A Flyer's Story (Special)

1.1K 30 19
                                    


By: redbutterfly202


Disclaimer: May puso din ang flyers kaya meron para sa kanila..hahahaha..

Dedicated to: @kxrenoids and @maywardism

---

Kinakausap ni Kai ang sarili habang naglalakad bitbit ang isang maleta at nakasukbit sa balikat ang isang packed bag papunta sa terminal mg Victory Liner.

" Animal na yon, akala niya di ko siya kayang layasan.. Tado na yon, di ako natatakot bumalik ng probinsiya. Di na nga siya nagtataas ng sahod may gana pa siyang manisisi na di natapos ang manuscript. Bakit? Ako lang ba ang writer niya .." Ang nasabi niya habang tagaktak na ang pawis..
v
Napakunot pa ang noo niya ng muntik na siyang mabangga ng isangv nagbibisikleta

" Muntik na kayong makabangga manong. "Ang nasabi ni Kai ma may tanong inis sa lalaking naka shorts at sando na nagbibisikleta

" Sorry Miss, di kita nakita.."Ang nakangiti pang nasabi ng nagbibisikleta na napakamot pa ng ulo

Nagsalubong tuloy ang mga kilay ni Kai..

" Bakit manong , mukha ba akong kaluluwa lang ha.." Ang naiinis na nasabi ni Kai.. " Sagot!" nilakasan pa nag boses

" Ang payat niyo po kasi." Ang sagot ng lalake.

" Tsee.." Ang angil ni Kai sabay alis na Iniwan ang maleta..

Nakailang hakbang na siya ng naalala ang maleta..

" Maleta ko.." Ang nasabi niya sabay binalikan ang maleta.. "Nakakainis.. " Ang sabi niya sabay hila sa maleta.


" Veyb!" Ang tawag ng isang boses lalake mula sa di kalayuan..

Napahinto si Kai.. Napapikit ng mga mata , napabuntong hininga pa at mahahalata ang tiim batang nitong pagpipigil na mainis.

" Veyb, Aalis ka na lang ba na di nagpapaalam." Ang halos hinihingal na nasabi ng isang lalake na may katangkaran..

Hinarap ni Kai ang lalake at pinagtaasan pa ito ng kilay..

" Anu bang paki mo?.. close tayo.. Bat mo ako sinundan?" Ang sunod sunod na tanong ni Kai na tiningala konti ang lalake..

Napangiti ang lalake at napakamot pa ng ulo..

" E kasi.." Ang di alam ng lalake kung anung sasabihin

" Hoy! Dismundo Cruz, wag mo akong ma e kasi.. Ano?" Ang mainis na nasabi ni Kai.. "Nagmamadali ako.."

" Saan ka ba kasi pupunta?" Ang tanong na lamang ng lalake na napatingin sa maleta ni Kai..

" Tsee.. Yon Lang naman pala.. " Ang may pagkairita sa boses ni Kai saka tinalikuran ang Lalake..

Hila hila ni Kai ang kanyang maleta samantalang sinasabayan siya ng lalake sa paglalakad.

" Where are going ba kasi?" Ang tanong ulit ng lalake na hinarang sa dinaraanan ni Kai

" Uuwi na ako sa probinsiya.. Madugas ang boss ko dito sa siyudad." Ang nasabi ni Kai.. "Umalis alis ka nga diyan sa dinaraanan ko baka matadyakan kita dyan e." Ang pagbabanta ni Kai..

"Kung uuwi ka.. Paanu tayo?" Ang tanong ng lalake

Napahinto tuloy si Kai.. Nagsalubong tuloy ang mga kilay nito..

" Dism,Walang tayo." Ang nasabi ni Kai

" Come on Kai, we shared kiss sa rooftop.." Ang paalala ng lalake

" Nakainom tayo pareho.. Di natin alam ang ginagawa natin.." Ang sagot ni Kai na muling naglakad..

" You told me na " Mahal mo din ako simula pa nung natrap tayo sa elevator ng tatlong oras. " Ang nasabi ng lalake na ipinaalala kay Kai ang nangyari..

"Nakainom Lang ako nuon.. Wag ka ng umasa.. walang tayo.." Ang muling nasabi ni Kai..

Napapatingin tuloy sa kanila ang ilan nakakasalubong sa dinaraanan..

" Di na makukompleto nag araw ko kapang di kita nakita.. Wag kang lumayo Kai." Ang pakiusap ng lalake..

Nagmamadali na lamang na maglakad si Kai na bitbit ang maleta..

Pinigilan ng lalake ang maletang hawak ni Kai..

" Please don't leave me.." Ang seryosong nasabi ng lalake

" Dism, walang tayo.." Ang nasabi na Lang din ni Kai..

Lumapit ang lalake. Hinawakan ang magkabilaang balikat ni Kai..

" Mahal kita Kai kahit na alam kong di mo sineseryoso ang mga pahaging ng ko sayo.." Ang nasabi ng lalake .

Napailing Lang si Kai na inalis ang mga kamay ng lalake sa balikat niya.. " Ulol, paniwalain mo ang iba pero Hindi ako, lagi ka Lang nang titrip.." Ang nasabi ni Kai na tinalikuran ang lalake..

Napabuntong hininga na lamang ang lalake na di makapaniwala na di naniniwala si Kai..

"Kai!"Ang tawag ng lalake ..

" Leave me alone.." Ang pasigaw na nasabi ni Kai.. "Kalimutan mo na ako.." ang dugtong pa ni Kai

Nang makaakyat sa bus ay napabuntong hininga si Kai.. Biglang wala ng sumusunod sa kanya.. Hindi niya alam pero parang kinurot ang puso niya..

"Ineng, ada ti Aydem?" Ang tanong ng konduktor kay Kai na sinipat pa siya mula ulo hanggang paa..

Napasambakol tuloy ng mukha si Kai..

" Manong nang aasar ka ba? Saanakon nga ubingon." Ang may inis sa boses ni Kai..

Napakamot na Lang sa ulo niya ang konduktor..

" Mukha po kasi kayong bata.." ang natatawang nasabi ng konduktor..

Inirapan na lamang ni Kai ang konduktor..

" Kung di ko lang talaga kailangang umuwi..naku.. bababa na ako." Ang nasabi ni Kai sa sarili..

Naghintay na lamang sila ng ilang sandali at halos puno na ang bus..

Sandali siyang napatingin sa bag niya..

" Excuse me, is this seat taken?" Ang tanong ng isang pamilyar ang boses kay Kai

Napatingala ma lamang si Kai..

"Dism.."

Napangiti na lamang ang lalake at umupo sa bakanteng upuan..

" Hi.." Ang bati pa ng lalake..

" Anung ginagawa mo dito?" Ang tanong ni Kai na litong lito ..

Dinampian na Lang siya ng halik sa noo ng ngingiti ngiting lalake..

" Hoy! Anung ginagawa mo dito.?" Ang muling tanong ni Kai na tinampal ng marahan ang kanang pisngi ng lalake..

" Sasama ako sayo." Ang nasabi ng lalake..

Biglang magpanic tuloy ang mararamdaman ni Kai..
Napatayo ito at napatingin ng marahan sa lalake..

" Anung sasama? Nababaliw ka na ba? Gusto mo mapatay ng pamilya ko?" Ang sunod sunod na tanong ni Kai.. " At isa pa wala tayong relasyon" at pinagdiinan parang salitang relasyon..

Nagkibit balikat Lang ang lalake..

" Ang ingay naman." Ang narinig ni Kai na may nagsalita..

Napaupo na Lang tuloy si Kai sa hiya

" Bumaba ka na.. aalis na ang bus." Ang utos ni Kai sa lalake..

" Sasama ako kung saan ka pupunta.." Ang seryosong nasabi ng lalake..

" Bahala ka sa buhay mo." Ang nasabi ni Kai na napasambakol ng mukha..

Ilang sandali pa ay umandar na ang bus. Napatingin si Kai sa lalake na tahimik na nangingiti ngiti lang. Hinampas niya ito

" Bumaba ka na.. " Ang utos ni Kai ..

" Bababa lang ako kung bababa ka." Ang nasabi ng lalake

" Bat mo ba ako sinundan.. Nagresign na nga ako diba." Ang nasabi ni Kai .. " Ayaw kong magtrabaho na ikaw ang boss dahil saksakan ka ng kuripot at masyado kang mahadera.." Ang dugtong niya

Napatingin ang lalake kay Kai. Biglang ikinulong ang mukha nito sa mga palad.. Siniil ng halik ang nagulat na si Kai.

" You're mine.." Ang nasabi ng lalake.

Parang binuhusan ng isang baldeng malamig na tubing si Kai.. Sisigaw na sana siya ng takpan ng lalake ang bibig niya saka niyakap..

" Nagalit ako kasi di agad natapos ang manuscript kasi bawat oras na nadedelay yon ay nadedelay din ang gusto kong gawing panliligaw sayo.." Ang seryosong nasabi ng lalake na halos pabulong na..

" Paanu mo ipapaliwanag ang pagkakuripot mo.."


Napabuntong hininga na lamang si Dism

" Alam kong uubusin mo na ma Lang sa pag bili ng makakain ang raise na ibinigay ko.. Itinabi ko ang para sayo para in case kailanganin mo may makukuha ka.. " Ang paliwanag ng lalake..

Napaismid na Lang tuloy si Kai..

" At saka I'm trying to save up para sa magiging anak natin."

Di tuloy makapagsalita si Kai na marahang itinulak palayo ang lalake.

Pareho silang umayos ng pagkakaupo..

" Simula nang magtrabaho ka para sa akin.. Nakuha mo na ang atensiyon ko.. You're weird paminsan minsan pero I love you're kind of weird." Ang nasabi ng lalake.. " You eat like a baby dinosaur pero mas ginusto ko yon sayo.."

Napatingin si Kai sa lalake..

" Lagi akong mukhang galit dahil nagseselos ako tuwing nakikita kang kasama ni Deo.. Gustong gusto ko siyang Itapon sa labas ng building.. " Ang kuwento ng lalake..

Napakunot na Lang tuloy ng noo niya si Kai

" He's gay."

Para pang nagulat ang lalake. Napabuntong hininga pa ito.

" So nagagalit ka sa akin dahil kay Deo?"Ang tanong ni Kai..

Napatango lang ang lalake na hinaplos ang pisngi ni Kai..

" Ang sama mo.." Ang naiiyak na nasabi ni Kai..

Niyakap na Lang ng lalake si Kai..

" Mahal kita.. Sobra kitang Mahal."

Napangiti ng lihim si Kai pero marahang itinulak ang lalake..

" Ligawan mo ako oi." Ang nasabi ni Kai .." Ano ka sinusuwerte."

Natawa na Lang ang lalake pero nakahinga ng maayos..

" Akin na nga yang chicken .. " Ang nasabi ni Kai na kinuha ang hawak na isang bucket ng fried chicken na hawak ng lalake.

Tiningnan na lamang ng lalake si Kai at napangiti ito

Inabot ni Kai ang isang drumstick sa lalake.. Ihinilig pa ni Kai ang ulo sa balikat ng lalake habang kumakain ng fried chicken niya..

" Para ka talagang dinosaur." Ang natatawang nasabi ng lalake habang umuusad ang bus papuntang probinsiya..

MES: Hearts and HuesWhere stories live. Discover now