Ang Huling Kabanata

1.8K 16 0
                                    


Sophia's Pov

"Wag mo nang ituloy ang binabalak mo Clint!" Sabi ni Miya habang tinututukan ng baril si Jaurus.

Sinubukang bumunot din ng baril ni Leo, pero naunahan na siyang tutukan ni Rozz.

"Sorry bro" sabi nito.

Di ko maintindihan ang nangyayare, kung bakit sila-sila na ang nagtutukan. At si Elka, wala man lang ginagawa, hinahayaan lang sila.

"A-anong nangyayare?" Tanong ko out of confusion.

"Sorry Layla, ngayon lang kami pormal na makakapag usap sayo, kinailangan kong baliwalain ka para mahuli si Elka kasama ng iba pa" sabi ni Miya.

"Sorry Layla, narinig namin lahat ng usapan niyo, pero you have to understand. Justice doesn't make any consideration." Dagdag ni Rozz.

"Anong kagaguhan ang Justice na pinagsasabi niyo?!" Galit na tanong ni Jaurus.

"Couple Agent Rozz and Miya ng Federal Department. I'm glad to finally meet you." Sabi naman ni Elka.

Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayare sa kanila, at mga Agent? Pano sila napunta dito?

"P-panong-?" Hindi ko matapos tapos ang tanong ko.

"Kagaya ng sinabi ko noon, Elka knows everything. Since then, kilala ko na ang dalawang yan. I'm the one who lured them, kasi alam ko na you seek justice anak, at kagaya ng kahilingan mo, dito na magtatapos ang lahat." Sabi ni Elka.

"Hindi ako papayag na mapunta sa wala ang lahat!" Galit na sabi ni Leo.

Tinuloy niya ang pagbunot ng baril, binaril niya si Elka, pero si Marco ang natamaan. Dahil sa binaril na siya ni Rozz bago pa man niya matutok kay Elka ang baril niya.

Si Jaurus naman, sinubukang tumakas. Humarap siya kay Miya, hinawakan ang baril at naagaw niya ito.

Binaril niya si Miya, at binaril naman siya ni Rozz. Sa ulo niya ito tinamaan.

"Hindiii!" Sigaw ko ng pabagsak si Miya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya, nakangiti ito habang nakikita niyang papalapit ako. May binulong siya sa akin.

"M-mula ng araw na yun L-Layla, w-wala na akong ibang i-inisip kundi a-ang mabigyang h-hustisya ang l-lahat. M-masaya akong mamatay d-dahil sa makakamit m-mo na ang hustisya." Masayang sabi nito habang pilit na humihinga.

"Wag ka nang magsalita, okay? Naririnig mo yun, mga sirena ng pulis at ambulance yun diba? May darating na tulong, pakiusap wag kang matutulog"

Tumingin ako kay Rozz, hindi siya umiimik, pero kitang kita sa mukha niya ang malaking pagsisisi na mawawala na si Miya.

Dumating ang mga pulis at mga respondent sa lugar, hinuli nila si Elka na hindi na nagresist. Tumingin ito sa akin na parang nagsasabing, 'Okay na ang lahat'.

Dinala naman nila sa ambulansya si Miya, Leo, Jaurus, at Marco. Pero pagdating sa hospital, diniklarang dead on the spot si Jaurus.

Dead on arrival naman si Miya, Marco, at Leo. Hindi ko mapigilan ang luha ko, nagluksa ako sa kanilang lahat kahit na may galit sa puso ko.

"P-patawarin niyo ako, kung di ko nasabing pinapatawad ko na kayo. Rest in peace guys"

Kinomfort ako ni Rozz, hindi na rin niya napigilan ang luha niya. Niyakap niya ako.

-

News1: "Ang taong nasa likod ng lahat ng pagpatay sa mga company shareholders na sina Mr. And Mrs Scheude, pati na ng nangyare 15 years ago sa mag asawang sina Mr. and Mrs. Ezgara, ay nahuli na."

News2: "Ang tinatawag nilang Elka ay siya din umanong nasa likod ng pagpatay kay Judge Bruke, at Atty Ezgara."

News3: "Elka, hinatulan ng korte ng kamatayan, para hindi na umano makagambala sa mga mamamayanan."

-

Nakuha ko na ang hustisya na hinihingi ko mula pa noon. Pero bakit parang kulang parin?

Parang may mali sa mga nangyayare. Hindi konito nararamdaman dahil sa ina ko siya, kundi nararamdaman ko ito dahil may pakiramdam ako na hindi siya ang taong nasa likod ng lahat ng to.

Kailangang may magbayad, at siya ang pinakamalapit na suspect sa mga nangyare. Pero may mali sa nangyayare.

Pumunta ako sa kompanya para i-discuss sa board of directors ang isang bagay na gusto ng mga magulang ko.

Automatic akong naging President ng kompanya dahil sa combined shares ng parents ko na ipinamana sa akin.

"From here on, we will stop the illegal trading business. I hope no one will decline" I announced.

"Pero bakit? Anong problema? The Scheude started it to begin with" tanong ng head of finance.

"Let's be clean, siguro lahat naman tayo gustong mangyare yun. Kung di kayo kumbinsido, let's have a voting then."

Bumuto kami lahat para sa pagtigil ng Illegal trading business or kung ipagpapatuloy ito.

In the end, nanalo ang gustong tumigil. I'm so glad in hearing this. I hope my parents would be glad kapag nakita nila ito.

"So, we won. This is the official declaration, we will stop our illegal trading business."

Nagsipalakpakan ang mga director, maging ang hindi sumang-ayon ng marealize nila ang motive ko.

"Anyways, this was my parents dying request. Thank you for granting it."

-

12 of September 2018. Ito ang araw kung kailan bibitayin si Elka. I can't manage to call her mom, dahil kinamumuhian ko siya.

3:30 pm ang oras ng pagbitay sa kanya, for the very fast time in a long while, magkakaroon ng pagbitay.

Napakasakit mang isipin, pero wala na akong magagawa. Ang publiko na mismo ang humiling na hatulan siya ng public execution.

3:00, thirty minutes bago ang oras na bibitayin si Elka. May babaeng pumunta sa akin na may binigay na flash drive.

"K-Kayle?!" Tanong ko.

Hindi ko alam kung nagha hallucinate lang ako. Pero si Kayle nga itong nasa harap ko ngayon.

"Hindi ako si Kayle, ako si Karla, her twin sister. Pumunta ako dito para ibigay sayo ito."

Pinanood ko ang lamang ng video, at doon ko nalaman kung bakit nasabi ni Elka na para sa akin ang lahat ng ginagawa niya.

Kung bakit sinabi niyang siya na ang aako ng responsibilidad. Kung bakit nakangiti pa siya ng hulihin siya.

Tumulo ang luha ko habang pinapanood ang video na yun, tumakbo ako agad palabas at pumunta sa lugar kung saan siya ibibitay.

Sobrang layo ng lugar na yun, it will take me 20 minutes to drive papunta dun. Pero pagdating ko, oras na para bitayin siya.

"Maaaa!" Sigaw ko.

Tumingin siya sa akin na nakangiti na parang nagsasabing, 'okay na ang lahat'. Napahinto nalang ako pinugutan na siya ng ulo.

"Hindiiii!"

Huli na ang lahat, hindi dapat siya ang nandon. Pero dahil sa pag-ako niya ng lahat, gagawin ko ang hinihiling niya.

Mabubuhay ako hanggang sa huling hininga ko. Mama, patawad kung hindi ko alam ang tunkol dito.

Paalam.

****

Author's note: So ayun na nga. Paalam, salamat sa pagbabasa. I hope you liked the story, hehe. Gomawosamnida!

-Anyways, Special episode is coming up next. 😊

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now