Ikalabin-limang Kababata

1K 17 1
                                    


(Kasalukuyan)

Clint's Pov

[0220h - Saturday]

'bro! Huy! Ano ba, gising bro'

Narinig kong sinasabi ng isang pamilyar na boses. Boses ni Rozz.

Dumilat ako at nakita ko siya sa harapan ko, may dalang kumukurap na flashlight. Lumapit siya akin.

"Bro ano ba, nakatulog ka ba? Ito na siguro ang pagkakataon natin para makaalis" sabi nito.

"P-pero si Layla, nasan? Si Cindy?" Tanong ko.

"Hayaan mo na sila, kailangan na lamang natin itong ireport sa pulis bro"

Tumayo ako sa kinauupuan ko, at naglakad palabas ng silid. Nagtungo ako sa bawat silid na naroon sa first floor pero di ko makita si Layla.

Hinila ako ni Rozz ng may marinig na mga yapak. Nagtago na muna kami, at makikita lang namin ay parang mga aninong naglalakad sa sobrang dilim.

Parang nawala na ako sa sarili ko, di ko alam ang gagawin. Hindi pa kami nagkakausap ng maayos ni Layla, tapos ito na ang nangyare.

Nagdahan-dahan kaming pumunta sa main entrance, para sana tumakas na. Pero pagdating namin dun may mga nakaabang na gumagwardya.

"P-pano na? Pano tayo makakaalis?" Tanong ko.

Di sumagot si Rozz, sobrang nanghihina na kami dahil mula pa nung huwebes wala kaming kain.

Nakakaramdam na ako ng gutom, di na ako makapag isip ng matino. Umatras muna kami at nagtago, maya-maya lang ay msy narinig kaming sumigaw.

"Si Leo bro, siya yun" sabi ko at pilit na lumabas.

"Anong pinagsasabi mo? Gumising ka nga Clint, wala na sila. Nawawala sina Layla, Cindy at Rias. Tapos wala na ang iba, tayong dalawa na lamang ang natira dito!" Galit na sabi nito.

"S-si Leo yun bro, sigurado ako"

Sinapak ako bigla at kwinelyuhan sabay tulak sa akin sa pader. Siguro ito nga ang gusto nila, ang mag away kami.

"Gumising ka sa katutuhanan bro! Tayong dalawa na lamang ang nandito!" Galit na sabi nito.

Bumawi ako ng sapak sa kanya, kagaya ng ginawa niya, kwinelyuhan ko din siya at idinikit sa pader.

"Wala kang karapatang sapakin ako ng ganun na lang!" Sagot ko.

Tinanggal ko ang kamay ko sa kanya, at lumabas siya ng silid. Magkanya-kanya na kami, sa ganun parang may maliligtas pa sa amin.

"Bahala ka na!" Sabi nito bago umalis.

Hindi ko alam kung talagang napapraning na ako, at ako lang ang nakarinig nun, o pilit lang siyang nagbibingi-bibgihan.

Naghanap ako ng pwedi kong madaanan palabas, pero wala akong makita. Lahat ng posibleng daanan ay may nakagwardya.

Ano ba talaga ang gusto nila sa amin? Hindi naman sila naghahangad ng pero, o di kaya pag bigay ng not guilty verdict mula kay dad.

Pero ano ang balak nila? Di ko maintindihan, ano ang balak nilang gawin?

Trip lang ba talaga nils kaming patayin? O isa sa aming magkakaibigan ang nakagawa ng kasalanan sa kanila.

Habang naglilibot ako, may narinig akong nag-uusap, pero sa tingin ko nasa telepono ang kausap niya.

'tumawag ka? Nakita mo na ba?'
'mabuti kung ganun, dalhin mo na ulit sila dito'

Sino kaya ang tinutukoy nilang nakita na, sila Layla ba yun? O may iba pa silang kinidnap bukod sa amin?

Paalis na ako mula sa pakikinig, ng lumingon ako bigla akong nakabunggo sa isang malaking katawan.

Pagtingin ko, nakita ko ang isang malaking mama sa harap ko. Madilim, di ko masyadong makita ang mukha niya, pero alam kong nakatingin siya sa akin na nakakatakot.

"Ah, ehehe. Excuse me po" sabi ko.

Wala na nga ako sa matinong pag iisip, siguro ng dahil sa sobrang gutom, o sa trauma na dinaranas ko dito.

"Anong excuse? Saan mo balak pumunta?" Sabi nito.

Sobrang laki ng boses, parang boses ng isang higante. Totoo ngang nakakatakot siya.

"Ah, eh, sasama sana ako sayo. Ehehe, san ba ang daan?" Tanong ko.

"Dito ang daan"

Tinuro nito sa akin, isinaman niya ako kung nasan ang boss nila. Nang makarating kami dun, agad akong lumuhod.

"P... pakiusap, kung kailangan niyo ng pera, pwedi kong tawagan dad ko." Sabi ko dito.

"Nandito ka para masaksihan ang isang pagpatay, swerte ka at hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na yun" sabi nito sa akin na ikinagulat ko.

Hindi ako nagulat dahil sa mga sinabi niya. Nagulat ako dahil sa boses nito, isang babae ang boss nila.

"A....anong ibig mong sabihin? Si Rozz, yung kasama ko? Nasan na?" Tanong ko.

"Oh, may kasama ka pa pala, akala ko nag iisa ka nalang, salamat at sinabi mo" sabi nito.

Sa tingin ko tuloy parang naibenta ko si Rozz sa kanila, hindi. Hindi ito maari, mamamatay si Rozz ng dahil sa akin.

"N...nagtanong lang ako, akala ko may kasama pa ako. Wala na pala" pagbabawi ko sa sinabi ko.

"Ang una mong sinabi ay walang halong nagsisinungaling, tapos ngayon susubukan mong bawiin. Para lang sabihin ko sayo. Sobrang obvious mo" sagot nito.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya, sa tingin ko mas lalong mamamatay si Rozz dahil sa pagbabawi ko.

"Hanapin niyo siya, at alam na ninyo kung ano ang gagawin" utos nito sa mga tao niya.

Umalis na sila at nabalot ako ng kaba. Tumayo ako at susunod sana sa kanila ng bigla siyang magsalita.

"San mo naman balak pumunta? Gusto mo bang sumunod dun at mamatay kasama ng kaibigan mo, o mananatili ka dito at sasaksihan ang isang pagpatay? Pumili ka Clint"

"P-pano mo ako nakilala?"

****

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now