili akong nakaupo.

Pag upo nila, ako naman ang tumayo at biglang tumawa. Nakikita ko ang awa at takot sa mata ng judge, gumana naman siguro diba?

"Any Closing Argument Mr. Prosecutor?" Tanong ng Judge.

"I will charge her of kidnapping and multiple murder, I declare that she'd be given atleast 50 year in prison" matamlay na sinabi nito.

Siguro naramdaman niya na din na nadala ang Judge sa nangyayare sa akin. Tinanong din ng Judge si Atty, pero tumanggi siyang magbigay ng Closing Argument, dahil sa mangiyak-ngiyak pa siya.

"I examined the evidence, and I even call myself her doctor, and he confirmed the defendant's mental illness. I acquired other doctors and they said the same thing. I can't send her to prison, but instead, we called some guard in the hospital and they will arrive soon to get her" sinabi nito at ni stamp na niya ang Gavel.

Nagkunyare akong walang alam sa nagyayare, at nanatiling nagsalita. Pero sa loob-loob ko, sobrang natutuwa na ako.

-

Dumating ang guard mula sa hospital at kinuha ako. Pero syempre kailangan kong nag resist.

"San niyo ako dadalhin? Ha?! Ayoko! Ayoko, isusumbong ko kayo kay mama!" Sigaw sigaw ko.

Pilit parin nila akong kinalakad at tumango ako kay Atty, at ganon din siya sa akin.

"Hindi ako baliw!" Paulit ulit kong sinigaw.

"Ganito sinasabi niyong lahat, hindi kayo baliw pero pinapakita niyo namang baliw kayo"

Ipinasok na nila ako sa loob ng ambulance, at bumulong sila sa akin.

"Tama na ang akto, medyo malayo na tayo"

Tumawa kami, at tahimik ang byahe papuntang hospital. I have to face this one, kailangan ko munang manatili sa loob ng hospital hanggang sa makalimutan na ang kaso.

I have to endure all of this trials, because this will make me stronger.

****

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now