Dalawangput Isang Kabanata

1K 16 0
                                    


(Kidnapping situation)

Layla's POV

[0430h: Saturday]

Nilapitan ako ng isang lalaki matapos kong hawakan ang kutsilyong ginamit upang patayin si Cindy at may inenject ito sa akin.

"P-pano mo nagawa sa akin to-?"

-

Nagising ako at sobrang nahihilo parin ako. Tsk, pero sa tingin ko may good news, may naririnig akong mga tao sa paligid.

Umaga na kaya? O baka nagha-hallucinate pa ako dahil sa injection. Ano nga kaya yung inenject nila sa akin? Droga ba o ano?

Lumabas ako sa naturang gusali na nagbabakasakaling may mga tao nga sa paligid.

Paglabas ko, medyo sumisilip na si haring araw, puro puno sa paligid ko nakikita ko. Parang nasa kagubatan ako, pero di ko sigurado.

Dinig na dinig mula dito ang mga sasakyan, pero nagtataka ako kung bakit nung mga oras na nandito pa ang mga kidnapper, wala akong marinig na sasakyang dumadaan.

Oo nga pala, ang lugar na to malayo sa karaniwang dinadaanan ng mga tao. Maraming nag sasabi na marami daw ang nadedesgrasya sa lugar na ito.

Matapos ang nangyare sa amin, sa tingin ko oras na para maniwala ako sa sabi-sabi.

Sinundan ko ang ingay, matapos kong makalabas sa kagubatan, nakita kong may nagtitipon sa kalsada. Mga pulis sila, salamat at makakauwi na ako.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanila, pero di ko inaasahan ang naging reaction nila ng makita ako.

"Oh-ho! Wag kang lumapit, jan ka lang kundi mapipilitan kaming paputukan ka!"

"P-pero nandito ako para humingi ng tulong!"

Nakatutok pa din sa akin ang mga baril nila, siguro na taranta sila dahil sa hitsura ko. Duguan ako at parang isang multo sa kagubatan.

"Ikaw ba si Layla Scheude?" Tanong ng isa sa kanila. Mukha siyang prosecutor.

"O-opo! Ako nga po" tuwang tuwa kong sagot.

"Maaari ka bang sumama sa amin para sa iilang katanungan?" Tanong nito.

"A-anong ibig niyong sabihin?"

"May taong nagreport sa amin kanina lang, na may anumalya daw na nangyare dito sa kagubatan, at ikaw ang prime suspect" sagot nito.

"P-panong naging ako? B-biktima lang din ako. Anong kabulastugan yang sinasabi niyo?!"

Maya-maya lang, may lumapit sa kanya na isang pulis at may binulong. Umalis na muna siya sa harapan ko at pumunta sa dulo.

Naalala ko ang lugar na yun, dun kami nahulog nung nakaraan sa isang munting kanal na daraanan ng tubig mula sa bukid.

Lumapit din ako para makita kung ano ang pinag uusapan nila, at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Sayo ang bag nato diba? Andito ang ID mo at iilang mga gamit" sabi ng prosecutor.

"O-oo, akin ang bag na yan. P-pero bakit nanjan-" di ko na napatapos ang sinasabi ko.

"Arestado ka sa salang pagpatay. May karapatan kang manahimik, anumang sabihin mo ay maaaring gamitin laban sayo sa korte. May karapatan ka ding kumuha ng abogado at magbigay ng pahayag ano mang oras" sabi nito.

"Hindi niyo pweding gawin to! Biktima lang din ako dito!" Pag Aaklas ko.

"Biktima ka ba talaga Ms. Scheude? Bakit nasa bag mo ang mga red card na to? At may mga pangalan na andito, at ikaw ang assigned killer"

"Hindi, hindi ito maaari. Hindi aking ang mga yan"

"Sumama ka nalang, kung patuloy kang hindi kusang loob na sumama, maaari kitang kasuhan ng resisting arrest at obstruction of justice!"

Wala akong magawa kundi ang sumama na lamang sa kanya. Dinala nila ako sa prosecutors office para imbistigahan.

"Dito ka na muna manatili habang iniimbistigahan pa namin ang mga pangayayre. Pero isa lang sigurado ako, bibigyan kita ng hatol ng kamatayan"

Nanginig ang tuhod ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ang batas pa ang hahatol sa akin ng kamatayan pagkatapos ng sinapit ko.

Pero umaasa parin ako na magiging patas ang batas, umaas parin ako na diringgin nila ang panaghoy ko.

Ano nalang ang mangyayare sa akin ngayon? Sino ang tutulong sa akin para mapatunayan kong inosente ako.

Sina Mom at Dad, pano kapag nalaman nila to. Baka mas lalo pang lumaki disappointment ni dad sa akin.

Noon pa man masyado na siyang harsh pagdating sa akin, hindi niya ako kinikilalang anak, gayong hindi naman talaga niya ako tunay na anak.

Totoong ampon lang ako, pero mula nung napunta ako sa kanila, lahat na ginawa ko upang ma impress lang si Dad.

Pero hanggang ngayon wala parin siyang tiwala sa akin. Si Kayle at Miya, wala na rin. Ang mga taong posibleng tutulong sa akin, wala na.

Hindi ko na kaya sila mabibigyang hustisya? Umaasa parin ako, umaasa ako na may darating upang tulungan ako sa problema ko.

"Ms. Scheude, nandito na ang abogado mo"

Nagulat ako ng sabihin yun ng guard na nagbabantay sa room kung nasaan ako. Sa sobrang tuwa ko, di ko na napigilan sarili ko at niyakap ko siya ng pagpasok niya.

"Attorney Ezgara!"

"Who-ho! Relax" sabi nito.

"Sorry, sobrang natutuwa lang ako dahil sa wakas may pag asa na ako"

"Parang compliment yun ah. Salamat sa pag acknowledge ng presensya ko. Gagawin ko ang lahat upang di ka madiin sa kasong to. Pero una sa lahat, sundin mo lang ang mga sasabihin ko sayo"

"Copy!" Tuwang-tuwa kong isinagot.

"Good, now let's start" /smirked/

*****

Kidnapped [COMPLETED]Where stories live. Discover now