Ikalabin-dalawang Kabanata

1.1K 18 1
                                    


Clint's Pov

"Ako ito, si Kayle" sabi ng niya.

"Oh Kayle!" Medyo pasigaw na sabi ni Cindy.

Niyakap niya ito habang umiiyak, hinawakan ko sa balikat si Kayle na parang nagsasabing, 'buti at nakarating ka.

"Pero Kayle, ano yung mga sigaw na narinig namin sa kanina?" tanong ni Rozz.

"Si-si Miya, wala na siya. Kagaya ng sinapit ni Leo, naging kalansay na din siya at iiñang mga gamit lang nito ang makita." mangiyak-ngiyak na sabi nito.

"Eh si Layla? Si Rias? Nasaan sila?" Dagdag ni Cindy.

"Hindi ko alam. Nagkahiwa-hiwalay kami kanina, wala na akong ibang maisip kundi ang umakyat dito, at narinig ko ang ingay niyo. Pero si Leo, bakit di ko makita?" Sabi nito.

"Wala na din siya" sagot ko.

"P-pero b-bakit mo siya tinatanong Kayle?" Tanong ni Cindy.

"Oo nga, d-diba sinabi mong parehas sila ng sinapit n-ni Leo?" Dagdag pa ni Rozz.

Napaisip din ako sa sinabi nila, naalala ko nga na sinabi ni Kayle na kagaya ng sinapit ni Miya, ganun din ang sinapit ni Leo.

Hindi kaya siya nga yung nakita kong lumabas sa isang silid kanina pagkatapos manahimik ni Leo sa pagsisigaw niya?

"Ah-eh, yun. Naisip ko lang na ganun ang sinapit niya, k-kasi h-hindi ko siya makita" nauutal na sagot nito.

"Ikaw ba ang may gawa nun kay Leo at Miya, Kayle?" Tanong ko.

"Ah-Ha?! A-anong p-p-pinag sasabi mo?" Sagot nito.

Tumayo ako at lumabas, sumunod naman sa akin si Rozz. Hindi ko alam na nagpaiwan si Cindy kasama ni Kayle.

"Bumaba tayo bro, hanapin natin si Rias at Layla" sabi ko.

"Sige" pag sang ayon nito.

Bumaba kami, dahan-dahan lang naming ginawa. Iniingatan naming makagawa ng ingay.

Isang hakbang na lamang para tuluyan na akong makatapak sa second floor ng may marinig kaming sumigaw.

'ahhhhhhh!'

"Teka ano yun?" Tanong ko.

Sabay kaming napalingon sa taas. Dali-dali kaming umakyat at nakasalubong namin si Cindy.

"A-anong nangyare Cindy, diba ai Kayle yun?" Tanong ni Rozz.

"Ah-Ha? Eh, hindi ko alam. W-wala naman akong narinig na sum-sumigaw" nauutal na sagot nito.

"Anong ibig mong sabihin? Ang lakas ng sigaw niyang yun, pano mo nasabi na wala kang narinig?" Tanong ko.

"Ah, yun. Ano, mauna na ako sa baba" sagot nito.

Hinayaan ko nalang siya at dali-daling nagpunta sa silid kung nasaan si Kayle kanina. At kagaya ng nangyare kay Leo at Miya, kalansay nalang din at iilang gamit ang meron siya.

"H-hindi! A-anong nangyayare dito" nanginginig na tanong ni Rozz.

"T-tama! H-hindi si Kayle ang nakita ko kanina. Habang nagsasalita si Kayle kanina, natatakot itong tumingin kay Cindy. Habang nagsasalita siya, napapalingon ito kay Cindy tsaka sumagot" sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin bro?"

"Kaya ako nahimatay ay dahil kay Cindy. Siya yung taong yun, hindi si Kayle" sagot ko.

"Kung ganon, kailangan na nating hanapin  sila Layla at Rias bro. Tara na"

Nagmadali siyang lumabas, halos hindi ako makatayo dahil naguilty ako ng iniwanan ko siya kay Cindy.

Naramdaman kong napuno siya ng takot ng iwanan namin siya, pero bakit di ko iyon pinansin?

Pero bago pa mahuli ang lahat. Kailangan ko nang magmadali. Bumaba na si Cindy, si Rias at Layla delikado.

Pero pwedi ring si Rias ay kakampi niya, dahil sa napansin ko lagi silang nagaaway ni Layla, pero si Cindy nagkukunwaring inosente.

Dali-dali na din akong lumabas, hindi ko na makita si Rozz. Tiningnan ko ang oras sa relo ko, at 1:00 na ngayon.

Ilang oras nalang, sasapit na ang liwanag. Kailangan kong maprotektahan ang mga kasama ko habang may oras pa.

Kailangang makalabas sila ng buhay, ilang oras nalang gigising na si haring araw.

-

Nakarating ako sa first floor, pero sa tingin ko huli na ako. Tiningnan ko ang bawat silid, pero sa isang kwarto lang ako may nakita.

Yung bracelet na binigay ko kay Layla. Pero positibo akong buhay pa siya, merong mga dugo pero walang bankay o kalansay.

Pinulot ko ang bracelet na yun, napaluha ako habang inaalala ko ang mga araw na masaya kaming magkasama.

Naalala ko rin kung bakit di ko siya naipaglaban sa harap ng dad ko. Nagiguilty ako ngayon, di ko alam kung ano ang gagawin.

Sana kung mabigyan ako ng kahit isang pagkakataon, makasama ko siya kahit ilang oras manlang gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya.

Pero sa dami ng kasalanan ko sa kanya, hindi alam kung mapagbibigyan ng langit ang kahilingan ko.

Hindi ko alam kung daratibg pa ang araw na magkakasama kami ulit. Yung mga araw na kaysarap balikan, ngayon iisang ala-ala nalang.

Nagsisisi ako kung bakit hindi ko nasabi sa kanya kung gano ko siya ka mahal. Kung bakit di ko siya niyakap ng mahigpit nung may pagkakataon pa ako.

Kung bakit nagawa ko siyang lokohin, at Kung bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, kahit sa school lang namin mahihirapan ka ng magbilang ay sa kaibigan pa niya.

Kay Cindy ko pa siya nagawang ipagpalit. 'Layla, kung nasan ka man. Kapit lang, hahanapin kita, pakiusap wag kang mamamatay. Hahanapin kita"

****

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now