Special Episode

2.5K 31 2
                                    


Special Episode

Third Person's Pov

Habang malunkot na kumakain si Sophia, inaalala ang mga kaibigan. Mga taong pinagkatiwalaan niya noon, na ngayo'y sila-sila na mismo ang nagpatayan, nalunkot siya ng sobra.

"Ma'am Sophia!" Sigaw ng isang katulong.

"Anong balita ang dala mo? Kaaga-aga eh sumisigaw ka?" Tanong nito.

"May bisita po kayo, may mahalaga daw siyang sasabihin" sagot ng katulong.

Sinenyasan niya ito na papasukin ang bisita na umano'y may mahalagang sasabihin. Ngunit di niya inaasahan na ang makikita niya'y isang pamilyar na mukha.

"K-Kayle?" Sabi niya.

"Nagkakamali ka Sophia, ako si Karla, kakambal ng namayapa ninyong kaibigan na si Kayle." Sagot nito.

"Sorry, anong sadya mo dito?" Tanong ni Sophia.

"Nabalitaan ko ang nangyare sa inyo, at kung paano namatay si Kayle. Nooy di ko magawang pumunta dito dahil sa takot, pero ngayong namatay na ang lahat ng kasama sa insidente ng araw na yun, at ikaw na lamang ang natira, siguro dapat mong malaman ang mensahe na pinadala sa akin ni Kayle" -Karla

"Anong ibig mong sabihin? Anong mensahe?"

"Noong araw bago kayo makidnap May 11, 2016, may pinadala na isang flashdrive si Kayle sa akin."

Sabay nila itong pinanood. At ang mensahe sa loob, ay di kapani-paniwala. Tunkol sa totoong katauhan ni Elka.

-[Video Playing: May 9, 2016]

"Ginawa ko ang video na to, dahil sa tingin ko kailangan mong malaman ang totoong katauhan ng nasa likod ng kung ano man ang mangyayare sa hinaharap.

May isang babae na pumunta sa akin, sinabi niya ang totoo tunkol sa gagawing pagkidnap sa atin. Ipinag-uutos umano ito ni Elka, pero pinakilala niya ang sarili niyang siya si Elka.

May 6, 2016. Nakita ko ang isang babaeng may suot na maskara, na kagaya nang suot ng babaeng humarap sa akin. Pero iba ang mukha nung babaeng nakita ko noong lunes ng gabi, at nang babaeng pumunta sa akin.

Sinabi ko sa kanya ang nakita ko, pero sinabi niya sa akin na kailangan niyang akuin na siya si Elka para maprotektahan ang babaeng nasa likod ng maskara.

Maski ako, gusto kong protektahan ang babaeng iyon, siya ang natatanging kaibigan na meron ako. Itinuturing naming kapatid ang isa't isa.

Ang babaeng humarap sa akin, sinabi niyang ina siya ng babaeng nasa likod ng maskara. Sinabi niya din sa akin na ang babaeng yun, di niya alam kung sino talaga siya.

Ikinuwento niya sa akin kung ano ang nakaraan ng babaeng nasa likod ng maskara, at pumasok sa isip ko ang ganitong ideya.

Dahil sa kagustuhan niyang makalimutan ang mapait niyang nakaraan, bumuo siya ng isang alaala na masyadong malayo sa totoong pangyayare.

Naghahati-hati ang opinyon niya sa totoong pangyayare, kaya nakabuo siya ng dalawa pang personalidad sa katauhan niya.

Ang babaeng nakita kong nasa likod ng maskara nung gabing yun, ay walang iba kundi ikaw Layla. Minsan ko na ring nakaharap ang kakambal mo, pero may isang taong humarap sa akin na kamukha mo rin.

Si Sophia. Noong una, inakala kong hindi lang kayo kambal. Akala ko triplets kayo, pero nalaman ko lang ngayon na ikaw din ang isang yun.

Sana mapatawad mo ang sarili mo sa mga pangyayare, wala kang kasalanan Layla, sinubukan mo lang kalimutan ang nakaraan. Hindi mo ginusto ang mga nangyare, ito ang buong katotohanan.

Meron kang sakit na tinatawag na Multiple Personality Disorder. Ibig sabihin, si Layla, Sophia, at Elka ay iisang tao lamang."

-

Hindi makapaniwala si Sophia sa mga narinig, hindi niya matanggap ang mga pangyayare.

"I-ibig sabihin, ka-kagagawan ko ang lahat?!" Tanong nito sa sarili.

Lumilibot ang paligid niya, unti-unti siyang nahihilo habang patuloy na tumatakbo sa isipan niya ang mga alaala na hindi niya akalaing siya ang gumawa.

-[Memories Flashing]

[3 years ago]

Nakita ni Elka ang namamalimos na si Layka, kaya isang gabi pinuntahan niya ito at sinabing aampunin. Pumayag naman si Layka, pero kailanman ay hindi niya nalaman na si Layla pala ang nasa likod ng mga maskara.

Inutusan niya ito na akitin si Clint Bruke at kumbinsihing magtayo ng isang outdoor Club, at yun ay ang Bulls Club. At yun nga ang nangyare.

Sumunod na ginawa niya ay ang planong pagkidnap sa mga kaibigan ni Layla Scheude. Pero mismong sa isipan ni Elka, hindi niya akalaing siya din si Layla.

-[2 years ago]

Isang taong pa ang lumipas at dumating na ang araw kung kailan nakaplano ang lahat. May 13, 2016 ang araw kung kailan nila dapat gawin ang nakaplano.

"Kailangang mamatay ng isang babaeng nagngangalang Kayle, nakita niya ang hitsura ko. Hindi niya pweding ipaalam sa mundo kung ano ang nakita niya" pag-uutos ni Elka kay Layka.

Nabalitaan ito ng kanyang ina, at agad siyang pumunta kay Kayle, upang sabihin ang balita. Pero di natinag si Kayle at sumama parin ito sa nasabing outing nila.

-

Habang nasa hospital si Layka, dumating ang araw na gustong ng akuin ni Sophia ang katawan, lingid din sa kaalaman niya na mayroon pa siyang isang pagkatao, at yun ay si Elka.

"Kailangang may magpanggap munang Elka habang nandito ako sa loob" utos ni Elka kay Atty Ezgara.

-

"I need to get rid of Layla, baguhin mo ang mukha ko bago ako lumabas dito. Gawin mo akong opisyal na si Sophia" utos naman ni Sophia kay Atty.

-[1 year ago]

"Ngayon na ang oras para ihiwalay natin ang daan natin sa mga Scheude. Dapat na silang mawala" utos ni Elka kay Atty.

-[Few months ago]

Dumating na sa puntong gusto na ni Elka na malaman ng buong mundo kung sino siya. Ngunit kailangan muna niyang burahin ang mga hadlang sa daraanan niya.

"Ngayon na ang oras para mawala ni sila sa landas ko. Si Layka, Atty Ezgara, at lahat ng nakakaalam ng tunkol sa akin." Sabi nito sa sarili.

At mula noon, unti-untin nang namamatay ang mga taong nakakaalam ng pagkatao niya. Maging ang mga taong naging involve sa gawain niya.

Siniguro niyang may managot sa mga nangyare, at ang ina niya na nagpapanggap na Elka ang nanagot sa lahat at nahatulan ng bitay.

-

Matapos niyangmaalala ang lahat ng yun, halos mabaliw siya sa pagiisip kung ano ang dapat niyang gawin.

"I-ibig sabihin, ka-kagagawan ko ang lahat. Ang kinamumuhian kong kaaway, ay....ay ang sarili ko pala! A-Ako.... s-si.... Elka!"

****

Author's Note: Again, Thanks for Reading guys.

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now